Chapter 42: His face, hug & kiss

Start from the beginning
                                    

"Bethina, pwedeng magsama mamaya?" tanong ko

"Sino? Si Kenn ba?" nagulat ako dahil nahulaan niya agad ako

"Oo hehehe"

"Sure, sure.. Para masaya!" tapos naglulundag na naman siya. Pansin ko ang saya ng araw ni Bethina ngayon. Napansin kong paparating na si Ma'am kaya napapasok na kaming lahat sa room. Pagkapasok na pagkapasok niya pinamigay niya kaagad yung mga test papers namin. Bigla akong kinabahan..

Wala naman po sana akong bagsak Lord.

May mga classmate akong nagd-distribute ng test papers kada subject. At ito na natanggap ko na ang lahat ng test paper ko sa bawat subject. Hindi ko muna ito tinignan. Inipon ko muna sila at nung kompleto na. Unti unti kong sinilip ang bawat test paper. Hindi ko ineexpect ang nakuha ko sa bawat subject. Gusto kong maluha.. Grabe ito..

May biglang nag tap ng shoulder ko. Paglingon ko doon di ko alam sa sarili ko at niyakap ko siya.

"Uy Serah!" nagulat ata

"WAAAAH! KENN! NAKAPERFECT AKO FOR THE FIRST TIME!" sigaw ko sa kanya naramdaman ko naman na hinagod niya ang likod ko habang natatawa pa.

"Congrats naman" humiwalay na din ako sa kanya dahil napansin kong nakatingin sa akin ang mga classmates ko. Pero di na sila katulad noon na hindi ako pinapansin at madalas tinitignan mula ulo hanggang paa. Madalas nakakausap ko na sila at pinapansin na nila ako. May napansin akong nakatingin sa akin sa likuran ko. Nakatingin lang siya sa aking na may blangkong ekspresyon.

Dahil di ko alam ang gagawin ko tinalikuran ko na lang siya at hinarap ang test paper ko na di ko ineexpect ang results. Wala akong bagsak, thank you Lord! At may isa akong perfect for the first time na naging 4th year ako. Ang saya saya ko!

"Ok class, bumababa na tayo. We're going to practice your Graduation March"

Bago kami bumaba narinig ko yung mga classmate ko na nagbubulungan.

"Ang nakakaantok na marcha at paulit ulit pa."

Pagkalabas ko sa room biglang nagawi ang mata ko sa left side ko at di ko inaasahang makita si Zac at Mara na nag-uusap. Nakangiti si Mara kay Zac at patango tango pa. Mag kaibigan lang sila.. Walang meaning yun. Pero bakit ako nasasaktan? Si Mara komportable kay Zac, ako hindi gaano. Sana maging ganoon din ako.

- - -

Tapos na ang practice, yes! Well, nakakabagot eh di lalo na kung wala kang katabi na makakadaldan after mong makababa sa stage at kunin ang diploma. Madami na kasi kami ngayon. Pinagsamasama na kasi lahat ang bawat section at alphabetical order ang girls st boys. Tapos yung katabi ko pa hindi ko kilala taga ibang section kasi sila. Mabuti na lang talaga at natapos na.

Naglalakad na kami ni Kenn papuntang gate. Pumayag din siyang sumama sa akin. Nung una ayaw niya nakakahiya daw. Pero sabi ko okay naman kay Bethina. Kaya iyon pumayag din.

"Wooh! Natapos din" aniya

"Oo nga eh.." nandoon na si Travis at Bethina at nag-uusap ang dalawa. Si Travis ang nakapansin sa aming dalawa kaya naudlot ang pag-uusap nila.

"Nandito na pala kayo.."

"Alis na tayo?" tanong ko

"May dalawa pang iniintay" sagot ni Bethina.

"Sin-" biglang kumaway si Travis

"Nandito na pala kayo!" napalingon kaming dalawa ni Kenn sa likuran namin para malaman kung sino iyon. Parang gusto ko ng umuwi ng makita kong magkasama si Zac at Mara. Nakangiti pa silang dalawa palapit sa amin.

Cherish YouWhere stories live. Discover now