Chapter Twenty Nine

Start from the beginning
                                    

Natawa ako sa tanong nito sa akin. "Syempre, noong una, akala ko crush lang. Kaya hindi ako gumawa ng move. I didn't even know that when he fell on me, he fell straight into my heart. I didn't know I am also falling that time." Tumingin ako sa gawi ni Yuya saka ngumiti. "Hard and painful, yet a pure blithe."

Napatingin kami sa pinto - kahit hindi ko nakikita - nang dahan-dahan itong bumukas.

"Ang bilis mo naman ata, Trevor," sabi ni Yuya sa aking tabi.

"Naiwan ko kasi wallet ko e."

Bigla akong inalihan ng kaba. "T-Trevor... K-kanina ka pa ba diyan?"

"Ah, oo. Bakit? Natatakot ka ba na narinig ko lahat ng sinabi mo?" Bigla siyang lumapit sa gawi sa gawi namin. Naramdaman ko namang tunayo si Yuya at lumipat ng pwesto. Tumabi sa akin si Trevor bago hawakan ang aking kanang kamay. "Wag ka mag-alala. The feeling is mutual."

Huh?

Hindi ako nagsalita sa sinabi niya. Pilit kong inisip ang ibig sabihin ng mga sinabi niya. Nakatulala lang ako hanggang mag-sink in sa akin ang sinabi niya.

"H-hindi nga?" kinakabahan pero natutuwa at nag-aalangan kong tanong sa kanya. "D-di ba si Yuya ang gusto mo? N-narinig kitang umamin kay Yuya noong nasa amusement park tayo..."

Biglang tumawa ng malakas si Yuya sa sinabi ko. Ako naman ay nagtataka kung bakit. Kahit si Trevor ay napabungisngis.

"B-bakit?" nagtataka kong tanong sa kanilang dalawa.

"Hindi mo tinapos ang sinabi ko noon, 'no? Umuwi ka na lang bigla," natatawang sabi ni Trevor.

"Good thing I had it recorded," dagdag pa ni Yuya bago may i-play na audio.

"May aaminin ako sa iyo, Yuya," sabi ng boses ni Trevor sa audio recording.

"Ano iyon?"

"Tanda mo pa ba iyong sinabi kong hihintayin kita?"

"Oo, tanda ko pa. Bakit?"

"Alam mo ba kung bakit kita inaya rito?"

"Hindi. Bakit nga ba?"

"Mahal kita, Yuya. Sana ay hayaan mo akong patunayan sa'yo ang nararamdaman ko."

"Trevor, napag-usapan na natin---"

"Ayan dapat ang sasabihin ko sa iyo ngayon, kaso nakita ko si Arjhay."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Dahil bago ka pa dumating sa Crown, si Arjhay na talaga ang gusto ko.."

Nanlaki naman bigla ang mga mata ko sa aking narinig. Tumingin akobsa gawi ni Trevor at saka kay Yuya pero walang nagsalita sa kanila.

"Kaso hindi ako gumawa ng paraan o hakbang para mapalapit kami sa isa't isa kasi straight iyong tao e. Kaya naghanap ako ng mapagbabalingan ng atensyon, iyon nga at saktong dumating ka. Totoong may naramdaman ako sa iyo pero sa tingin ko, infatuation lang.

Alam mo ba kung bakit ako umalis sa Crown? Dahil pakiramdam ko dalawang tao ang nawala sa akin. Naging kayo ni Naoya. Kasabay noon ay naging usap-usapan na may relasyon din sina Horen at Arjhay. Hindi ko kinaya kaya umalis ako.

Pero ngayong nakita ko uli siya, kung titimbangin, siya pa rin ang mas gusto ko, Yuya. Pasensya na."

Natapos na ang recording pero nakatulala pa rin ako. Noon ko lang din naramdaman na may luha na palang dumadaloy sa aking pisngi. Mabilis kong kinapa sa tabi ko si Trevor pero siya na rin agad ang kumuha ng kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit.

"T-totoo ba lahat iyon?" pumiyok pang tanong ko sa kanya. "A-akala ko may gusto ka kay Sabrina?"

"Saan mo naman nakuha iyan?" natatawang tanong niya sa akin.

"Kasi iyong tingin mobsa kanya noon e, parang may glow."

"Meron nga," sagot naman niya na ikinalumo ko. "Huwag ka ngang mag-isip agad ng negatibo. Oo, may glow - glow ng inis. Kasi planado na namin lahat ni Yuya iyon e, tayong dalawa lang dapat kaso kasama pa siya. Saka huwag kang mag-alala. The moment I fell on you, that's the moment I fell into you. I fell, fall and will fall for you. Literally and figuratively."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Yumakap ako sa kanya na agad naman niyang sinuklian.

"Hindi naging kami ni Horen. Best friend ko iyon."

"Alam ko," bulong niya sa akin. "Kaso noong nakaraan ko lang nalaman," dugtong pa niya na ikinatawa ko uli.

Malakas na bumuntong-hininga si Yuya bago tumayo. "Salamat at natapos din. Naging tulay pa ako ng mga torpeng puso. Grabe!" Saka ito tumungo papunta sa pinto. "Ako na nga maggo-groceries. Nakalimutan na ang pagkain dahil sa kalandian."

Natawa naman kami ni Trevor sa sinabi nito. Narinig ko na lamang ang pagbukas at sara ng pinto. Humiwalay sa akin saglit si Trevor bago marahan akong halikan.

"Mahal kita," sabi ko sa kanya nang muli kami maghiwalay. Yumakap uli akonsa kanya. "Buti at nahulog ka no'n"

"Mahal din kita," sagot naman niya sa akin habang ibinabalik ang aking yakap. "Salamat at nando'n ka no'ng nahulog ako."

Crown 2: Fall Into MeWhere stories live. Discover now