Kabanata V : Ang Unang Patak ng Ulan (2/2)

Start from the beginning
                                    

Nilubog ng baha ang buong underpass at parang naging ilog ang itsura. Ang Quiapo underpass ang nagdudugtong sa Quezon City at Maynila. Hindi talaga karaniwan ang nangyaring bagyo dahil kinaya nitong punuin ng tubig ang malaking underpass na to. Para itong naging lawa na napapaligiran ng mga gusali.

Nun ko lang din napansin ang LRT 2 sa ibabaw ng tulay. Kahit pa bahagyang natatakpan ng hamog ay di ito naging sagabal para makita kong walang dumaraang tren.

Nilibot ko pa ang tingin ko at napansin ko rin na sa kinalulutangan ko, bukod sa mga mangilan ngilang kahoy at halaman, ay wala nang ibang nakalutang sa baha. Ang tanawin ay parang isang umaga sa malaking lawa na pinaliligiran ng manipis na hamog. Tahimik na parang nakakabaliw dahil sa katahimikan.

Pinilit kong lumangoy at abutin ang pinakamababaw na lupa Ang buong katawan ko ay basang basa at nanginginig nang lumantad sa hangin. Sa unang paghakbang ko ay napansin kong nakasukbit pa rin ang relo ko sa aking braso. Tinignan ko ang oras pero hindi ko nabatid dahil pinasok ito ng tubig at huminto ang mga kamay sa alas nuebe.

Pagkatayo ko ay agad akong bumaling muli sa paligid at tinignan ko ang lahat ng maaabot ng aking mga mata. Tama nga ako... inanod ako ng baha papunta dito sa Quezon Boulevard. Hindi ko lang maisip kung paanong nangyari yun dahil halos kalahating kilometro ata ang layo ng 7-eleven . Naitanong ko pa sa sarili ko kung gaano ba talaga kalakas ang bagyo at gaano kataas ang baha para abutin ako ng ganito kalayo. Pero tulad ng mga dati ko pang tanong, hindi ko ito masagot sagot. May sariling mekanismo ang mundong ito at kadalasan, mas maigi pang paniwalaan na lang.

Tumayo ako sa gitna ng Quezon Boulevard at pinagmasdan ang buong paligid. Para akong nasa isang patay na lugar na ni isang bakas ng buhay ay wala - walang mga taong dati ay di magkamayaw kung magmadali sa paglalakad, walang mga asong madalas kong nakikitang nagsisitakbuhan sa kalsada at bangketa, wala ang mga dating mala konsyertong ingay ng speaker na ginagamit ng mga nagtitinda ng mga piratang palabas. Ang buong Quiapo... Hindi... Ang buong mundo ay tila naging isang patay na mundo.

Mabilis kong nilingon ang Isetann Mall na nasa gawing kanan - ito'y naging isang napakalaking abandonadong gusali - kupas ang kulay at nabakbak ang maraming bahagi. Nilingon ko ang iba pa ang mga magkakahilerang building at agad kong napansin na parang lahat ay may pagkakahalintulad - Ang lahat ng gusaling makita ko ay parang naging luma at hindi naalagaan. ... Mukhang tama nga ang kinwento ni Penny - ang lahat ng bagay sa labas ng 7-eleven ay pinaglipasan ng panahon.

Hindi ito ang mundo namin...

Pakiramdam ko'y ang buong lugar ay isang malaking sementeryo sa gitna ng lungsod. Isang lugar na nilisan ng sibilisasyon. Isang kunwaring lugar na lilinlangin ka hanggang sa maplitan kang yakapin ang mundong ito na parang tunay.

Bumuntong hininga ako at nagsimulang lumakad. Literal na hinihila ko ang aking katawan para makagalaw dahil sa sobrang pagod. Sinabayan ng panginginig ng katawan ang aking pagka hapo na parang ang bawat paghakbang ay kahalintulad ng isang taong may akay akay na kabayo. Namamanhid na rin ang mga paa ko at mga kamay sa sobrang lamig.

Kailangan ko ng masisilungan...

Dahan dahan kong tinungo ang pinakamalapit na bangketa. Parang itinapon ko ang katawan ko sa tuyong lupa nang maabot ko ito. Sa aking pagkakadapa ay sunod sunod na nagbalik ang aking alala. Ang lahat ng pangyayari ay lumukob muli sa akin... Naramdaman ko na lang na tumutulo ang masagang luha sa aking mga pisngi. Ano ba talaga ang nangyayari...? Ano na ang gagawin ko...? Nasan na silang lahat...?

Nagsimula nang mamanhid ang buo kong katawan. Pakiramdam ko ay lumulutang pa rin ako. Para akong isang lumpo na naiwan sa gitna ng unos - na kahit anong gawin ay hindi matulungan ang sarili.

Saan Kami Pupunta?Where stories live. Discover now