Kabanata III : Avenida (3/3)

12K 213 45
                                    

Tinignan nya ako... May sinasabi sya sa akin pero kahit anong pakikinig ko sa kanya ay wala akong naintindihan ni isang salita. Tinitignan nya ako...

_________________________

May naririnig akong mga tinig. Mga boses ng mga naguusap. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. May babae, may lalaki. Hindi ko alam... hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Nananaginip na naman ba ako? Oo, nanaginip ako. Alam kong tulog ako pero gising ang diwa ko. Madalas akong ganito. Marunong akong umintindi ng isang panaginip sa hindi kapag pababaw na ang tulog ko. Alam ko kung paano ang takbo ng isang realidad. At yung mga boses na yun ay hindi mga panaginip.

Iginalaw ko katawan ko. Nakahiga pala ako. Unti unti kong hinila ang aking katawan paupo. Kasabay nito ang aking unti unting pagdilat.

"Si Elias, gising na..." tinig ng isang babae. "Alalayan mo." narinig ko pang utos nito.

Maya maya'y may humawak sa likod ko. "Ok ka lang ba?" sabi ng boses ng isang lalaki. Si Hesus, inalalayan ako nitong bumangon mula sa nakalatag na malaking tarpulin. Sinamahan ako nitong lumipat ng upuan at hinagilap ang isang round chair ng lamesa sa gitna ng tindahan.

Mabigat ang ulo ko. Senyales ng matagal na pagkakatulog. Bahagya kong minasahe ang aking noo. Habang minamasahe ay napansin ko ang oras sa aking relo - Alas nuebe. Tumingin ako sa labas - gabi na pala Teka, may ilaw na pala tong tindahan. Nilibot ko ng tingin ang 7-eleven - bagamat hindi bukas ang lahat ng ilaw, maliwanag kong nakikita ang kabuuan. Naging malinaw rin sa pandinig ko ang ingay ng generator mula sa labas. Nakakuha nga ng diesel sila Hesus!

"Nakita ka namin sa labas ni Penny", si Hesus, umupo sa tapat ko at nagsindi ng sigarilyo. Tinuro nya si Penny na kasalukuyang humihigop ng mainit na kape sa kabilang lamesa. Nakatingin din ito sa akin. "Pabalik na kami nang makita ka namin. Nakatayo ka dun sa labas sa may bangketa."

Naalala ko, lumabas ako kanina para hanapin sila Hesus at Penny dahil sa pagaakalang nawala o napano silang dalawa. Matagal kaming naghintay kanina kaya nagdesisyon akong sundan sila.

"Ano bang tinatayo tayo mo dun? Tsaka yang kamay mo, may mga paso." Tinignan ko ang kanang kamay ko - may benda ang hinlalaki ko at hintuturo. "Kinuwento samin ni Rudy na hinanap mo nga raw kami" tumayo si Hesus at nagpalakad lakad sa harap ko. Pabalik balik at pakamot kamot sa ulo. "Nakita ka naming tulala sa labas, brad... Anong nangyari sayo dun?" sabay buga ng usok.

Inalala ko ang nangyari kanina. Ang huling naalala ko ay may hawak akong magazine na sinindihan namin ni Rudy para maging ilaw ko sa labas. At yung nakita ko... Nakita ko ang sarili ko! Nakita ko ang sarili ko at ginagawa yung katulad ng mga kinuwento nila kaninang umaga - nagpupumilit pumasok sa 7-eleven.

Tinitigan ko si Hesus. Napansin kong lahat sila ay nakatingin pala sa akin. Hindi ko malaman kung dapat ko bang sabihin sa kanila na nakita ko ulit ang sarili ko sa labas. Siguradong magaalala na naman ang lahat kapag sinabi kong mayroon nga talagang tao sa labas na kamukha ko. Tao? Napaisip ako. Tama bang sabihing tao ang nakita ko kanina?

"Nung pinasok ka nila Hesus dito sa loob, bigla ka na lang nahimatay." si Marta. Lumapit ito sa akin at nagabot ng isang basong tubig na agad ko namang ininom.

"Pahinga ka muna" sabi ni Penny, tinapik nito ang balikat ko "Mamaya na natin pagusapan yan... Oo nga pala, may kuryente na pala tayo, oh." sabay turo sa mga flourescent lamp "Buti hindi inamag yung generator. Tagal na rin nyang hindi binuksan." Matamlay nitong kwento. Pagkasabi nun ay sabay nyang tinungga lahat ng laman ng baso nya.

Bumaling na sa ibang bagay ang atensyon nila matapos magsalita ni Penny. Kanya kanyang balik sa kaninang ginagawa bago ako nagising. Ang iba ay bumalik na sa pag-kain at yung iba naman ay bumalik sa kanya kanyang upuan.

Saan Kami Pupunta?Where stories live. Discover now