Chapter 41: Zarah

Start from the beginning
                                    

Hinabol ko siya,

"Galit ka ba?" pero hindi niya ako pinapansin hanggang sa makarating kami sa room. Pagkapasok na pagkapasok namin doon bigla na lang nagsigawan yung mga kaibigan niya pati mga kaklase ko.

"HAPPY BIRTHDAY!!" tapos sinabuyan nila si Kenn ng kung anong powder, basta yung ibat-ibang kulay. Napatakip na lang ako sa mukha dahil katabi ko nga si Kenn pati ako nadamay. Napaubo na lang ako sabay derecho sa upuan ko.

Tinignan ko ang damit at braso ko para akong naglaro sa putikan na colorful. Napasigh na lang ako kasi pumasok na si Ma'am. Mamaya ko na lang aayusin ang sarili ko. Si Kenn din umupo na sa tabi ko. Bigla kong naalala kung bakit may ganito kami,

"Birthday mo pala? Happy Birthday!" bati ko sa kanya pero di man lang niya ako nilingon

"Thank you" yan lang ang sabi niya habang nagpupunas siya sa mukha.

"Anong nangyari dito?" biglang tanong ni Ma'am

"BIRTHDAY PO NI KENN!" tapos nagkantahan na sila pati ako nakisali na din. Mayamaya ngumiti na din si Kenn tapos nag thank you siya sa mga classmates ko na nasa likod. Ngingiti din pala siya eh. Anong araw ngayon? February 11.

Nagsimula na ang klase pero may napansin akong wala. Kaya tumingin ako sa likuran, wala nga siya. Nasaan kaya iyon? Absent? Hmm.. Gustong gusto ko pa naman malaman na yung totoo. Kaso wala sya, bakit kaya? Kinuha ko sa bulsa ko yung phone. Tinago ko pa sa loob ng notebook ko yung phone para di mahalataan na nagtetext.

Pero di pa ako nakakabuo ng tatlong salita kinulbit na ako ng katabi ko.

"Text ka ng text mamaya na yan."

"Sandali lang.."

"Sino ba katext mo?"

"Si Zac" sabi ko kahit di naman talaga, itetext ko pa lang. Bigla namang sumigaw si Kenn.

"Ma'am! Si Serah po panay ang text!" kaya biglang naudlot yung discussion. Tumingin sa akin si Ma'am at lumapit. Napakagat na lang ako sa labi ng buklatin niya yung notebook ko at kunin yung cellphone ko.

"Confiscated. Pakuha mo sa parents mo sa office kung gusto mong makuha pa itong phone mo. Malinaw na malinaw sa handbook na Cellphones are not allowed inside the room. Alam nyo yan." tapos nag discuss na si Ma'am. Wala akong ganang makinig. Nanghihina ako.

Naiinis ako kay Kenn di naman kailangan isumbong pa ako kay Ma'am. Para siyang bata sa ginawa niya. May mali din naman ako, alam ko yun. Pero bakit kailangan pang paabutin kay Ma'am? Nakakainis lang. Hayy, ano na lang ang sasabihin ko kila Mama? Lagot talaga ako nito kapag nalaman ni Papa ito.

Dumaan ang maraming oras at malapit ng mag-uwian. Gustong gusto ko ng mag-uwian. Hanggang ngayon di pa rin kami nagpapansinan ni Kenn. Bahala siya.. Kahit birthday niya ngayon di naman ata tama yun,

Nung time na, naisipan kong pumunta sa Journalism Club. Pagpunta ko doon ako lang ang tao.. Busy siguro sila Hannah. Nagsagot lang ako ng mga letters doon siguro nakakalima na ako ng biglang pumasok sila Hannah.

"Ate!" napatayo ako at nginitian sila

"Kanina ka pa?" -Carla

"Oo, wala naman kasi akong ginagawa eh"

"Ah, napadaan lang kami dito. Aalis din kami kasi kukunin na namin sa tahian yung pinagawa naming dresses" -Hannah

"Wow" sabi ko na lang

"Aattend ka ba sa Prom?" -Irish

"Hindi eh.."sagot ko

"Sayang naman..sige alis na kami" tapos nagbeso beso sila sa akin. Pagkaalis nila, napaisip na naman ako. Bakit laging sayang? Ang natatanggap ko tuwing sinasabi ko na hindi ako aattend?

Cherish YouWhere stories live. Discover now