"Love, are you all right? You are spacing out." My husband, Keith whispered snapping me out of my trance. "Y-Yes." I answered as I furrowed my eyebrows. Sumunod kami kay Delia na patungo ngayon sa gitna ng museo kung saan nakalatay ang architectural miniature ng Hotel. Gamit ang miniature, dinala niya kami sa kabuuan ng Hotel. Meron din namang screen sa gitna na kunwari kung pipindutin mo ang restaurant diner, makikita mo talaga ang actual set up doon. This is so cute and amazing!



Pagkatapos, dinala niya kami sa itaas sa opisina ng mga Trinidad. Naabutan namin doon ang mga representatives ng iba't-ibang mga kompanya na tila sinusubukan ring ligawan ang may-ari ng hotel. Natatandaan ko ang iba kasi pamilyar ang pangalan ng kanilang kompanya na nakaukit sa kanilang mga kasuotan. Nakaupo ang mga ito at naghihintay na tawagin lamang sa loob ng conference room. Nakita ko na nakasunod sa amin ang mga tingin ng mga ito nang  pumasok kami sa loob. Buong akala ko ay iiwanan na kami ni Delia dito, but she opened the other room for us.

Pagpasok namin, sinalubong agad kami ng nagpakilalang isa sa mga sekretarya ng mag-asawang Trinidad at pinapasok nila kami sa mismong opisina ng mag-asawa.

Umupo kami ni Keith sa sofa na tinuro sa amin ng sekretarya. "May urgent meeting po ang mag-asawa. Pasensya na po talaga." Saad ni Delia.

"Okay lang.. We can wait." Keith answered. Nagpasalamat naman ang mga ito sa amin at binigyan kami ng menu ng pagkain na tinanggihan namin pareho ni Keith.

"Meron kayang CCTV dito?" Bulong ni Keith matapos lumabas ni Delia at ng sekretarya.

"For sure." Sagot ko naman sa kanya ng pabulong habang palihim na tumitingin sa paligid. Mas umisog pa ito papalapit sa akin at pinalibot ang kanyang braso sa aking bewang.

"How are you feeling?" Tanong niya na nagpataas ng kilay ko. "Okay naman." Okay lang naman siguro ako? "Ikaw?" Tanong ko rin sa kanya. "I'm tired." Sagot nito.

"Nakakapagod magpanggap no?" I asked. Hindi ito sumagot dahilan kaya nilingon ko siya na kakasandig lang sa upuan. Nakapikit na ang mga mata nito at mukhang napagod nga. Umisod naman ako upang sumandig na rin sa sofa at hinilig ang aking ulo sa balikat niya. Pinikit ko ang aking mga mata, nakikiramdam sa lakas ng tibok ng puso ko dahilan kung bakit hindi ako makatulog.

Ilang minuto lang ang lumipas, I felt something vibrating and I felt my husband moved a little bit. Nagkunwari akong natutulog. Hindi pa rin ito humihiwalay sa akin pero nararamdaman ko ang bawat galaw niya.

"Joseph." Mukhang kausap nito ngayon si Joseph sa telepono.

"Yes. I'm working. Why?"

"Ohhh! When? Congrats to you and your wife, bro."

"I see. I see."

"Yes. I'll try my best. Send my regards to Christine."

Nagkasalubong ang mga kilay ko sa narinig. Joseph and Christine were married?

Nagpaalam ito kay Joseph bago bumalik ulit sa kanyang puwesto kanina. Then, I felt his hand moving, caressing my back. Hanggang sa dahan-dahan itong bumagal pati na rin ng bawat paghinga nito hudyat ng muli nitong pagtulog. Honestly, I was a little bit bothered, ngunit narealize ko na mas mabuti pang itulog ko nalang ito.

"Look at them Alejandro. Nakatulog sila kakahintay."

"Do something Elena—"

"Gising na sila!"

Nagising ako sa ingay at sa paggalaw ng katabi ko. Pagmulat ko ng aking mga mata, nakita ko ang nakangiting si Madam Elena.

"I'm sorry nakatulog po kami." Sabi ni Keith habang umayos ng upo.

"No, we should be sorry for letting you wait here. Come, ija and ijo, lunch is already served." Saad ng Ginang. Sumunod naman kami sa kanya na pumasok sa loob ng conference room. True enough, nakahanda na nga ang mga pagkain.

Nakaupo na rin ang Ginoo sa gitnang upuan. Hinihintay kami. "Umupo kayo. Pasensya na at nakatulog kayo sa paghihintay." Bungad nito sa amin ni Keith.

"No problem po." I answered.

Sinimulan namin ang pagkain at pinuri ang masarap na mga putaheng nakahanda,  hanggang sa umabot sa puntong tinanong kami ng Ginoo tungkol sa proyekto ng aming kompanya. "So, Ijo, Ano ang  balak niyo kung sakaling mabili ninyo itong hotel?"

Binaba ni Keith ang kubyertos at pinunas niya ang napkin sa kanyang labi bago nagsalita. "We are planning to compete with the popular and modern Hotels in the country. We realized that people deserves a place where they can hang-out, go shopping and have a good rest at the same time, in the same place. And now, since our company owns one of the biggest malls in Asia, there are no hotels other than La Costa Blanca that would perfectly fit for our project. Together, we can provide something new to people and achieve greater heights since this has never been done yet here in the country."

Nagkatinginan ang matandang mag-asawa. "That's a great idea." Mr. Trinidad commented.

"Did you bring the proposal? So we can review it later."

"Sure—"

"Excuse me. I'm sorry for disturbing." Naputol ang pag-uusap nang pumasok ang sekretarya sa loob.

"Yes, dear. May update na ba?" Tanong ng Ginang na tila kanina pa inaabangan ang pagdating ng sekretarya.

"Yes madam, kakasabi lang po ng manager, handa na raw po lahat bukas." Anunsyo naman nito.

"All right. That's good. We will go downstairs and see it. Anyways, Keith and Sandra, will come with us tomorrow."

"Sige po." Nagpaalam at nagpasalamat ang sekretarya bago ito umalis.

"S-Saan po tayo pupunta bukas?" Kahit nahihiya, hindi ko na napiligan ang magtanong.

"We are going to La Costa Blanca Beach and Resort."

The Desperate WifeWhere stories live. Discover now