Once Mine, Always Mine -- Chapter 19

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong problema?" Tanong niya sa akin. Umiling na naman ako. Wala na ba akong ibang sasabihin o ipapakita kung hindi ang pag-iling lang.

"Sabihin mo sa akin makikinig ako bilang kaibigan hindi bilang manliligaw mo." Oo nga pala nanliligaw 'to, pero hindi ko naman maramdaman.

Nanghinayang naman ako 'dun, gusto ko yung tulad nang dati yung ihahatid sundo niya ako. Yung pagdadala ng bulaklak sa unit ko. Yung paglalagay niya ng sweet notes kasama ang mga bulaklak.

Yung ganito. Yung ganitong pwesto. Yung lagi niyang pinaglalaruan niya ang buhok ko. Minsan pa nga siya ang nag-aayos ng buhok ko kahit na hindi siya ganoon kaayos pero ramdam mo pa din yung pag-aalaga sayo. Yung pagsasabi niya sa akin na mahal niya ako araw-araw.

Naramdaman ko na lang na may tumutulo na pala sa pisngi ko. Dali-dali ko naman na pinahid. Bakit ba ang drama ko ngayon. Dati rati naman pagkasama ko si Denzel naiinis pa ako eh.

"MeLoves? Ano bang bumabagabag sayo at ang emosyonal mo ngayon? Kulang pa ba ang hilot ko? Gusto mo bang dumapa at imamasahe ko buong katawan mo o gusto mong kumain?" Tanong niya sa akin.

Tumigil siya sa paghahaplos sa buhok ko at hinawakan ang pisngi ko gamit ang mga kamay niya at pinagtama niya ang mga mata namin.

Napaluha na lang ako, tignan ko pa lang ang mga mata niya nalulungkot na ako. Bumabalik na nga talaga ang pagmamahal ko sa kanya. Pero natatakot ako baka lokohin na naman niya ako at hindi kayang ipagtanggol sa ate niya.

Isa siya sa dahilan kung bakit ako umalis noon dito sa Pilipinas. Pagkatapos kasi namin ng graduation at narinig kong may kausap si Denzel na babae at sinabi ditong niloloko niya lang ako. Naghintay ako ng tatlong araw sa kanya pero 'nung araw na din yun kinompronta ako ng ate niya. Ayaw niya talaga sa akin. Ayaw niya talaga ako para sa kapatid niya.

"MeLoves sabihin mo kung ano bang nangyayari sayo. Nag-aalala na ako. Di ba sabi ko sayo mag-uusap tayo pero bakit hindi mo naman sineseryoso ang mga tanong ko sayo." Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Hinawi niya ang mga luha na dumadaloy sa mga mata ko.

"S-Sorry." Yun lang ang nasabi ko at napahagulgol na talaga ako ng tuluyan.

Inayos niya ako ng upo, pinaupo niya ako sa lap niya at niyakap ng mahigpit. Hinagod niya naman ang likod ko.

"Hindi mo kailangan mag-sorry MeLoves, wala kang kasalanan. Ako ang may kasalan, dapat nag-iingat ako sa mga gamit mo dito sa Shop, dapat hindi ko na pinakailaman ang mga gamit mo dito sa opisina. Sshhh.... Tahan na MeLoves." Nilayo niya ang mukha ko sa balikat niya pinunasan na naman ang mga luha na ayaw magpatigil.

"O-okay lang sa akin ang ginagawa mo dito sa opisina ko. Masaya ako dahil doon." Nahihirapan kong sabi.

"Ayos lang naman pala bakit ka umiiyak MeLoves." May halo pa ding pag-aalala ang mga mata niya.

"K-kasi... kasi.. feeling ko ang sama kong ina... Kasi inilayo ko sila sayo.. Ikaw talaga ang ama nila.. Promise wala talaga akong ibang lalaki. Ikaw lang... Ikaw lang talaga ang minahal ko mula noon..." hanggang ngayon. Gusto ko sanang sabihin 'yun pero natatakot ako.

"Sshhhh alam ko. Sorry sa mga nasabi ko sayo noong nasa hospital tayo." Nang masabi niya 'yun  pinunasan muna ang mga luha ko at siniil ako ng halik. Isa na namang mainit at pagmamahal na halik ang galing sa kanya.

Kahit na umiiyak ako ngayon damang dama ko pa din siya. Dahan dahan lang ang pag-galaw ng mga labi namin. nakikisabay na din ako sa kanya. Bawat segundo ninanamnam ang bawat labi na para bang ayaw ng bumitaw.

Mula sa pagiging dahan-dahan bumilis na 'to na para bang mawawalan na kami ng hangin sa bawat kumpas ng mga labi namin.

"Mmmpptt." Napa-ungol ako sa nararamdaman kong sensasyon na binibigay niya sa akin. At nang dahil 'dun nagkaroon siya ng pagkakataon na maipasok ang dila niya sa bibig ko.

Napakapit ako nang mahigpit sa leeg niya. Naramdaman ko din na humigpit ang yakap niya sa beywang ko. Para bang wala nang hangin ang dumadaloy sa pagitan namin. Ang mga luhang dumadaloy sa mga mata ko at tumigil na din.

Parang ayaw namin bumitaw sa isa't isa. Hindi ko man sabihin sa kanya na miss na miss ko talaga ang lalaking 'to pero sa pamamagitan ng halik na to maparamdam ko man lang sa kanya 'yun.

Sinimulan niya nang halikan ang leeg ko. Napaliyad ako nang dahil doon. Nababaliw na naman ako kaya napasabunot ako sa kanya. Mas lalo ko pa siyang diniin sa leeg ko.

Ang init ng paghinga niya sa leeg ko. Bawat parte ng leeg ko hinahalikan niya. Nararamdaman ko na lang ang isang nakakakiliting ginagawa niya, para bang kinakagat niya iyon. Ang sarap sa pakiramdam.

Sinisimulan niya na ang paghawak sa binti ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng mga palad niya. Pataas at pababa ang ginagawa niya dito. Marahan niyang pinisil iyon at naramdaman ko na lang na para bang may tumutusok sa ibabang bahagi ko.

Inilayo niya ang mukha niya sa leeg ko at hindi niya pa din inaalis ang kanang kamay niya sa binti ko, ang isang kamay niya naman ay nasa beywang ko pa din.

Tinignan ko siya. Hingal na hingal kami pareho. Hinawi ko ang buhok niya na gulo-gulo dahil sa kakagawan ko. Nakangiti siya, kaya hindi ko din maiwasang hindi mapangiti.

"Kailangan natin itigil 'to kung ayaw mong mag-eskandalo tayo dahil sa ingay. I respect you, MeLoves" Hinalikan niya ako sa noo.

Tumango lang ako sa kanya. Binuhat niya ako at inihiga ulit sa couch. Naka-squat siya sa harap ko habang nilalagay niya ang ibang mga buhok ko sa tenga ko.

"Magpahinga ka na, ako nang bahala dito. I love you." Sabi niya at hinalikan naman ako sa tungki ng ilong ko.

Tumayo siya at lumabas na ng pintuan. Naiwan akong may ngiti sa labi. Napakagat ako ng labi, dahil sa sobrang saya ko ngayon.

--------------

(SHE: sorry lame ang update hehehehe.. SHE na lang po ang itawag niyo sa akin, wag na Miss o kaya Miss Author naiilang ako eh hahaha.)

Enjoy guyss!! :)) Thank you so much..

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon