Tumingin lang ako sa kanya. Nandoon pa rin ang ngiti niya sa kanyang mukha. His smile makes me feel happy. Ewan ko, pakiramdam ko parang nadagdagan na nga ang taong pwede kong pagkatiwalaan sa buhay ko. His smile makes me remember my father. Yung mga masasayang memories ko na kasama ko siya nung bata pa ako at nabubuhay pa siya.

Bumalik ang tingin niya sa akin. Unti-unting napawi ang ngiti niya at napalitan ng pagkunot ng kanyang noo. "Bakit ganyan ka tumingin, Sab?" tanong niyang nagpabalik sa akin sa realidad.

"Huh?"

"Bakit ganoon ang tingin mo?" tanong niya.

"Bakit? Ano bang mali sa tingin ko?" mataray na tanong ko.

Umiling naman siya. "Walang mali. Your stare makes my heart go crazy. Ingat ka, Sab, baka mamaya tuluyan na akong ma-in love sayo. Hindi pa naman ako pumapayag sa one-sided lang." muli siyang humagalpak ng tawa.

"Tangina mo." mariing singhal ko sa kanya.

"Heto! Di na mabiro..." ngumuso siya. "Ano? Nood ka? Dali na. Suportahan mo naman ang kaibigan mo pati na ang school na pinili mo. Pakita mo na nasa Wiesel ang suporta mo." ngumiti siya at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.

Napatingin ako doon. And then I felt something weird at the bottom of my heart. Bakit ba kasi ang init ng kamay niya?

"Please?" he pleaded.

"Ayoko. Boring ang mga ganung laro..."

"Please? Kahit para sa akin na lang? Makita lang kita dun para may inspirasyon akong ipanalo ang laro." aniya. Tumingin ako sa kanya.

"Stop saying those lines..."

"Manonood ka? Sige na, last ko na 'to o!" parang batang saad niya. I sighed. Makulit nga.

"Oo na... oo na!" I gave up.

"Yes!" masayang singhal niya.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong hatakin palapit sa kanya at yakapin ng mahigpit. I swear, I felt something warm inside me. Pakiramdam ko ay may tinutunaw na bloke ng yelo ang yakap niya. I suddenly want to cry.

Damn, I really hate my vulnerable side.

"Thank you!"

Marahan ko siyang tinulak palayo sa akin para makakalas sa pagkakayakap niya. He smiled at me again and he ruined my hair. Mabilis ko namang tinabing ang kamay niya.

"Anong oras ba?" I asked.

"May two hours pa." aniya.

I decided to stay at the place where I usually spend my free time. Sa ilalim ng puno sa likod ng school. I realize that I suddenly miss my father. Mas malapit talaga ang loob ko sa kanya kumpara sa Mama ko. My father taught me things that seems to be forbidden in our family... the essence and the true meaning of love.

Kung ang ibang magulang ay iku-kwento sa mga anak nila ang kwento kung paano nila nakilala ang asawa nila kung paano sila na-in love sa isa't isa... si Papa hindi. He told me his tragic story with the girl he fell in love with. Dapat ay galit ako di ba? Dapat ay ang kwento nila ni Mama ang sabihin niya... ibang babae pa. But no. It's fine with me.

Malinaw naman sa akin na kahit kailan ay hindi minahal ni Papa si Mama. Although my mother was madly in love with my father. Ang pagsasama nila ay dahil lang sa putanginang tradisyon na ito. Dahil sa walang kwentang paghahangad sa karangyaan at kapangyarihan.

I remember my father's twinkling eyes everytime he tells me the story of how in love he is to this girl. He looks so in love with her. Ang bawat kwento niya ay punong-puno ng kakaibang mga emosyon. Every word he says... comes from his heart. The feelings I felt and saw from him were real.

Sleeping BeautyWhere stories live. Discover now