Chapter Twenty Eight

Start from the beginning
                                    

Unti-unti akong nagdilat ng mga mata pero kadiliman ang nabungaran ko. Nakaramdam naman ako ng pagtataka. Anong oras na ba?

"H-hello?" tawag ko sa kawalan, nagbabaka sakaling may makarinig.

Naramdaman ko namang may lumapit sa kanan ko at hinawakan ang aking kamay.

"Nandito ako, Arjhay. Nandito ako."

Kahit hindi ko na siya tanungin ay kilala ko na siya. Timbre palang ng boses niya ay saulado ko na. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at dinala ito sa kanyang pisngi.

"A-ayos lang ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin.

"T-Trevor..."

"Nandito ako, Arjhay. Anong gusto mo? Gutom ka ba?"

"Trevor, p-pakibukas naman iyong ilaw. M-madilim e. W-wala akong makita."

Naramdaman kong natigilan siya ng ilang segundo bago dahan-dahang binitawan ang kamay ko at inilapag sa may kama. Nakaramdam naman agad ako ng pangungulila sa init na hatid ng kamay niya.

"S-sandali lang, Arjhay a?"

Naramdaman ko namang tumayo siya at nagsimulang maglakad palayo sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata at saka muling ididilat, para mag-adjust sa dilim ang aking mga mata. Pero kahit ilang ulit ko itong gawin ay walang nagbabago.

"T-Trevor..." tawag ko uli sa kanya. "I-iyong ilaw, Trevor."

Naghintay ako ng ilang segundo pero walang sumagot sa akin. Ilang beses ko ring tinawag ang pangalan niya pero wala pa rin.

Guni-guni ko lang ba ang lahat?

Mayamaya pa ay may narinig na akong mga yabag ng paa na papunta sa gawi ko.

"I can see that he is already awake," sabi ng isang boses na hindi ko kilala.

"Trevor, anong nangyayari?" kabadong tanong ko sa kanya. "Pakibuksan naman ang ilaw."

"T-that's the problem, Arjhay. Bukas lahat ng ilaw..."

Dahil sa nalaman ko ay nagsimula akong mag-hysterical. Mabilis namang may humawak sa akin at tinurukan ako ng kung ano dahilan para makaramdam ako bigla ng antok at pagkapagod.

Unti-unti sumara ang mga mata ko habang isang bagay lang ang nasa isip.

Ayokong mabulag...

LUMIPAS ang isang linggo at unti-unti ko na ring natatanggap ang aking pagkabulag. Kasalukuyan akong nakaupo sa aking wheelchair habang itinutulak ito ni Trevor. Nasa kaliwa ko naman si Yuya at sa kanan si Dad. Papunta kami sa isang pinakamalungkot na pagtitipon na aking pupuntahan.

Nang makarating kami sa venue ay nakayuko lamang ako. Hindi ako nagsasalita o tumatango kahit na binati na ako nina Mei at Sabrina. Sa totoo lang, mabigat ang loob ko. Ayoko sana pumunta rito pero wala akong magawa. Ayoko namang hayaan na hindi ako makapunta.

"Wait! No!" isang sigaw ang gumambala sa aming lahat dahilan para mas lalong tumahimik ang tahimik nang lugar. "Please, not yet... I'm not yet ready..."

Wala akong narinig kundi ang iyak sa paligid ko. Hindi ko na rin napigilan ang maiyak dahil muli kong narinig ang malalakas na hikbi mula sa taong pinakanasasaktan sa araw na iyon.

"No! Please, just five more minutes. I am still not ready... Please..." pakiusap nito sa pagitan ng mga hikbi. "Taku... I am not ready..."

Doon ko naramdaman ang bigat na nararamdaman ko na lalong bumigat. Dumoble ang guilt na nararamdaman ko dahil hindi lang ako ang nasaktan, nandamay pa ako ng ibang tao.

Wala akong narinig noon kundi ang iyak ni Haru at ang hindi nito pagiging handa sa maagang pagkawala ni Taku. Hindi nito matanggap na ngayon ay patay na taong minahal nito mula sa kanilang pagkabata.

At alam kong dadalahin ko ang bigat nito sa aking dibdib habang ako ay nabubuhay.

Narinig ko na lamang na nagsisigaw na uli si Haru dahil ililibing na ang katawan ni Taku. Humihingi ito ng lima pang minuto pero hindi na ito pinakinggan pa. Wala itong nagawa kundi umiyak na lamang.

Mayamaya pa ay naramdaman ko ang pag-alis ng mga tao habang nagkokomento kung gaano nakakaawa ang sinapit nina Haru at Taku, at ramdam ko rin ang naninising tingin sa akin ng karamihan. Nang maramdaman kong wala nang tao ay nagpaiwan ako kina Trevor para makausap si Haru na kasalukuyang umiiyak pa rin sa puntod ni Taku.

"H-Haru..." pagtawag ko rito nang makaalis na sina Trevor.

"Why are you still here?" malamig na sagot nito sa akin.

"I-I am really sorry for what happened..." sabi ko rito habang hinahayaan na ang mga luha ko na kumawala sa aking mga bulag na mga mata.

"You know what?!" sigaw nito sa akin na kinagulat ko. "I want to be angry at you. I want to kill you just to get even."

Nanlumo ako sa narinig ko mula rito. Sinong mag-aakala na kami ang dating magkasundo pero ngayon ay nagkaganito na kami?

"But I can't..." umiiyak na dugtong nito. "Even before Taku died, he wished you to be safe. When he learned you lost the ability to see, he donated his eyes for you because he could feel he won't live. He even told me not to blame you when in reality, it is you who are to blame why I lost him."

Hindi naman kaagad ako nakapag-react dahil nagulat ako sa rebelasyon nito, na ang mga mata ni Taku ay mapupunta sa akin para muli akong makakita.

Hindi pa man ako nakaka-recover sa aking nalaman ay naramdaman ko nang tumayo si Haru at naglakad na palayo.

"Hope this is the last time I will ever see you, Arujei..."

Crown 2: Fall Into MeWhere stories live. Discover now