CHAPTER 18: You make me crazy LANCE!

Začať od začiatku
                                    

"Sam, naaalala mo pa ba ang dati?"

Di ako makasagot.

"Sam, tignan mo yung mga stars!" turo niya at hinalikan ako sa pisngi.

"Oh?"

"Ang ganda nila nuh? Kasing ganda mo!"

"BOLA!"

"Tao ako!Di ako bola!" sabay tawa.

"PILOSOPO!" sigaw ko at humiwalay sa kanya.

"Ay naman! Para kang bata! Nakakatawa ka kasing asarin eh."

"Asarin? Jombagin kaya kita diyan?"

"Brutal ka na!" sagot niya.

"Kasi ikaw eh!"

"Wag ka ngang sumimangot!"

Lumapit ulit siya at humiga sa lap ko.

"Nakakatawa lang isipin na nagkikita tayo dito ng ganitong oras nuh? Para tayong si Romeo and Juliet at Jack and Rose..PArang pinagbabawalan tayong main love sa bawat isa." sabi ko na nakatingin sa mga stars.

"Bakit? Tama ka naman eh..para tayong silang dalawa..Pinagtagpo ng tadhana pero pilit na pinaghihiwalay ng taong nasa paligid nila."

"Ewan ko ba Lance, bakit hanggang ngayon may tiwala pa din ako sa iyo!"

"Kasi mahal mo ako di ba?" tanong niya na humarap sa akin.

"Ano sa tingin mo?" tumingin na din ako sa kanya.

"OO! Mahal na mahal mo pa din ako! Naalala mo pa ba nung nasa airport tayo?"

Tumango lang ako.

"Ang tanging nasabi ko lang sa sarili ko noon ay Patawad! At mahal pa din kita..at kailanman ay hinding-hindi iyon magbabago."

Naiiyak ako sa mga sinasabi niya...

"Lance,ikaw lang ang taong nagpasaya sa akin,ang taong nakaintindi sa akin at minahal ako kung sino ako!" tumulo na nga ang luha ko.

Pinunasan niya gamit ang panyo niya.

"Sorry Sam." umupo siya at hinawakan ang kamaym ko.

"Kahit noon pa man..ikaw lang at wala ng iba! Ikaw ang babaeng minahal ko ng buong puso! Ang babaeng iniwan ko..nagbago lang sa pisikal na anyo pero ikaw pa din yan at habang buhay kitang mamahalin."

"Lance,ayaw ko na din kasing umasa sa wala."

MDITY2: THE COMEBACK [ completed]Where stories live. Discover now