First memory

140 15 3
                                    

Chapter one

Antonette

Tahimik akong nakaupo sa upuan ko habang nakikinig ng music nang biglang may isang babae na pumasok sa classroom habang tumitili, sino pa ba? Walang iba kundi ang bestfriend kong si Audrey.

"Antonetteeeeeee!" tili nya at tumakbo papalapit sakin.

"Ang ingay mo!" saway ko sa kanya, kahit kelan talaga tong babaeng to ang ingay ingay. Pasamalat sya bestfriend mo sya kundi matagal ko nang tinahi yung bibig nya.

"Antonette! Antonette! Antonetteeeeee!" tili nya habang kinikilig at tinutulak tulak pa ako.

"Ano ba yon?" tanong ko sa kanya.

"May ticket ako sa concert ng BTSSSSSSS!!" sabi nya sakin at nagtititili ulit, yan nanaman tayo. Kpop fan kasi tong si Audrey at fan na fan sya ng BTS. Lahat ng fan meeting at concert nila ay di nya pinapalambas, kapag may bago silang album ay agad nya itong binibili. Pagpumunta ka sa kwarto nya puro poster nila ang una mong makikita. Kwento nga sya ng kwento sakin ng tungkol sa kanila kahit na wala akong paki pero pinapakinggan ko parin pa sya at hinahayaan lang magkwento.

"Oh? Anong gagawin ko?" walang gana kong tanong ko sa kanya, sinimanguta nya ako at pinanliitan ng mata.

"Sama ka sa akin sa concert, please?" sabi nya sakin habang nakangiti at nagpuppy eyes pa.

"Ha? Bakit ako? Alam mo naman na di ako mahilig sa mga ganyan eh. Syaka sumama man ako sayo, di naman ako papapasukin kasi wala naman akong ticket kaya ikaw lang." sabi ko sa kanya.

"Kaya nga bumili ako ng isa pang ticket para sayo, ito oh." sabi nya sakin at pinakita ang dalawang ticket sa loob ng wallet nya, pinanliitan ko naman sya ng mata habang sya ay nginitian lang ako.

"Fine, I'm going with you." sabi ko sa kanya, ano pa bang magagawa ko?Nakabili na sya eh, syaka pagtumanggi ako sayang yung pinangbili nya ng ticket.

"The best ka talaga, kaya mahal na mahal kita eh." sabi nya sakin at niyakap nya ako pero bigla akong napahawak sa ulo ko ng sumakit iyon at may nakita akong scene sa isipan ko.

"The best ka talaga, kaya mahal na mahal kita eh."

Nakita ko ang sarili ko na may kasamang isang lalaki pero nakablurred ang mukha nya at tanging mata lang nya ang nakikita ko.

"Antonette, okay ka lang?" tanong nya sakin ni Audrey na halatang nag-aalala.

"Oo, okay lang ako." sagot ko at pilit na ngumiti.

"This Saturday ha? Wag mong kakalimutan?" tumango ako sa sinabi nya at pilit na ngumiti habang di parin nawawala sa isip ko yung nagkita kong scene kanina.

Sino yung lalaking yun? Bat kasama ko sya? Syaka bakit parang nakita ko na yung matang yun? At bakit parang narinig ko na rin ang boses nya?

Mabilis na natapos ang mga klase at tuwang tuwa ako dahil makakauwi na ako at makapagpahinga narin.

"Let's go?" tanong ko kay Audrey na ngayon ay inaayos ang gamit nya.

"Patapusin mo naman muna akong ayusin yung gamit ko." pabirong sagot nya, napatawa naman ako ng mahina ay napa-iling. Kahit kelan ang bagal talaga kumilos ng babaeng to.

"Excuse me? Ms. Audrey Kim?" napatigil si Audrey sa pag-aayos ng gamit nya at sabay kaming napatingin sa pintuan ng may tumawag sa pangalan nya.

"Ano po yun?" magalang na tanong ni Audrey sa babaeng tumawag sa kanya.

"Pinapatawag ko kayo ni Mrs. Kang, may papaasikaso daw po sya sayo." sagot ng babae, napatingin naman ako kay Audrey.

"Sorry Tonette, di ako makakasabay sayo sa pag-uwi." sabi sakin ni Audrey.

"Aalis ka? Iiwan mo nanaman ako?"malungkot na tanong ko sa kanya. Binatukan nya ako pero mahina lang.

"Drama mo! Tumigil ka nga, para kang bata. Don't worry, babawi ako bukas. Bye." tumayo si Audrey at nginitian ako tsaka lumabas ng room at nagsimulang maglakad kasabay ng babae.

Napabuntong hininga ako at malungkot na lumabas ng room. Sakto naman na pagkadaan ko sa room ni kuya ay lumabas sya. Napatigil ako sa paglalakad at tinignan sya, napatingin rin naman sya sakin. I smiled at him pero di nya ako pinansin at naglakad na palayo.

Sanay naman na akong lagi syang ganyan eh. Simula ng mamatay si mama lagi na syang ganyan sakin, ako kasi yung sinisisi nya kung bakit namatay si mama. Nadisgrasya kasi kami ni mama habang mapunta ng mall. Di kasi nakita ni mama na may paparating ma truck kaya bumangga ang sinasakyan naming kotse doon, nacomatose ako pero si mama di nakaligtas. Kung di daw ako nagpumilit na magpasama sa mall sa kanya di daw kami madidisgrasya at masaya parin kaming magkakasama ngayon. Napabuntog hininga nalang ako at nagpatuloy na sa paglakad.

Habang naglalakad ako pauwi sa bahay ay bigla akong may naalala. Bigla ko ulit naalala yung nagflashbak sa isip ko kanina, sino ba kasi yung lalaking yun? Bakit parang nakita ko na yung mata nya?

*blag*

Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig akong tumumbang bagay galing sa likuran, napalunok ako dahil sa kabang nararamdaman ko. Walang masyadong tao dito sa dinadaanan kapag hapon at mas kinakaban pa ako dahil wala ring cctv dito sa dinadaanan ko, paano kung magnanakaw yun? O di kaya adik? Anong gagawin ko? Oh god please protect me.

Ramdam ko ang namumuong pawis sa noo ko dahil sa kaba, dahan-dahan akong limingon sa likuran at nakita ang isang pusa na nangangalkal ng basura. Nawala ang kaba ko ng makita na pusa lamang pala iyon, bwisit na pusa to, pinakaba ako.

Pero biglang bumalik ang kaba ko ng makita ang isang lalaki na nakasuot ng hoodie at nakacup habang nagmamadaling maglakad palayo.

– ❀ –

chanyeonism/ Kim Jisoo as Audrey Kim ( as requested )

Remembering Park Jimin [ ON-HOLD]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang