She was always her toughest competition. Sa lahat na lang ng sasalihan niyang pageant ay sumasali rin ito.

They stood a few inches apart as they graciously and confidently smiled to the audience, while they waited for the announcement.

"Our beauty queen is... Shayla Milena Pontes!" Inanounce ng host.

Muling nagsigawan ang kaniyang mga kaibigan. By winning in the pageant, it meant that she would have at least a few weeks away from hell... away from her step father Lucio.





Nang magdalaga siya ay gumagawa na siya ng paraan upang makaiwas sa ama amahan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang magdalaga siya ay gumagawa na siya ng paraan upang makaiwas sa ama amahan. She would often seek refuge from her friends, every time her stepdad would attempt to abuse her.

Gayunman ang sitwasyon ay bumabalik pa rin siya sa poder ng kanyang ama-amahan, dahil binalaan siya nito na kapag hindi siya bumalik ay papatayin nito ang kanyang ina.

Simula nang muli siyang manatili sa mansion ni Mayor Lucio Santiago ay umaabot siya ng halos isang linggo na hindi lumabas sa kanyang kuwarto.

Lalo na kapag naroon si Lucio at hindi din umaalis ng bahay.

It was a cat and mouse game. A game she is forced to play to protect herself and her mother.

Kinakain na lamang niya ang mga prutas, vegetables salad na kaniyang ginagawa sa kanyang kuwarto gamit ang luma at maliit na ref. Bumili din siya ng crackers at tubig na lahat ay mula sa kaniyang pagkapanalo. Iniisip na lang niya na nagda-diet siya, upang hindi na siya lumabas sa kaniyang kuwarto at para makaiwas kay Lucio.

Binuburo niya ang sarili sa loob. Ang importante lamang sa kaniya ay nandoon siya at malapit lamang sa kuwarto ng kaniyang ina na minsan ay pinapakinghan niya lamang sa kahoy na pagutan nila.

Araw araw ay inaaliw na lamang niya ang sarili sa pag-aaral dahil habang naroon si Lucio sa bahay ay hindi siya makakapalabas at makakapasok sa school. Walang tv sa kaniyang kiwarto at ang kaniyang mobile phone ay Nokia 3210. Hindi siya makakapanood ng Youtube videos kahit na may mga offer pa na unlimited surfing. Mabuti na lang at ni-regaluhan siya ng mga kaibigan ng digital painting by numbers na nakahiligan din niya. Nakatapos na din siya ng ilang paintings. At ang oaborito niya ay dalawang batang angels na babae.

Madalas niyang tinitigan ang maamong mata nito.

Paminsan naman ay inaabala niya ang sarili sa pagyo-yoga, pilates, at mga DIY na pag-aalaga ng kaniyang buhok at kutis upang maghanda para sa mga susunod na kompetisyon na kaniyang sasalihan.

At sa gabi naman ay sine- secure niya ang kaniyang kutsilyo sa gilid ng kama kung sakali man pasukin siya ni Lucio.

Makalipas ang ilang araw ay kumatok ang kasambahay nila na si Leah at ang bodyguard ni Lucio na si Ambet. Sinabi ng mga ito na umalis si Lucio papuntang Russia kaya malaya siyang makakalabas ng kanyang kuwarto na walang takot.

Habang wala si Lucio ay nag-imbistiga siya sa opisina nito. Kinuha niya ang ilang magkaka-ibang bank statements at mga papeles ng mga import/ export transactions nito. Nang makalakap na siya ng sapat na ebidensya ng mga iligal nitong Gawain ay dali dali siyang bumalik sa kaniyang kwarto upang itago ang mga dokumento sa loob ng cabinet.

Isang araw na magpapahinga na sana siya sa kaniyang kuwarto ay biglang pumasok si Lucio dito. Napa-aga pala ang uwi nito mula sa Russia at naabutan ang kanyang pintuan na hindi naka-padlock.

Kumabog ang kanyang dibdib sa takot at taranta. Palapit na sa kanya si Lucio nang maalala niya ang kutsilyong itinago sa ilalim ng unan. Kahit nanginginig ang kamay ay itinutok niya ito kay Lucio.

Tumawa ng malakas si Lucio. "Anung gagawin mo? Papatayin mo ako? Ang masamang damo hindi madaling mamatay!" Tatawa-tawa ito. "Bakit ba kasi hindi mo na lang ako pagbigyan? Ibibigay ko naman ang lahat ng gusto mo basta pumayag ka lang sa gusto ko! Matagal na akong nanakam sa'yo!" Anito.

"Asawa ka ng nanay ko!" Nagagalit niyang sigaw.

"Nasaan ba ang nanay mo? High na high! Hindi na niya kaya ibigay sa akin ang kailangan ko. Kaya, ikaw na lang! Patikimin mo na ako." Malambing na sabi ni Lucio at kumakdyot kadyot.

Napaatras siya sa takot. Ginamit naman ni Lucio ang pagkakataon upang hablutin ang kaniyang kamay. Inumpog umpog ni Lucio ang kamay niya sa dingding. Sa sakit ay nabitawan niya ang kutsilyo. Agad naman siyang tinulak ni Lucio sa kama at dinaganan, nang biglang kumatok si Ambet at sinabing may importanteng tawag si Lucio sa opisina nito sa ground floor.

Hinihingal na tumayo si Lucio sa kama habang siya naman ay naka-fetus position at takip ang nasira niyang t-shirt.

"Ito ang tatandaan mo. If I can't have you, no one will! Kaya wag ka na lumaban sa'ken!" Banta nito.

Love in a Rush (Completed/ Published in Dreame app)Where stories live. Discover now