EXF 65- ENCOUNTER

467 16 0
                                    


EXF 65- ENCOUNTER

--

Kit's POV

Kanina pa ako pabalik-balik buong salas. Hindi na kasi ako mapakali sa labis na pag-aalala kay Aria. Kung bakit ba naman kasi hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Ang anak ko, sana nasa maayis siyang kalagayan." Paulit-ulit na sabi ko sa sarili ko.

"Kit!" napalingon ako kay Cexza at Seldo na kapapasok palang sa mansion. Kaagad akong niyakap ni Cexza.

"Ano bang nagyari sa inyong mag-ina?" tanong ni Cexza.

"Nagkasagutan kasi kami. Tapos sumosobra na siya, ayun nasampal ko." napahimos ako ng palad sa mukha. Hinagod naman ni Cexza ang likuran ko.

"Babalik din 'yon Kit, kung hindi man, naireport na namin ni Seldo para tulungan kang ma-trace si Aria." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.

"Uminom ka muna ng tubig. Kalma lang." iniabot sakin ni Seldo ang isang basong tubig.

"Salamat." Sabay-sabay kaming naupo sa sofa.

Maya-maya ay may tumawag sa phone ko. kaagad kong sinagot 'yon.

"Kinnick? Nandiyan ba si Aria?" kaagad na tanong ko sa kaniya.

[Oo, kanina nandito siya. Sinabi niya nga ang nagyari sa pagitan niyo.] lalo akong nakahinga ng maluwag salamat naman...teka? kanina daw?

"Bakit kanina? Nasaan na ba siya? Umalis ba uli?" nagsisimula na naman akong kabahan.

[Keep calm Kit. Don't worry dinala siya ni Kaehel sa isang lugar na alam kong maliliwanagan siya.] nangunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?

"Saan naman?"

[Sa Ama niya.] napatayo ako na kinagulat ni Cexza at Seldo.

"Ano?! Isinunod niyo si Aria kay Cronux?" sigaw ko.

[Naku naman Kit, isa ka pa eh. Sa totoo niyang ama ang tinutukoy ko. Kay Lelouch jusko!] i breath heavily. Grabe naman kasi magpa-suspense. Pero sandali? Kay Lelouch?

"Nasa Masachusettes siya?"

[Oo Kit, nag-telefort sila ni Kaehel. Nami-miss ko na nga asawa ko. huhuhu thirty minutes ago lang sila umalis.]

"Mabuti naman kung ganoon. Kanina pa ako napa-praning alam mo naman na ayoko ng mawala uli ang anak ko. baka hindi ko na kayanin." Humikbi ako. kaagad naman akong dinaluhan ni Seldo at Cexza.

[Shhh, tahan na Kit, everythings gonna be find.]

"Thank you Kinnick." I said then I wiped my tears. May narinig akong iyak ng bata sa linya niya.

[Okay, I already hang-up na nagising si Kendrick hinahanap hindi kasi yon sanay na hindi ako katabi o si Kaehel.]

"Sure." Nawala na ang kabilang linya.

"Sabi naman sa'yo eh." Napangiti ako.

"Hindi naman kasi maiiwasan ng isang Ina na hindi ma-worry ng sobra." Napatitig lang siya sakin.

"Why?" tanong ko sa kanya.

"Nothing, so, sasamahan ka ba namin ni Seldo dito?"

"Oo Ces, dito kana matulog tagal ko rin nawalay sayo eh." Panlalambing ko sa kanya. Nagyakapan naman kami. Nawa'y magkasundo si Aria at ang ama niya. carbon copy pa naman sila.

--

Third person POV

Lumapag sina Kaehel at Aria sa malawak na balkonahe ng kahariang Tronan sa bansang Masachusettes . Namangha si Aria sa buong kapaligiran ng karahian. Lalo na sa mga ilaw sa paligid.

Ex Factory [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon