EXF 43- BLUE IC CARRIER

642 36 25
                                    



EXF 43- BLUE IC CARRIER

Kinnick's POV

Nakipagunahan akong lumabas kay Paolo. Kaya heto at nagsisiksikan kami palabas.

"Ano bang problema mo? Ako nga unang lalabas!" sabi ko pero ang braso ng hayop na ito daig pa ang mga nasa WWE nakaharang. Sinubukan kong lumusot sa ibaba pero paa naman niya ang tinukod niya.

"Naman!" sigaw ko sa pagkainis.

"Ako dapat ang mauna. Bakit? Alam mo ba ang pupuntahan mo?" nakangisi niyang sabi.

"Pake ko? Tabi nga!" nasimula na naman kaming mag-gitgitan.

Taas white flag na nga!

"O sige na, mauna kana! ikamatay mo pa eh!" umisod na ako. Nakakainis talaga!

"Okay, Kinnick-0 Paolo-1." Sabi niya sabay winisikan ako ng holy water saka tumatawa siyang lumabas.

"Abat-tarantadots!" sinundan ko siya palabas. Sabay na kaming maglakad ngayon.

Infainess ang ganda ng base na ito.

"Saan nga pala yung traning school ni Katrina?" tanong ko.

"Sa SSM, dun sa kabila." Pormal na sagot niya. kung makatindig siya ngayon akala mo ay walang kalokohang ginawa kanina.

Pagkabukas ng automated metallic door ay sa escavator naman kami sumakay.

Walang imikan hanggang makarating sa floor na pupuntahan.

Nasa corridor kami ng isang tunnel ngayon patungo sa kabilang building transparent ang floor kaya para kang lumulutang kung titingnan sa ibaba. Nabungaran ko sa ibaba ang mga estudyante na naglalakad. Yung iba ay may mga kinokontrol na robotic machine. Ito na nga ba talaga ang Stelar Planet?

Nahinto uli kami sa isang escavator at sumakay doon.

"Heto na ang Stelar Space Millitary School. Nasa function room na daw sina Kaehel." Sabi niya sabay bumukas ang escavator.

Naglalakad na kami ngayon sa pasilyo ng mga Traning room. Napatingin naman ako sa isang room.

'Galactic Knight MONECEROS'

Pagsilip ko sa salamin ay nakita ko si Kae. Abala siya sa pagko-kontrol ng system.

"Sandali..." papasok na sana ako sa loob nang bigla akong hilahin ni Paolo.

"Sinong may sabi na pwede mo siyang gambalain?" nakahawak ako sa kanto ng pinto. Hila-hila kasi ako ng isnag 'to.

"Masama ba siyang tinggnan? Bitaw nga!"

"Ayaw, hinihintay na tayo nila Kaehel." Naghihilahan naman kami ngayon. Napaka KJ naman niya eh!

"Titinggnan lang naman!" makakapasok na sana ako kaso ay hinala na naman niya ako.

"Ang kulit mo naman!" naiinis niyang tono. Pero siyempre hindi ako papatalo. Pinagtitinginan na kami ng mga student na dumadaan.

"Paolo, yung damit ko mapupunit na!" lumipat naman ang loko sa suot kong pants. Nahuhubo na ako. Naghihilahan parin kami.

"Hay naku!" bigla akong bumitaw kaya sabay kaming tumilapon. Nagkaumpugan ang mga ulo namin bago kami napahiga. Nasa ibabaw pa niya ako. Naman!!!

--

Kae's POV

"Oh, damn! Come on! Moneceros!" napaka pabebe naman ng lintik na GK na ito! Naayos ko naman na mga system at kung ano pang kulang ha? Niloloko ba ako nung Paolo na 'yon? tapos pagagalitan na naman niya ako kapag hindi ko napagana? Aba! Tinamaan ng lintik!

Ex Factory [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon