EXF 16- MECHANISM

1.1K 35 17
                                    

EXF 16- MECHANISM

- process or sytem that is used to produce a particular result.

~

Cronux's POV

I hugged Kit. Then, inilabas ko ang isang electric laser na mismong singsing ko, itinapat ko iyon sa batok niya saka bumagsak ang noo niya sa balikat ko, nakatulog na siya. Binuhat ko siya, kasabay nang pagtapat sa ulunan ko ng aking plate car at mabilis pa sa ala-una kami ay nag-telefort tungo sa isang space Jet. patungo kami ngayon sa Dark Galactic Quarter.

I just want to scared one of my pet there. Si Lelouch. Dahil masyado akong nainis na puro nalang siya ang bukambibig nitong si Kit kanina. This is not the right time para makuha ko siya, hindi pa dumarating ang lost date para tuluyang maging buhay ang mga infinite capsule na naka tanim sa kanila. So, Kit is a Purple IC carrier. Poor her. Sapagkat...

Isa ako sa pinuno ng Dark Galactic Quarter..

I need all the IC and let the planet Earth hailed me as GOD. I know Kit is an innocent but she's a carrier of a curse. I don't need anything from her. Only just the Purple IC.

Next time you will find out kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Sila ang may kasalanan. Kailangan nilang pagbayaran ang lahat. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukumpleto ang mga IC.

Pagkasakay namin sa space jet ay wala pang kalahating oras na nakarating ako sa head quarter. The last time when I do a plan to play the twins. Yeah, ako ang nagpabagsak sa chandelier ng mansyon nila for some reason dahil nandoon ang isang nakatagong microflask na makapagbabalik sa ala-ala nilang kambal.

Nasa shuttle jet na kami patungong Planet Dark. Well, it's easy to go there, may isang mahabang cylinder na naka-hold sa isang wormhole. Yes, nakahuli ako ng wormhole five years ago at hindi 'yon naging madali. Isa lang ito sa mga paraan para makarating ka sa paroroonan mo kung nasa outer space ka. Minuto lang ang lumipas at nasa Dark Galactic Quarters na kami. Kaagad napalitan ang suot ko, automatic na ito kapag may mga taong papasok sa head quarters maging si Kit ay napalitan narin ang suot, metallic satin fitted space suit. Bagay naman sa kanya. Di bale, gagawin ko ang lahat para maging kabahagi siya ng Dark Galactic.

Ipinasok ko siya sa isang laboratory. Isinilid ko siya sa isang glass cylinder at kinabitan ng neuro trans cord sa noo. Sinindi ko ang monitor pinindot ko ang isang button upang bumaba ang isang glass cylinder kung saan nandoon si Lelouch, sana ay matuwa siya sa sorpresa ko sa kanya.

Inutil na pakelamerong Andropholos na yon, hintayin niya lang ang panahon at ako ang maniningil sa kanya kapag nangialam pa siya sa mga plano ko.

Nakapatay ang monitor ni Lelouch, natutulog siguro siya sa sarili niyang utak. Isa pa siyang walang kwenta. Paano kaya ito natagalang mahalin ni Kit? Ni kalahati ay walang binatbat sa akin. Sapilitan kong binuksan ang monitor niya. isang masamang titig niya ang bungad niya sakin.

"Wala kang kasing sama! Pakawalan mo si Kit, hayop ka!"

"Ano may idadagdag ka pa?" punyetang lalaking ito kung wala lang sa kanya ang green IC matagal kona winakasan ang buhay niya.

"Mamatay kana!" tumawa ako ng malakas.

"Lelouch, ang kabobohan mo talaga ang qualified sa forever. Stupid, how I die in this situation?" hindi siya nakasagot. Sabi na eh, bobo talaga.

"Alam mo bang hulog na ako sa kanya? Pero sorry siya dahil mas mahal ko ang purple IC niya." napatingin ako kay Kit at nilapitan siya.

Nagbukas ako ng isang program kaagad na lumabas an mga memories slot ni Kit. Napahinto ako sa isang nakita ko. May passcode ang isang memories niya'yun ay nung itinanim sa kanila ang mga Infinite capsules, napakatuso talaga... binabalak ko pa naman buksan kaso malakas ang ginamit na erasing ampule.

Ex Factory [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon