EXF 28- RARE ISSUES

623 33 3
                                    

EXF 28- RARE ISSUES

--

Kit's POV

Heto at mamamasyal na nga kami ni Kinnick sa Atlantis mall. Kaso para namang siyang tuod pakiramdam ko tuloy ay wala akong kasama.

"Kinnick kapag hindi ka pa ngumiti. Iiwanan kita dito." Banta ko sa kanya. Wala, naka-face palm parin siya. Jusko naman ano ang gagawin ko kung ang boring ng kasama ko.

"Gusto mo na bang umuwi?" kaagad siyang umiling.

"May gusto talaga akong puntahan at sakyan." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Saan naman?" bigla siyang namula.

"Sa carosel." I was like. HA?!

"Seryoso ka?" tumango-tango siya at unti-unting napapangiti. Hinila nalang niya ako bigla patungo sa carosel pero kakaiba ang carosel sa panahong ito. Lumulutang kamo yung mga kabayo. Mga flying horsie be like?

Nang makasakay na kami ay nakita ko namang ngumiti si Kinnick nageenjoy naman siya kahit na parang nakakahiya sapagkat pinagtitinginan kami ng mga bata. I feel the swayed of the carosel. Ganito pala ang pakiramdam na makasakay dito. Palibhasa ay hindi ko naranasan noong bata ako. Ang ninakaw na mga sanadali samin. Kahit man lang sana kahit nasa ampunan kami non ay naramdaman naming maging bata pero hindi sapagkat mas pinili namin noon na magkaroon ng sariling mundo ni Kae.

"Wooohoooo!!!" sigaw ni Kinnick. Natawa na lamang ako. Habang umiikot ang carosel ay mapatingin ako sa paligid. Napukaw ng atensyon ko ang isang bata.

"Si Enpi ba 'yon?" tanong ko sa sarili ko. Sakto naman na huminto ang carosel.

"Kinnick sunod ka nalang sakin ha?" sigaw ko sa kanya na kabababa lang din.

"Sige," sagot niya. kaagad naman akong tumakbo patunngo sa bata. Patingin-tingin siya sa paligid na parang may hinahanap.

"Enpinitte." Tawag ka sa kanya. Lumingon naman siya. Napangiti ako sobrang ganda ng batang ito sa suot niya pink dress tapos ay naka stocking siyang puti. Ang buhok niyang silky smooth. Kaagad niya akong tinakbo at niyakap.

"Mommy Kit!" sumikbo na naman ang puso ko. Niyakap ko lang siya. Narinig ko siyang humikbi. Mahigpit ko naman siyang niyakap.

"Shhh baby, tahan na." nang kumalas ako sa kanya ay pinunasan ko ang luha niya. grabe angdaling mamula ng muha niya may red marks kaagad para namang nakakatakot panggigilan ang batang ito baka masugatan.

"Bakit kaba napunta dito? Nasaan ang Daddy mo?" Hay Cronux nagiging pabaya ka.

"Hindi ko po kasama si Daddy, si Ate Clarity po kasama ko."

"Sino naman si Clarity?" nahinto na siya sa pag sob. Naku, masasabunutan ko yata kung sino man ang Clarity na iyon.

"Tagapagbantay ko po." Sagot ng bata.

"Kit yung-" nagulat ako nang takbuhin ni Enpi si Kinnick.

"Tito Pholooooosss!!!" naguguluhan ko silang pinagmamasdan.

"Kamusta Nitte?" ginulo-gulo niya ang buhok ng bata.

"Bakit hindi kana nagpupunta ng mansion Tito?" napatingin naman sakin si Kinnick.

"Marami kasing ginagawa si Tito, gusto mo ba ngayon ako bumawi sayo?" nagtatalon naman sa tuwa ang bata. Napapangiti ako sapagkat mababaw lang at madaling pasayahin ang bata. Parang si Lelouch...

Hay naku bakit ba lagi siyang nasasali?

"Enpinitte!" sabay-sabay kaming napalingon. Isang babae na naka silk suit ang palapit samin. Para siyang robot kung maglakad dahil deretso lang. napasamid naman si Kinnick.

Ex Factory [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon