EXF 51- BATTLE BETWEEN FIRE AND ICE

589 21 9
                                    

EXF 51- BATTLE BETWEEN FIRE AND ICE

Kinnick's POV

Napakagwapo ko naman. Talaga bang hindi na mauubos itong mga kalaban ko? nangangawit na ang kamay ko kaka-control sa mga fyrinii ko mawala lang sila. Pero, ano ito? Parang wala silang katapusan syet!

"Waiiiiittttttt!" sigaw ko sa mga papasugod pang Android soldiers. Napahinto naman sila. Mga uto-uto.

"Oo na, kasing gwapo ko na kayo. Basta, wag niyo na akong kalabanin." Nagpakaawa effect pa ako sa kanila. lalo lang nila tinapat ang mga hawak nilang sandata sa akin.

"Ode wag!" nagpalabas uli ako ng maraming fyrinii sabay pinagbabaril sila. Daig ko pa maraming kamay.

Nang sa wakas ay maubos sila ay naghihintay parin ako ng report mula sa asawa ay este sa fiancée kop pala. Katagal eh.

Maya-maya pa ay may sumabat na report ni Paolo the ungas.

"Attention Everyone! With this line. May mali sa mga nagaganap! Hindi nasunod ang war map plan!"

Anak ng-

Kaagad na sumagi sa isip ko si Katrina. Kinausap ko ang line ni Paolo.

[Anong hindi nasunod ang war map ha?"] hindi ko maiwasang mapasigaw mula sa kabilang linya.

[Mali ang nakalap na report nila Katrina. Na-ambush sila sa loob. They need backup urgently!] gigil din na sabi ni Paolo mula sa kabilla bago maputol ang linya. Bastos talaga ang taong ito!

Patuloy lang ako sa paglakad sa loob. Kabisado ko naman ang buong buong DGQ kaso, ay mukhang tinadtad nila mga makabagong security devices.

Nang may marinig akong mga yabag ay kaagad akong nagtago sa isang sulok.

"Siguraduhin mong madadala mo 'yan sa main laboratory base bago pa makapasok ang taga Stelar maliwanag ba?" napasilip ako ng kaunti. Si Platus ang nagsalita

Nakita kong hawak ng isang kawal ang purple IC na nakalagay sa isang gravitational glass. Lalong sumikdo ang galit ko. si Kit! Natanggalan nap ala nila ng purple IC si Kit!

"Masusunod po pinuno." Sagot naman nung kawal

Nakita kong magkaiba silang magkaiba ng tinahak. Pumasok sa tunnelator si Platus at yung kawal naman sa kabilang pasilyo. Sinundan ko ang kawal nang hindi niya namamalayan. Nagpakawala ako ng isang fyrinii at inikutan non ang leeg niya. sinalo ko naman ang purple IC nang mabitawa niya iyon. Walang buhay kong nilagpasan ang kawal. Napatingin ako sa hawak kong purple IC.

"Kailangan kong mahanap si Kit. Bago mahuli ang lahat!" nagtatakbo ako. Sana hindi pa huli ang lahat kapag nakita namin si Kit.

--

Katrina's POV

Huli kong pinalipad gamit ang kakayahan ko ang isang kalaban. Kaagad akong inalalayan ni Llelouch the android.nakaramdam na kasi ako ng paghihina. May mga bagong lumabas na android soldier.

"Lelouch, ako na ang bahala dito. Hanapin mo sila Kit. Susunod ako pangako." Nagalinlangan siya ng kaunti pero sa huli ay sinunod din niya ako. hinawakan ko ang womb ko bago uli nagpakawala ng telikenesis mula sa kaliwang kamay ko. inaalala ko ang anak ko. baka mapaano kami pareho kapag labis pa akong manghina.

Inilabas ko ang baril at pinagbabaril nalang sila. Nahihigop kasi ng telekinesis ko ang buong lahat ng lakas ko. bale, hati pa kami ng anak ko. nagpatuloy lang ako sa pakikipaglaban sa kanila. kailangan ay walang matira sa kanila. iniisip ko nalang na si Casmara ang mga binabaril ko. humanda talaga sakin ang demonyitang babaeng iyon! At talagang sinira ang linya k okay Paolo at sa iba pang kasamahan namin sa Stelar. Hindi tuloy ako makahingi ng backup!

Ex Factory [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon