EXF 47- QUANTUM

598 28 17
                                    



EXF 47- QUANTUM


--

Paolo's POV

"I am so disappointed Casmara!" nauko lamang si Casmara habang panay ang sermon ni The great Ellen Knightz. Maski ako ay gusto ko siyang masigawan. Kaso, ay kasalukuyan parin akong nilalapatan ni Cionelle ng first aid. Grabe ang Kinnick na 'yan, puro dugo mukha ko. hindi parin kasi kami pinagbubuksan ni Seldo ng pinto kaya hindi ko pa malaman ang kalagayan ni Katrina.

"Swear, hindi ko sinadya 'yon. Maski ako ay nagulat nang namatay ang system niya." napabugtong-hininga nlalang ng marahas si Ellen.

"Miss Ellen ako nalang ang ka-"

"NO!" napatikom na lamang ako. "She's from Xavierheld at hindi ko pinapalagapas ang ganoong katangahan." Natingin uli si Ellen sa kanya.

"Hindi ako kombinsido na hindi mo sinadya 'yon. My God, Casmara!"

"I'm so sorry Mistress Ellen, tatanggapin ko po ang kaparusahan ko." tininggnan siya ng mariin ni Ellen. Maski ako ay kinikilabutan sa istilo ng ganoong titig niya.

"Kilala mo ako Casmara kung paano magpataw ng parusa. You obviously guilty."

"Okay fine. Oo, sinadya ko 'yon. Kasi, naiinis ako sa kanya! Hindi ako magawang mahalin ni Paolo because of her! Hindi pa pala sapat nung nakita niya kami na magkahalikan noong gala night." Nabitawan ni Cionelle ang hawak na first aid Kit. Ako ay natulala sa mga sinabi ni Casmara. Kaya pala...

"Ano? Masaya ka na bang umamin ako?" isang malakas na sampal sa mukha ang pinadapo sa kanya ni Ellen Knightz.

"Lapastangan! Kailan mo nagawang itaya ang pag-ibig para sa pangalan ng Xavierheld? Bakit mo sinira 'yon?"

"Because I love him!" napatingin siya sakin. tinaasan ko siya ng kilay. Mukhang may hindi na ako nagugustuhan dito. Naalala ko ang gabing 'yon. labis akong nagtaka non kung bakit niya ako niyakap at hinalikan. Pinalagpas ko lang 'yon sa pagaakalang lasing lang siya non. Nun pala...

"Casmara, ready for pack-up your things. Mukhang hindi ka makakasama sa digmaan." Ma-awtoridad kong sabi sa kanya.

"Ikaw na ang bahaala sa kanya Ellen Knightz." Lumabas na ako kasunod si Cionelle. Hindi ako makapaniwala. Kaya siguro mga ilang araw na akong iniiwasan ni Katrina. Naiintindihan ko na kung bakit nasabi niya ang mga bagay na iyon kaninang nasa loob kami ng IM. Yun kasi ang hirap sa kanya kaya niyang solohin ang isang problema kahit walang tulong ng ibang tao.

Pero...

Naman! Ang sakit ng mukha ko. isa pa ang Kinnick ko na mas malakas pa ang topak sa mga babaeng may monthly period. Sakit ng panga ko sa mga suntok niya ha?

Nasa corridor na ako patungo sa clinic nang makasalubong ko si Seldo.

"Nasaan si Katrina." Nangunot ang nook o dahil para siyang lutang. Nang lampas an niya ako ay piniga ko ang pwet niya.

"HOY!" napahiyaw siya sa gulat. Loko ka ha. Akala mo hindi ko alam kahinaan mo.

"Will you stop that!" wow, ini-english na ako ni Myerr Seldo. Great.

"Para kang sabog? Nasaan ba si Katrina?"

"Si Katrina? Ah! Nasa room na niya." hindi pa rin siya mapakali. May tinatago ba siya?

Bigla ko siyang inakbayan.

"Umamin ka, nakabuntis ka no?" nanlaki ang mga mata niya saka ako itinulak.

Ex Factory [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon