Chapter 47 : Insta

1.7K 57 5
                                    

Fara's Pov

Time flies so fast and here we are, balik pasok na ulit. Sabay din kaming nagcelebrate ng New Year nila Jadyle, 'twas fun. Dapat na nga lang eh magpakasal na sila ate, halos hindi na maghiwalay ang dalawa.

"Hi Jadyle, Carla" kumaway ako sa kanila nang maabutan sila sa pintuan ng room. Nauna na din akong pumasok sa room.

Kahit second sem na, hindi parin kami naging magkaklase ni Carla. May iba namang kaklase ko na nasa ibang room na pero may ilang subjects naman na magkaklase parin kami.

"Good morning Tyler" bati ko sa kanya. Gusto kong maging kaibigan na kami but I don't think so dahil sa tingin niya sakin ngayon

"What's wrong with you?"

"Wala lang. Bagong taon na Tyler dapat magbago ka na din" napangisi siya sa sinabi ko

"Alam ko" hindi ko na lang siya sinagot at least parang nagbago siya. Parang. Ang gulo lang. Hindi naman siya nagsalita ng mga masasakit and at least he's not that rude today.

Napaayos ako ng upo nang may yumakap sakin sa bandang kaliwa ko. Backhug.

"Bakla, namiss kita. At yang kagagahan mo! Magbago ka na ha" hinarap ko siya at tinanggal ang mga braso sakin

Ngumiwi ako sa kanya "Ikaw, wag masyadong maingay at please bakla yang kalandian mo tigilan mo na. Wala kang mapapala"

Tumayo siya at umupo na sa upuan niya na nasa likuran ko.

"Kahit kelan talaga bakla ka" sabi niya. Napangiti na lang ako sa sinabi niya

Oh my gosh. Ugh. Ang sarap sabunutan ni bakla. Why? Why oh why? Jeez ang ganda niya ay hindi ang gwapo. Ang gwanda bagay pa sa kanya dahil ang ganda at ang gwapo niya. Jeez. May pa pouty lips pang nalalaman at ang legs ang haba jusko. Nakasimangot ko siyang tinignan na ngayon ay ngumingiti sakin. Nakakagigil siya.

"Mah gosh ang phonie baklush" maarteng saad niya habang natatawa

Inirapan ko siya. At ipinatong ang cellphone sa bedside table.

"Aaaaah! Ang gwapo mo talaga bakla! Crush na ulit kita" niyakap ko siya bago pinisil ang pisngi at marahan itong tinampal. Nakakagigil

Tinulak niya ako at binigyan ng isang nakakatawang reaksyon. Para siyang nasusuka sa pinagsasabi ko.

"Inggit ka lang dahil mas maganda pa ako sayo. Aminin mo!"

"Ano naman ngayon kung mas maganda ka nga. Wala ka namang papa!" Panunukso ko sa kanya

"Bakit ba kita naging kaibigan?" Tanong niya

"Dahil pareho tayong bakla?"

Natawa siya sa sagot ko. Makiki-sleepover na naman siya sa bahay as usual.

Kinuha ko uli ang cellphone ko at pinagmasdan ang picture niya na pinost sa Instagram. Sa resort niya ito kinunan nung Christmas at ang baklang bakla tinag pa ako with the caption 'Im gorgeous and I knew it. No need to say the word. That's it' ang bakla lang diba? In open ko ang profile niya at bumungad agad sakin ang mga picture niya sa feed na puro kabaklaan ang post. May pinost din siya nung New Year.

Hindi ko siya finallow dahil ayaw ko lang. Pero nagbibigay naman ako ng heart sa photos niya kapag bored ako o kung gusto kong makita ang mga post niya. I'm a good friend right? Aaminin ko ang gwapo niya, hindi ako magsasawang sabihin. Yun nga lang sayang.

Kaya pala kanina atat na atat na ipabukas sakin ang Instagram ko dahil may kabaklaan siyang ginawa.

"Uy! Ang ganda ko talaga grabe"

"Oo na! Oo na! Nakakagigil ka bakla! Walang hiya ka kaya pala gustong-gusto mong ipa-open sakin ang insta dahil may ginawa kang labag sa batas!"

Hinagisan ko siya ng unan at tawa lang siya ng tawa

"Ayaw mo nun? Tinag kaya kita para naman mapansin ka rin nila" natatawang sabi niya

"Gaga" natatawang sagot ko sa kanya

"Gab may nagpapabigay sayo" kinunotan ko siya ng noo at tinanggap ang maliit na box.

"What's that?" Sabay na tanong ni bakla at kuya

"Regalo po siguro ng mga manliligaw ko. Sige po kuya una na kami" sagot ko sa kanya at naglakad na kasama si Jadyle at bakla

Hinatid kami ni kuya dahil may kukunin siya sa office niya at aalis rin agad kaya sinabay na kami ni bakla. Sakto namang nasa may parking lot din si Jadyle at inabot itong box

"Sinong nagbigay?"

"Delivery boy. Hindi niya sinabi kung sino ang nagpapabigay eh. Sorry if I got it"

"Okay lang. Bakla una ka na sa room may pupuntahan lang ako" tumango siya at ng makasigurong malayo na siya umupo ako sa may upuan sa gilid at napatingin kay Jadyle na nasa gilid ko

"Una ka na" sabi ko dito at binuksan ang box. May sampung minuto pa naman bago ang klase

Mga pictures na naman, nung Christmas at New Year na magkasama kami ni Jadyle kaming dalawa lang. Aba, ang yaman niya ha. Sumusunod sa'min kahit nasan ako. Hindi ba siya nagbabakasyon at busy sa pagsusunod sakin. Infairness ang hard working niya.

"Masaya ka?" Gulat na tanong ni Jadyle

Nagkibit balikat ako sa kanya "Well, proud ako sa kanya ang sipag niya ha. Infairness. Atsaka sayang naman kung iiyak ako, wala din namang mangyayari. Bahala siya mapapagod din siya. Ang sakin lang gusto ko siyang makilala, at sabihan siya ng 'Good Job'" natatawang sabi ko sa kanya

"I'll help you. Gusto mo ngayon na natin simulan"

"Eh? Sige. Pero may klase pa tayo"

Nasanay na rin siguro akong may gumagawa sakin ng ganito. Just shake it off.

A/N: Si Jess po ang nasa media. And thanks for the three hundred plus votes. At dahil school is back na po uli sa lunes medyo matatagalan na po ang ud haha

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now