Chapter 43 : White Board

1.6K 40 5
                                    

Fara's Pov

"Good morning!"

"Ay kabayo!"

Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanilang dalawa

"Grabe naman, ang sakit ha" maarteng sabi ni Carla

"Bakit ba kasi nanggugulat?" Naglakad na uli ako at nasa likuran ko sila

"Bati yun hindi gulat. Malay ba namin na magugulat ka" sagot ni Carla

"Hintayin mo kami, sabay na tayo" sabi ni Jadyle at inakbayan ako. Muntikan pa akong mapasubsob sa bigat ng kamay niya

Inalis ko agad ang kamay niya sa balikat ko at huminto para tignan silang dalawa na kasabay ko na sa paglalakad

"Ano ba trip niyo?"

"Wala. Halika na nga, malalate tayo" at hinila na nga nila ako

Huminto kami ng makarating sa tapat ng room. Pwede naman akong maunang pumasok pero hinintay ko sila. Inabot ni Jadyle ang bag ni Carla at tinulungan niya itong ilagay sa balikat ni Carla since it's a shoulder bag. Ang sosyal kasi, shoulder bag talaga. Pagkatapos ay hinalikan ni Carla sa pisngi si Jadyle ganun din ang ginawa ni Jadyle kay Carla

"Ayusin mo pag-aaral mo, wag puro ako" nakangising sabi ni Jadyle kay Carla na siyang kinatawa ng huli

"Naks naman. Of course, same to you Mr. Swift." Mr. Swift, ngayon ko lang narinig na tinawag siyang Mr. Swift

"Sige na. Hihintayin kita mamaya" sabi ni Jadyle at niyakap muna siya ni Carla bago pumunta na sa room niya

"Chweet nemen. Ganito pala ang ginagawa niyo bago pumasok ha" ginulo niya ang buhok ko sabay ngiti at bukas ng pintuan ng room

Pagpasok namin lahat sila gulat ng makita ako, tumingin sila sa white board at halos sabay na yumuko. Nagkatitigan kami ni Jadyle at sabay na tumingin sa white board. There, puno ng sulat ang white board. Wala sa sariling napahawak ako dito.

"Hey! Fara the whore!"

"Landiin mo na si Jadyle para maging masaya ka uli"

"Looks can be deceiving"

"She's not a friend"

"She used Tyler and Jadyle!"

Hindi ko namalayan na nakuha ko na ang eraser at sinimulang burahin ang mga sulat. Marami pang ibang sulat sa white board. Ano ba talaga ang ginawa ko para gawin nila ito sakin. Napaupo ako sa sahig at nagsimulang umiyak. Sobra naman yata ito.

Naramdaman kong may yumakap sakin at hinarap sa kanya bago isinandal sa dibdib niya. Hinaplos niya ang buhok ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya

"Sino sa inyo ang gumawa nito?" Sabi niya sa malalim na boses na siyang ikinabigla ko

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang nakasubsob sa dibdib niya at pinapatahan ako

"Sino sabi ang gumawa nito?!" Sigaw niya

"Wa-wala po kaming alam"

"Hindi po ako"

"Mas lalong hindi ako!"

"Hoy! Sumagot na kayo! Galit na siya"

"A-ako!" Napatigil ako sa paghikbi at humiwalay sa yakap ni Jadyle

Napaayos ako ng tayo at tumingin sa nagsalita. Si Macy? Nakatayo siya at hindi makatingin sa'min

"Wa-wala ak-akong alam. Pero ako ang u-unang dumating sa room at, at pagda-pagdating ko nandiyan na 'yan. So-sorry dahil ko man lang na-nabura natatakot akong burahin baka ma-madamay pa ako"

Napaupo ulit ako sa sahig. Sino ba kasi ang gumawa nito?

"Salamat Macy" sagot ni Jadyle dito at niyakap uli ako

"I'll help you. We'll find who's that fucking bastard or bitch! I'll punch him" bulong niya pero ramdam parin ang galit sa boses nito

"Thank you" nanghihinang sagot ko

"What a view! Seriously?! The princess? Or the pity princess? I prefer the latter, it suits you witch!" Tiningnan ko ang nagsabi at nakita si Tyler na nakangisi. Tumayo ako at pinigilan si Jadyle na suntukin si Tyler.

"Oh, it sounds gay Mr. Lee. Fighting a girl like a real girl. I'm sorry for what you saw scumbag. What an ass!" Nakangising sabi ko dito at lumabas sa room

Hindi na ako gumamit ng hagdan kundi elevator para mapadali ako. Ayoko munang pumasok, finals exam na naman namin bukas for the second quarter and it's our last exam before the Christmas break. Hindi pa naman kami masyadong nakaenjoy sa semestrial break dahil sa mga paper works sa school. And what's the use of attending my class today if I end up crying all day.

Revenge Ni Mr. NerdKde žijí příběhy. Začni objevovat