Chapter 32 : Surprise Gift

1.8K 45 2
                                    

Fara's Pov

Hinabol ko agad ang lalaking nagnakaw sa first kiss ko. Ugh. Pinayagan ko namang kunin, pero hindi ko naman sinasadya. Ugh, humanda talaga ang lalaking yun dahil sa ginawa niya.

Pagkalabas ko ng pinto, nagulat ako sa nakita ko, walang iba kundi si Tyler na nakasandal malapit sa elevator. Don't tell me, siya? Oh my golly golly kiss! Waah. Is it real? Nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit sa kanya. Nginitian niya ako. That smile. Ah, ano bang dapat gawin ko? Babati? Lalampasan siya? Ano ba. Naaalala ko lang tuloy ang kiss. Hindi dapat yun ang isipin ko.

"Fara, namumula ka. Ayos ka lang?" Pakiramdam ko mas lalo lang akong namula dahil sa tanong niya. Siguro parang wala lang yun sa kanya. Nagkikiss naman talaga ang mag boyfriend-girlfriend kaya natural lang yun. Ako lang naman ang nag-iisip, siyempre first kiss mo ba naman nawala. Act normal Fara.

"O-oo. Okay lang" nauutal kong sagot sa kanya. Ngumiti siya kaya di ko sinasadyang mapatingin sa labi niya. Fara, tigilan mo na yan, tigil. Act normal kasi. Umiwas ako ng tingin at napailing-iling.

"You really sure?" Tanong niya bago ako inakbayan. I felt my self stiffen dahil sa ginawa niya. Bumuntong hininga ako at umayos ng tayo.

"Oo nga ang kulit"

"I'm gonna show you my surprise" bigla naman akong naexcited sa sinabi niya

"Sige ba. Sama ko si bakla"

"Wag na, di naman siya kasali dito"

"Tara na?"

"Maghanda ka muna. Magkita na lang tayo sa park kung saan mo ako sinagot okay?"
Hinalikan muna niya ako sa pisngi bago ako iniwan.

Bumalik na ulit ako sa room kung saan ako inayusan at nakita ang team na nandon padin sa bakla. Binati uli ako nila at nagpasalamat naman ako sa kanila.

"Bakla, ipagdrive mo naman ako o"

"Saan ka pupunta? Gabing-gabi na"

"Maaga pa yan. May surprise kasi si Tyler at ipapakita na niya. Sige na, pambawi mo sa regalo mo"

"Sige na nga, kanina pa ako hindi mapakali sa mga tingin ng mga kalahi ko dito"

Umuwi muna siya kanina sa bahay nila para kunin ang sasakyan niya at may driver license na siya kaya okay lang. Kahit medyo malayo madali lang kami nakaabot sa park dahil hindi naman traffic since it's quarter to twelve.

"Wanna go there? Hindi pwede e, sakin lang 'to dahil surprise para sakin" inunahan ko na siya sa sasabihin niya

"Wala ka bang utang na loob?"

"Sasabihin ko na lang sa iyo. Baka naiinip na yun"

Nakangiti akong lumakad papunta sa bench. Marami pa ring tao kahit magmamadaling-araw na, may nagdadate pa rin, mga batang naglalaro, picnic at may nagtetent dito. Family bonding na siguro nila, may mga post light naman nagsisilbing ilaw dito, may mga streetfood at booth ng mga pagkain. Binilisan ko pa ang paglalakad. Teka, may tao yata sa bench, dahan-dahan akong lumapit para tignan kung sino yun.

Biglang tumulo ang luha ko sa nakita. No, this isn't real. Hindi yan siya, no,no, please someone tell me it's not him. No. At napahagulhol na ako at napahikbi sa kakaiyak, hindi ko magawang lumakad o tumakbo man. Napalingon sila sakin at napahinto sa ginagawa nila. Wala akong pakielam kong nagmukha akong tanga dito kakaiyak.

"Tyler?" Nanginginig na tawag ko dito

Gulat na tumayo siya at lumapit sakin

"Fara, shit! Siya yung unang humalik sakin. Hindi ko magawang makaalis. I'm sorry, I'm very sorry" Hindi ko magawang ngumiti kahit pilit man lang. Hinawakan ko ang kamay niya at saka siya hinila.

Napahinto ako sa kakahila sa kanya, at tinignan siyang nakatayo lang at nagpipigil ng tawa.

"Ano? Tara na, asan na yung surprise mo?" Pilit akong ngumiti pero ngiwi ang kinalabasan nito

Marahas na tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya at ngumisi siya. Lumapit siya sakin hanggang sa tuluyan na siyang mapatawa at lumayo sakin. Kunot-noo ko siyang tinignan

"Wow, should I join some workshops to become more impressive actor? Hindi ko akalaing bebenta ang palusot ko. Fara what happen? Nahawaan ka na din ba ng nerd mong ex sa katangahan?"

Hindi ko siya maintindihan, humawak sa kanya ang babaeng kahalikan niya sa braso niya.

"A-anong ibig mong sa-sabihin?" Nangingilid na ng luha ang mata ko pero pilit ko itong pinipigilan. Ayaw kong umiyak ng walang rason.

"I'm cheating. Niloloko na kita simula nung pagpasok natin ng first year. Remember that time na inutusan kitang lokohin ang nerd na yun? Nagsisimula na ako Fara, wala kang kaalam-alam. Nilaruan lang kita Fara all this time. You're plain, simple and of course you're boring to be with. I fell out of love"

Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Dumapo ang kamay ko sa pisngi niya pati sa babaeng kasama niya. Nanginginig na ako sa galit sa kanila. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya sinampal ko ulit siya paulit-ulit, kabilaang kamay. Sinuntok ko na rin siya hanggang sa mapagod na ako.

Am I that naive? Ang tanga, tanga tanga tanga ko! Gusto kong sumigaw kaya sumigaw ako wala akong paki kung ano ang iniisip nila sakin ngayon. Gusto ko lang ilabas lahat ng nararamdam ko. Umayos na ako ng tayo habang hindi parin tumitigil sa pag-iyak. Tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO! ANO? NAGSAWA KA NA SAKIN KAYA MAY RESERBA KA? WALANG HIYA KA! NAPAKAWALANG HIYA MO! HAYOP KA! KAYONG DALAWA NG BAGO MO!"

"ITO BA SURPRISE MO? WELL CONRATULATIONS DAHIL NA SURPRISE MO NGA AKO SA TANG'NANG SURPRISE GIFT MO SAKIN! SIGE MAGHALIKAN LANG KAYO DIYAN, ISIPIN NIYO NA LANG NA HINDI ITO NANGYARI. ITO BA GUSTO MO TYLER? PWES, SIGE! PAGBIBIGYAN KITA SA GUSTO MO!"

Sinampal ko ulit siya at ang babae niyang nakatulala lang na nakatingin samin. Tumakbo na agad ako habang humihikbi sa pag-iyak. Hindi ko na masyadong makita ang dinadaan ko dahil nanlalabo na ang mga mata ko.

Pumasok na agad ako sa kotse ni bakla. Naramdaman ko ang pagtingin niya sakin. Pinahiran ko ang pisngi ko at pinigilan ang pag-iyak.

"Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?"

Tinignan ko siya at ngumiti ng pilit

"Wala, alam mo ba? Nakakatouch ang surprise gift niya sakin ba-bakla" pumiyok na ang boses ko sa bandang huli na ng pagsasalita ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak uli. Tinapik-tapik niya ako. Ganun lang pwesto namin hanggang sa tumahan na ako.

"It's already morning bakla. I'm sure napakaspecial at sweet ang regalo niya sayo. Napaiyak ka pa" sabi at pinaandar na ang sasakyan

Indeed. It's very special kasi sa birthday ko pa siya nakipaghiwalay, sinulyapan ko muna ang relo ko kanina at pasok pa siya sa birthday ko. And yes it's sweet dahil nakita ko silang naghalikan. Note the sarcasm. Matapos niya akong halikan, matapos niyang nakuha ang gusto niya, iniwan na agad ako. I'm very surprise sa gift niya. Well it's a surprise gift after all.

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now