Chapter 29

1.6K 43 0
                                    

Fara's Pov

Kumain na kaming tatlo ng pananghalian na parang merienda na din. Mag-aalas kwatro na at hindi pa din bumabalik si Tyler

"Hatid ko na kayo pagkatapos nito?"

"Sige"

"Wag na" sabay naming sabi ni bakla

"Ano ka ba kesa sa maghintay tayo kay Tyler, baka nga nakalimutan na tayo"

"Hindi. Wag ka ngang ganyan paparating na yun natext ko na.Uh, Jadyle salamat na lang ha, nakaistorbo na nga kami sa lakad mo"

"Ang totoo niyan, wala talaga akong lakad. Gusto ko lang bumawi sa inyo dahil sa ginawa ni Carla. Mamaya pwede naman kaming mag dinner date, kaya ayos lang" nakangiting sabi niya

"May kasama yata kayo" hinalikan niya agad ako sa pisngi bago umupo sa tabi ko

"Finally nandito ka na! San ka galing?" Tanong agad ni bakla

"Diyan lang bumili ng bagong cellphone alam mo na maraming tumatawag kaya bumili ako ng bago" pinakita niya ang paperbag ng cellphone niya

"Ang tagal mo naman yata" singit ni Jadyle sa usapan

"Hinintay ko pa ang bagong dating na model at pinaset-up ko na rin para okay na pagginamit. May problema ka ba?" Napatingin ako kay Tyler na nakatingin kay Jadyle

"Wala naman pero dapat sinama mo sila para hindi mainip sa kakahintay" napatingin na ako ngayon Jadyle at nagpabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa

"Kaya nga hindi ko sinama para makapaglibot sila kesa sa umupo lang sila doon na walang ginagawa"

"Edi sana umalis ka muna saglit sa shop para samahan sila" mag-aaway na naman ang dalawa. Nagkatinganan kami ni bakla

"Jadyle, salamat pala kanina. Uwi na kami" pagpapaalam ni bakla kaya nagmamadali kaming tumayo bago pa sila mag-away

"Tyle halika na, pagod na din kami" nag-inat pa ako ng mga kamay, umalis na din kami pagkatapos

Pasalampak kaming nahiga sa kama ni bakla habang kumakain. Tinamad kaming umupo.

"O birthday mo na bukas. Regalo ko ha"

"Ano?"

"Bago na ngayon. Sinong magbibirthday siya na ang manglilibre"

"Ewan ko sayo. Matulog na nga lang tayo"

It's my birthday tomorrow and I don't even know what did their plan is. Bahala na.

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now