Chapter 44 : Balae

1.7K 50 4
                                    

Fara's Pov

Mataas ang nakuha kong grade sa exam, halos lahat kami pwera kay Tyler na nag-iisang nakakuha ng D grade. Malapit na bumagsak sa exam buti na lang pinagawa ng special project idagdag sa score niya. Okay na din kami ng mga kaibigan ni Carla, nanghingi sila ng sorry pagkatapos ng test sinabi pa nila gusto na daw nila makipagbati sakin dati pa kaso nahihiya sila sa mga pinaggagawa nila. And now, we're having our Christmas break, Christmas Eve to be exact. Hindi mo akalaing ilang buwan pa lang ang dami ng nangyari.

"Smile ka naman diyan!" Napalingon ako sa nagsalita

Kinabahan ako kanina nang malaman na kasama namin sa party ang mga Swift means lahat sila ate Jayla. Nasa isang resort kami para sa magbakasyon at sumunod dito sila ate Jayla dahil inimbitahan nina dad.

Nanginginig ang mga labi ko ng nginitian ko siya. Nakakatense siya, lalo na hindi maganda ang unang pagkakita namin sa may restroom pa.

Lumapit siya sakin at umupo sa bakanteng upuan na katapat ko.

"Smile darling. Are you nervous?" Napatingin ako sa glass wine na hawak niya, bago napalunok

"Don't worry darling. I won't harm you. I'm here to say sorry sa nagawa ko nung birthday mo. Nadala lang ako sa emosyon ko, lalo na ng malaman ko na magkapatid pala kayo ni Gabriel na minsan ng sinaktan ang anak kong si Jayla. Well magkapatid nga kayo parehas niyong sinaktan ang mga anak ko."

"I'm so-sorry ma-ma'am" nauutal kong sabi. Ngayon ko lang siya nakausap at sobrang nakakakaba

"Oh my!" Nabigla ako ng yakapin niya ako. Hindi ako nakagalaw bigla

"Sorry, natakot ba kita? Do I look like a monster?" Kinakabahang tanong niya pagkakalas niya sa yakap

"No, no. Hindi po. Ako po dapat ang manghingi ng sorry, sorry po talaga" ngumiti siya

"Let's forget it, alright? Pati kuya mo, nanghingi ng tawad sakin para sayo. Apology accepted at oo nasaktan ako sa ginawa mo sa anak ko, at hindi naman talaga dapat ako ang sabihan mo ng sorry kundi si Jadyle but I know na ginawa mo na yun and knowing my son who's in love with you, napatawad ka na niya. So, let me see you smile" binigyan ko siya ng isang ngiti at niyakap ulit niya ako

"Mom! What're you doing?!" Mabilis niya kaming pinaghiwalay at tumabi sakin pati na din si kuya

"Ate, wala po siya-"

"Did you slapped her again?" Tinignan ko si kuya pero wala man lang galit ako na nakita sa mukha niya kundi pag-alala para na rin siguro kay ate Jayla

"Ate-"

"No. Humingi ako ng tawad sa kanya" napasapo sa noo si ate Jayla at bumuntong hininga

"Whew- I thought you did it again"

"And if you'll do it again tita, hindi ko papalagpasin yun" sabi naman ni kuy, so sa kabila ng lahat alam niyang sinampal niya ako. Of course ate Jayla said it.

"I'll never do it again. I'm not the one whom she'd hurt. Don't worry iho. I'm not stupid to do it again and you knew it. I'm sorry"

"It's alright tita, I'm just saying" he smiled

"So, ayos na tayong lahat. Halika na! Kanina pa namin kayo hinanap. Let's go! It's already quarter to twelve!"

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now