Chapter 40: Pulis at Kriminal

Start from the beginning
                                    

"Hmm, nag d-date kasi kayong dalawa eh" sagot ko na lang. Namula naman si Bethina sabay palo sa braso ni Travis.

"Oh bakit ka nang hahampas?"

"Wala lang! Pag nandito si Serah wag ka nga munang maging linta sa akin!"

"At ako pa ang naging linta! Sa gwapo kong ito?!" at iyon na po pinaghahampas na naman siya ni Bethina. Binuksan ko na lang yung pagkain ko at kinain. Habang pinapanuod itong dalawa. Nakakatuwa talaga sila, kung magkaka boyfriend ako gusto ko yung para lang kaming mag bestfriend.

Naalala ko bigla yung ginawa ni Travis sa akin nung isang araw, kaya nawala ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa kanya. Mukhang hindi naman ata alam ni Bethina ang nangyari.. Pati yun din pala ang isa sa reason ko kung bakit di ako sumama sa kanila tuwing lunch. Napahinto silang dalawa kasi si Travis tumingin sa akin.

"Bakit Serah?" umiling na lang ako tapos kumain na lang ulit ako. Tumingin tingin ako sa paligid habang nginunguya ang luto ni Mama na Adobong Manok na may kasamang itlog. Ang sarap talaga! May nakita akong isang tao na papunta sa pwesto namin. Feeling ko mabibilaukan ako sa sobrang bilis ng pag nguya ko. Gusto ko ng umalis dito.

Hindi nga ako nagkamali, lumapit siya sa amin. Napatayo si Travis habang si Bethina naman binubuksan na yung lunch niya.

"Oh pare?" sabi ni Travis. Nagulat na lang ako nung tumingin siya sa akin. "-okay na kayo?" tapos kinamot niya ang ulo niya at tumawa. Ano na naman ang binabalak ni Travis. Ininom ko na lang yung tubig na dala ko. Pero bigla akong napatingin sa ibang side kasi nakatingin naman sa akin si Zac.

Aalis na talaga ako. Mabilis kong niligpit yung mga gamit ko. Pero nung tatayo na ako..

"Yung holding hands namin ni Serah, wala talaga yun pare. Tinetest lang kita kung mag rereact ka.." hayss pinaalala na naman niya. Teka, anong sabi niya? Tinetest lang niya si Zac? Ibig sabihin nant-trip lang siya nung araw na iyon?

"Anong nangyayari dito?" tumayo si Bethina sa gitna nung dalawa.

"Ah, my LOVES. Ganito kasi iyon.. Wag kang magagalit ha.. Nung nag lalaro kayo sa gym, tinabihan ko si Serah. Naisip kong pagselosin itong si Zac kaya hinawakan ko yung kamay ni Serah. Nagselos nga yung tao at hinatak na lang si Serah palabas. Kaya iyon, selos nga. Pati ilang araw ng nakakalipas iyon kaya kalimutan mo na.."

Cool na cool pa si Travis sa pagkwekwento habang ako.. Di ko alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako, baka magalit si Bethina. Pati naiinis ako kasi kinuwento pa ni Travis yung buong pangyayari..

"Ah, okay lang iyon. Wala sa akin yon." thank you Lord! Akala ko magagalit si Bethina.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ni Bethina kay Zac.

Kinuha ko na yung gamit ko at lumakad na.

"Magsosorry sana ulit ako eh" pagkarinig ko noon tumakbo na ako papuntang room. Ilang minuto pa naming aantayin ang teacher namin para sa next subject kaya naisipan kong lumabas muna at tumambay sa may Corridor.

Nakasandal lang ako doon ng may magsalita sa tabi ko.

"Pwede ba kitang makausap?" tumibok ng malakas ang puso ko nung makita ko kung sino ang nagsabi noon.

Si Mara. Nakatingin siya sa akin at inaantay ang sagot ko.

"Sige" mahina kong sagot. Naguguluhan ako at bakit gusto niya akong kausapin. Anong sasabihin niya?

"Pero wag dito.." lumakad siya at naiwan akong nakatayo dito. Susunod ba ako? Napansin niya atang hindi ako sumusunod kaya lumingon siya sa likuran niya.

Cherish YouWhere stories live. Discover now