Malaki ang bahay namin dito. Malawak ang bakuran. May swimming pool sa likod at taniman ng mga punong mangga na nakapaligid sa bahay. Isa kasi iyon sa business ni Papa. Pero kay Mama na idea iyon kasi mahilig ito sa mga puno. Gusto nito sa nature. Kaya presko ang hangin dito kahit mainit dahil sa mga puno sa paligid.

Pumasok na kami sa loob.

"Kanina ka pa hinihintay ng Papa mo. He misses you a lot." Nakangiting sabi ni Mama na nilingon pa ako.

At totoo nga. Miss na miss na nga ako ni Papa dahil malayo pa lang kami'y nakabukas na agad ang mga palad nya't humahangos na agad para salubungin ako't yakapin.

"Oh Ashley! baby!"

"Papa naman eh" Reklamo ko. Ilang hakbang na lang ang pagitan namin ng mapahinto sya sa balak na pagyakap sa akin. Salubong ang mga kilay na napatitig kay Maxine bago iyon nilipat sa akin.

"Who's this lovely lady?"

Humakbang palapit sa kanya si Maxine.

"Hello po.. France Delgado po" Sabi nito na yumuko pa sa huli.

"Delgado? Where are you from young lady?"

"Gapan po"

"By any chance.. do you know a certain Maximo Delgado?"

"H-he.. he's my f-father po." Nanlaki ang mata ni papa. Kitang kita tuloy yung kulay asul nyang mata.

"Oh that's great! Small world, small world."

Medyo tense naman ang katabi ko.

"Maxine ok ka lang?" Tumango ito pero alam kong hindi sya ok.

"She's your friend?" Tanong pa ni Papa sakin.

She's my future wife.

"Yeah.. just met her 3 days ago."

"Hahaha that's great. Somehow she reminds me of someone I know the first time I saw her.. And i'm right.. come come" Inakay na ni Papa si Maxine. Nakapatong ang mga kamay sa balikat nito na parang tunay nya iyong anak, I'm not complaining pero pwede bang dito lang sa tabi ko si Maxine?

"You must be tired" Sabi pa nito kay Maxine. Tired nga po yan kakatakbo't kakasigaw kanina.

Huminto kami sa sala. Naglabas lang ng mga cookies si Mama.

"Drinks ladies?" Tanong pa nito tukoy sa mga drinks na hawak nya. Tumango kami pareho ni Maxine.

Nakaka uhaw kasi yung sigawan namin kanina. Pakiramdam ko na tuyong tuyo ako. Naka dalawa akong baso ng juice sa sobrang uhaw ko.

Pagkalipas ng ilang sandali'y tumayo si Papa at Maxine, sabay silang lumabas ng sala papuntang veranda. Mag uusap siguro. Ano namang dapat pag usapan ng mga taong first time lang nagkita?

"Ate.. ate.. where's my gift?" Nagulat pa ako sa kumalabit sa akin. Gawain po talaga yan ng mga kapatid ko.

Tuwang tuwang napatayo ako.

"Atom! Gosh! You're growing so fast"

Yung totoo? Anong pinapakain nila Mama dito?

"I want to grow fast. I want to be like you." Bibong sagot nya . Pinanggilan ko tuloy ang pisngi nya. Ang cute.

"You want to be like ate?" Baby talk ko dito. Tumango tango naman sya.

"You're gonna be better than ate someday" At wala yung duda. Medyo spoiled lang sya pero mabait at behave na bata si Atom. May disiplina kaya paniguradong malayo ang mararating nya paglaki nya. Sisiguraduhin ko iyon.

Seven DaysDove le storie prendono vita. Scoprilo ora