Chapter 16

36.2K 604 4
                                    

"JJ san tayo pupunta?" Tanong ng batang babae sa kasama nito.

"TM huwag kang maingay. Baka hindi tayo payagan na pumunta sa dalampasigan mamaya kaya ngayon na lang tayo pumunta." Sabi naman ng batang lalaki na kasama nito.

"Pero baka magalit sina mama at papa." Sabi naman ng batang babae.

"Wag kang mag-alala akong bahala sayo." Sabi naman ng batang lalaki at ngumiti. Sinuklian naman ng batang babae ang batang lalake ng isang matamis na ngiti.

Nagtatawan silang dalawa habang naglalakad papuntang dalampasigan ng magkahawak na kamay. Palaging magkasama ang mga bata na ito simula ng nagbakasyon ang batang lalake sa lugar na iyon.

Pero may lihim na pagtingin ang batang lalake sa batang babae. Hindi niya lang ito masabi ngayon dahil bata pa silang dalawa. Ang batang lalake ay labin-dalawang taong gulang at ang batang babae naman ay sampung taong gulang.

"Wag mo kong iiwan ha?" Nakangiting sabi ng batang babae sa lalake.

"Never. I will never leave my TM. Sabi naman ng batang lalake at ngumiti rin.

"Me too. I'll never leave my JJ."

Nakarating na sila sa dalampasigan. At labis ang tuwa nila ng makitang sobrang linaw ng tubig-dagat.

"JJ laro tayo!" Sigaw ng batang babae sa lalaki.

"Hahaha oo na basta wag kang pumunta sa masyadong malalim." Paalala naman ng batang lalake habang naglalakd papunta sa batang babae.

Hindi na napapansin ng batang babae na napupunta na siya sa malalim na bahagi.

"Ahhh!! JJ tulong tulong..!!" Sigaw ng batang babae habang itinataas niya ang kanyang kamay.

"TM!! Sandali lang!!" Malakas na sigaw ng lalake at lumangoy na papunta sa batang babae.

"Tulong!! Tu------" hindi na tuloy ng batang babae ang kanyang paghingi ng tulong dahil lumubog na siya.

"Sandali na lang hintayin mo ako TM wag kang bibitaw" sabi ng batang lalake sa kanyang isip.

Mabilis naman nakuha ng batang lalake ang babae at dinala sa dalampasigan. Pinipilit niya itong gisingin.

"TM gumising ka wag mo kong iwan!! TM!!" Sigaw ng batang lalake habang umiiyak.

Biglang nagsidatingan naman ang mga tauhan ng batang lalake at inilayo sa batang babae na hinang-hina.

"Bitawan niyo ako! Hindi ko siya pwedeng iwan!!" Pilit na nagpupumiglas ang batang lalake mula sa mga ito.

"Young Lord papunta na po rito ang kanyang pamilya kailangan na nating umalis." Sabi ng isang tauhan at binuhat na ang batang lalake. Naglalakad na sila palayo ng biglang dumating ang mga magulang ng batang babae kasama ang ilang bodyguards nito.

Mabilis itong binuhat ng ama at tumakbo pabalik sa lugar kung saan sila nakatira. Habang ang batang lalake naman ay patuloy na isinisigaw ang pangalan ng batang babae hanggang sa makalayo sila.








Sa kabilang banda naman........

Nagising na ang batang babae at ang unang lumabas sa kanyang labi ay.

"Nasan si JJ?!! Sabi niya di niya ako iiwan. Please na saan siya?!! Kailangan ko siya!! JJ! JJ!JJ!" Patuloy na sigaw at iyak ng batang babae.







Nagising si Thiea habang hinahabol niya ang kanyang paghinga. Di niya alam kung ano ang kanyang panaginip at hindi niya rin makita ang mukha ng mga ito dahil malabo.

Pregnant By The Mafia Lord Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon