Chapter 2

45.4K 721 6
                                    

The day of the wedding..

Someone's Pov
Abala ang mga tao sa pag-aayos ng kasal nina Alfredo at Thiea..
Habang si Thiea naman ay inaayusan na ng isang bakla. Excited na excited ang dalaga dahil sa wakas makikita niya muli ang kanyang mahal na si Alfredo..


Si Alfredo na naghihintay sa simbahan ay inip na inip dahil sa totoo lang ayaw niyang magpakasal sa babaeng hindi niya naman mahal..


Oo naging close sila ng mga teenagers pa sila pero maraming nangyari at nagbago sa buhay niya.. Tulad na lang ng nagkaroon siya ng girlfriend.. Maglilimang taon na sana sila at aalukin niya na itong magpakasal pero naudlot iyon dahil sa kasal na ito..


Hindi naman siya makatanggi dahil sabi ng ama niya kapag raw hindi niya pinakasalan si Thiea, maghihitap ang kanyang girlfriend at hindi na ito makakatrabaho sa kahit anong kumpanya na gusto nitong pasukan.


Kaya habang siya ay naiinip, si Thiea naman ay di mapigilang magkaroon ng kaba sa kanyang loob.

Thiea's Pov

Narito na ako ngayon sa sasakyan na papunta sa simbahan..
Alam niyo ba ang nararamdaman ko ngayon..?.
Excitement at kaba. Excitement dahil makikita ko na muli ang tanging lalaking minahal ko mula nung 16 yrs. Old pa lamang ako at kaba dahil matagal ko na siyang hindi nakikita at kung ano ang mga nagbago sa kanya.


"Napakaganda niyo po ngayon mam, sigurado akong hindi maiiwasan ng iyong magiging asawa na mahalin ka ng lubos." Sabi ni manong driver


"Sana nga po magustuhan niya ako.." sabi ko habang nakangiti kay manong..


"Andito na po pala tayo mam"

"O-ok po" nauutal kong sabi at huminga ng malalim ng tatlong beses

Maya-maya kinatok na ako ng nag-oorganize ng kasal..
Agad naman akong lumabas sa sasakyan. Nakita ko sina mama at papa na nakatayo sa labas ng simbahan, nakasira kasi ito ngayon..


"Ok miss ilagay mo na yang braso mo sa mga magulang mo at pumasok na kayo..." sabi ng organizer


Nagulat ako sa sinabi niya at sana ay hindi ko gagawin. Pero kinuha agad ni papa ang braso ko at inilagay sa kanya at binulungan ako ng mga katagang


"Wag kang maarte bilisan na natin at baka naiinip na sila sa loob" giit na sabi ni papa


Kaya tumango na lamang ako at binuksan na nila ang pintuan ng simbahan.

Unti unti kaming lumakad palapit sa aking mapapangasawa at hindi ko na naalis ang tingin ko sa kanya dahil marami ang nagbago sa kanya. Basta mas lalo siyang naging mature tignan..
Pero napansin ko na nakakunot ang noo nito. Nalungkot naman ako bigla..

Hindi ba niya ako nagustuhan?
May mali ba sakin?

At ng iniabot na ni papa ang kamay ko kay Alfredo ay mabilis lang na umalis si papa at umupo na..

Nagbabadyang tumulo ang luha ko dahil kahit na sa kasal ko man lang hindi nila pinaramdam na kahit isang kusing ay mahal nila ako..


Nakarating na kami sa part ng i do han.

"Do you Thiea Mae Doqueza take Alfredo Chen to be your............" father

"I do" maikling saad ko

"Do you Alfredo Chen take Thiea Mae Doqueza to be your..........."


Tinignan ko si Alfredo ng hindi siya nagsalita.. Nakita ko na tinignan niya ang pamilya niya at humihingi ng tulong. Pero binaliwala lang siya ng mga ito..

Pregnant By The Mafia Lord Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon