JS Promenade 1

37 3 0
                                    

RACHEL TORRES

Di ko inexpect na ganto kaganda yung venue. Mas maganda siya kaysa last year.

"Chel!"

Nakita ko si Anne na kumakaway sakin. Ang ganda niya. Kulay blue yung gown niya. Bagay na bagay sa kanya kasi maputi siya. Kumaway din ako sa kanya tsaka lumapit.

"Ang ganda mo Anne. You look perfect."

"Ang ganda mo din Chel nasurprise ako sayo bagay yung gown mo sayo it looks so elegant simple lang yung gown mo simple but eye-catching like you ikaw ba talaga yan tingnan mo humarap ka pa sa salamin. Hay ganda mo talaga Rachel."

Hala. Mambobola na nga lang itong si Anne. Di na ko makasagot kasi dere-deretso siya magsalita. Walang tigil ganon. Kumbaga para siyang hindi humihinga habang nagsasalita. (Kaya walang dots dahil walang putol yung sinabi niya)

"Wag ako Anne. Iba nalang lokohin mo. Di ako nagpapaloko."

"Baliw. Ganda mo kaya. Pero ayaw mo maniwala. Ikaw bahala."

Ngumiti na lang tsaka tumango para tapos na. Magte-thank you ulit ako ng bonggang bongga mamaya kay Ate Joy.

"May gamit at damit naman ako sa bahay niyo diba Rachel?"

Oh nakalimutan ko pala sabihin sa inyo. Past midnight pa kasi matatapos yung prom so me and Anne decided na magsleep over sa bahay. Syempre nasabi ko na kay Mommy. May gamit siya sa bahay kasi madalas siyang nagssleep over samin pag summer.

"Oo. Di ko nga alam na bahay mo na din pala yun eh. Akalain mo yun kalahati ng kwarto ko mga gamit mo."

Tama yung nabasa niyo. Dahil magbestfriends nga kami para kaming magkapatid. Halos hati kami sa kwarto.

"Alam mo yan bes. Twinnie kaya kita. Love you okay. Alam ko naman na mahal na mahal mo din ako."

Pagtripan ko nga to.

"Mahal mo ko Anne? Totoo? Tingin ka sa door oh. Andun si Henry! Dun ka na dali."

Agad naman na tumingin si Anne dun sa entrance.

"Hoy Anne! Wala pa siya! Joke lang kasi. Ikaw talaga. Baka pagpalit mo na ko kay Henry ha."

"Ha? Pinagsasabi mo diyan Chel? Di kita pagpapalit okay? Ikaw na nga lang nagtiyatiyaga na samahan ako tas iiwan pa kita? No way."

Sasagot sana ako kaso may kumalabit sakin.

"Miss!"

Ayy yung official photographer lang pala.

"Yes po?"

"Picturan po kita. Solo muna then siya naman. Tapos kayong dalawa magkasama."

"Ahh. Sige po."

At ayun na nga ang nangyari. Picture taking dito. Picture taking doon hanggang sa magsalita na yung MC.

"Good evening Juniors, Seniors, Admins, Guests and Teachers. Today will be a memorable day to all of us. We will see the transformations of the Grade 9 and Grade 10 students from being children and to fine ladies and gentleman. We've moved from the four corners of our classrooms to the four corners of this elegant hall. But before we proceed to the cotillion, ramp modelling and others, let's enjoy first the foods served tonight. Let's all rise to pray and bless the food."

Nagsimula na nga yung program. I'm enjoying the food so far. Kahit yung desserts masasarap. Hay this is life. Pero dahan dahan lang ako sa pagkain kasi baka madumihan yung gown ko. White pa naman to. (GOWN ON THE MM/ ABOVE)

My Unexpected Love Donde viven las historias. Descúbrelo ahora