Jaden Chua

116 3 0
                                    

JADEN CHUA

"Pre, anong balak mo sa prom? Sino iisayaw mo?" Napakakulit netong lalaking kasama ko walang iba kundi si Chris. Ewan ko ba dito. Wala naman akong balak na magsayaw ng babae.

Anong gagawin ko sa babae? Magbabasketball nalang ako. Tsaka magdodota. Maglalaro ng LOL. Maglalaro ng online games. At aabsent lang ako tuwing may practice.

Binatukan ko nalang siya kasi sobrang kulit.

"Ano ba Chris? Tigilan mo ko. Ikaw nalang magsayaw ng mga babae. Kahit seniors pa isayaw mo wala akong pakialam. Mahilig ka talaga sa chicks no?"

Sa totoo lang hindi to mahilig sa babae. Meron kasi siyang girlfriend. Hindi nga mapaghiwalay yung dalawang yun eh. Akalain mo nga naman. May tumatagal pa pala na relasyon.

"Walangya ka Den! Di ako mahilig sa babae. Loyal ata ako no. Kahit nasa ibang school yun mahal ko yun. Di ko magagawang ipagpalit yun. Loko ka." Nako yare na. Kulo na dugo nito. Minsan talaga masarap pagtripan to e.

"Biro lang pre. Madrama ka talaga at umiinit ulo kapag pumasok siya sa isip mo no? Buti pa ko walang lovelife. Chill lang ganon. Laro laro." Inakbayan ko siya habang naglalakad.

"Sana makahanap ka na ng para sayo Jaden. Kawawa ka naman e. Pa-cool ka kasi. Wala tuloy nagkakagusto sayo. Oh dito na pala tayo maghihiwalay. Kita nalang tayo sa school bukas. Wag ka aabsent sasapakin kita"

Tumango nalang ako sa kanya at humiwalay. Ano kaya gagawin ko pagka uwi ko? Kakain? Maglalaro? Matutulog?

Teka nga papakilala muna ako. Boring kaya maglakad mag isa.

Ako nga pala si Jaden Chua. Tatanong pa kayo kung Chinese ako? Halata naman diba? Pero di ko alam nasan tatay ko. May tatlo akong kapatid. Ako yung bunso at yung isa ko na kuya naman ay dito din sa Eastwood Crest University nag aaral. Senior na siya. Nasa grade 10.

Hilig ko maglaro ng basketball. Di bale nang di matalino atleast magaling magbasketball. O diba taas?

Hanggang diyan nalang muna. Nandito na ko sa bahay.

Agad akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis pagkatapos naman ay tiningnan ko facebook ko. Wala naman akong kausap dito. Tumitingin at nanonood lang ako ng videos ng mga naglalaro ng basketball o basta kahit anong connected sa basketball. Nakakaramdam na din ako ng konting antok kaya di na ko magtataka kung makatulog ako bigla.

Kinabukasan

*kring kring kring*

Kanina pa tunog nang tunog alarm clock ko. Panglimang beses na to. Anong oras na ba?

[7:45 AM]

Ayy putspa 7:45 palang pala. Matutulog nga ulit ako.

ANO? 7:45? LATE NA NAMAN AKO. Pero okay lang sanay na ko. Minsan nga 8:30 na ko pumapasok kahit 7:30 ang klase. Bad boy na kung bad boy. Di naman kasi ako yung good student type.

Bumangon na ko at nag ayos na para pumasok. Kumuha lang din ako ng isang tinapay para sa almusal ko. Maglalakad nalang ako pagpunta sa school. Malapit lang naman. Sayang pa pamasahe ko. Panglalaro o ipangkakain ko nalang yun kasama si Chris.

Pagkadating ko sa school ay nakita ko na nakapila na ang juniors at seniors para sa practice. Ayos lang pala kahit may practice. Atleast walang klase.

Pumunta muna ako sa room para ilagay ang bag ko.

Pagkalagay ko ng bag ko, pumunta na rin ako sa gym. Sakto lang pala. Magsisimula palang kaming juniors.

-------------------------------------------------------

Ayan na si Jaden! Nakilala na natin siya! Ano? Bad boy no? Hilig umabsent, hilig maglaro, hilig sa basketball, online games, lahat na kinaadikan (maliban daw sa babae)

Short update. Short chapter. Short something about Jaden.

TWO BOYS ABOVE are Jaden and Chris by the way.

-Awtor-idad

My Unexpected Love Where stories live. Discover now