I Hate Bad Boys

58 4 4
                                    

RACHEL TORRES

Tapos na exams namin ngayong araw. Nagpapahinga lang ako dito sa upuan ko. Pero di pa rin mawala sa isip ko na may gusto si Anne kay Henry.

"Rachel. Listen to me first please." Oh, andito na pala si Anne sa tabi ko. Di naman ako galit sa kanya. Natatakot lang ako na baka masaktan siya.

"Go ahead." Syempre alangan naman na maging selfish ako at di ko siya pansinin sa ganun kababaw na rason. Duh?

"He's nice. He's not bad. I think. Yes lahat ng varsity player dito sa school natin is playboy. I know that very well. But someone from their class said to me na hindi siya ganung tao. He has reasons. He wants to meet his Ms. Right kaya he tries to flirt or he tries to court every girl na nagugustuhan niya."

HA? ANO DAW?

"So? What do you mean?" Di ko kasi talaga gets e. Pwede paki-iklian nalang sumasakit ulo ko huhu.

"Hindi ko rin alam bes. Nafe-feel ko lang na hindi niya kayang manakit ng babae."

Ayy taray ng pakiramdam ng kaibigan ko o. Kabog tayong lahat. Lakas e.

"Edi feeler ka pala Anne?" I cracked a joke. Makikita mo na kasi yung lungkot niya.

"Yeah. Ganun na nga." Hindi niya nagets joke ko?

"Anne? Nagiging seryoso ka diyan ah. Seriously?" Sa lahat kasi ng sinasabihan ko ng joke siya palagi yung unang natatawa. Wow just wow.

"Di kita magets Rachel. Wag na nga natin pag usapan yun. Mag ayos na tayo ng gamit. Ilang minutes nalang din naman uwian na." Tumayo na si Anne tsaka nag ayos ng gamit.

"Don't worry Anne. I'll support you pa rin. Basta kapag sinaktan ka niyan susugurin ko talaga siya." Tinaas ko pa kamao ko para with feelings at nakita ko naman na napangiti si Anne.

"Wala namang kami kaya wag ka mag aalala Chel. At isa pa. Babae nga di mo maaway. Lalaki pa kaya? Hinhin mo nga e. Yung sigaw mo ako lang makakarinig. Natatawa ako sayo. Mahal mo talaga ko no?"

"Whatever you say. Mag aayos na nga din ako." Ngumiti ako sa kanya tapos ngumiti din siya. Hay di ko alam gagawin ko pag nasaktan tong babae na to.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dumaan muna kami ni Anne sa playground malapit sa subdivision ng bahay namin para maglabas ng stress dahil sa exams. Nakasagot naman ako ng maayos. And I have good news. Nacheckan na ni Sir Troy yung Math exam namin. I got a peferct score and Anne got 57 over 60. VOILA! Ginamit namin super duper mega ultra amazeballs wonderful powers para dun! Binuhos namin lahat. Piniga namin utak namin!

Binaba namin ni Anne yung bag namin sa grass tsaka umupo sa swing.

"Anne, malapit na pala prom. di ko namamalayan."

"True. Ano design ng gown mo?" Simple lang gown ko. Kulay white siya. Ang elegant kasi tingnan for me kapag kulay white plus it's neat.

"That's a secret. Isurprise nalang natin isa't isa sa prom. San ka nga pala magpapamake up?" Di ko pa kasi alam kung san ako kaya tinanong ko siya.

"Hala. Rachel. Oo nga no? Try ko kaya sa dati ko? Pero ang mahal e. Ayoko na ng mahal. Tipid tipid ako ngayon." Namromroblema din pala siya.

"Same same. Hindi ko rin alam yung-"

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi may narinig kami na bata sumisigaw sa di kalayuan.

"Kuya! Akin na po!"

Nagulat ako sa nakita ko. Si Jaden kasama yung ibang varsity players na inagawan yung bata ng bola at pinag papasa-pasahan pa. Grabe naman sila. Buti nalang wala si Henry dun. Natatakot ako sa magiging reaction ni Anne.

"Rachel, puntahan kaya natin?"

Tumango ako kay Anne tsaka nagsabi ng okay. Pero kinabahan ako kasi mga lalaki yun. Para sa bata. Kaya ko to. Eto na sisigaw na ko....

"Hey little child! Come here!"

Napatigil yung mga lalaki dun tsaka pumunta yung bata sakin. Nagkatinginan kami ni Anne. Lumuhod din kami para medyo maging kaheight namin yung bata.

"Ako si Ate Rachel. Bibilhan nalang kita ng bagong ball okay?" Palagi akong nagdadala ng extra money kaya okay lang sakin. May nakita kasi ako na store kanina nung papunta kami dito.

"Ako naman si Ate Anne. After natin bumili ng toy. Kain tayo ng fishball. Kumakain ka ba nun?"

Tumigil na yung bata sa pag iyak tapos nag-nod siya samin. Tumayo na ko pero bago ako umalis, tiningnan ko ng masama yung mga lalaki. Nakakainis kasi. I hate bad boys.

--------------------------------------------------
A/N

Nakakainis yung mga varsity players no? Lalo tuloy sumama image nila kay Rachel.

Hope you're enjoying my story! Let's be friends sa mga readers diyan! :) Just message me.

I'll be happy and thankful kung babasahin niyo to ng tuloy tuloy. It's okay kung walang votes and comments basta gusto ko nag eenjoy kayo. Just tell me if it's lame. I'll try my best. I take negative comments positively naman so don't worry. Love you all ❤

-Awtor-idad

My Unexpected Love On viuen les histories. Descobreix ara