Substitute Partner

94 4 0
  • Αφιερωμένο στον/ην Janniah
                                    


RACHEL

It's Tuesday today at meron kaming practice. Kasama ko ulit ang maganda ko na bestfriend ngayon.

"Let's go Chel. Ayoko ma-late." Hilig talaga neto na kaladkarin ako. The fact na naka high heels kami dahil sa practice.

"Edi mauna ka. Wag mo ko kaladkarin. Di ako aso," Bumitaw ako sa kanya tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

"Ay sorry na. Di ko naman sinasadya. Let's take it slow na nga. Maaga pa naman. Sorry na Chel." Hindi ko siya sinagot. Nagpapatuloy lang ako sa paglalakad.

"RACHEL TORRES!" Halu ano ba itong si Anne. Isigaw ba naman pangalan ko. Nakakahiya nasa corridor palang kami. Dami kaya students.

"Huy. Nakakahiya ka Anne. Wag mo nga isigaw pangalan ko." Hinawakan ko siya para tumahimik. Tumigil din kami sa paglalakad. Pinagtritripan ko lang naman siya. Nakakatawa kasi siya kapag nagsosorry.

"Di mo ko kasi ako pinapansin e. Sorry na nga. Gusto ko lang naman na makarating tayo agad sa gym kasi nae-excite ako." Yumuko siya tapos nakita ko na nag-pout.

"I'm just kidding Anne. I'm not mad okay? Sorry. Punta na nga tayo sa gym." Natawa nalang kaming dalawa bigla. Sige na. I-judge niyo na kami pero baliw talaga kami pag magkasama. Magpapatuloy na sana kami sa paglalakad kaso biglang may pumalakpak sa likod namin.

"Clap clap clap my students! Galing niyo din pala mag acting. Want to join the Theater Club?" Napalingon kami at ayun na nga, ang adviser lang pala namin. Pero ano? Acting daw? Huh? Di kami nag aacting. Ano ba to. Napa-face palm nalang kaming dalawa ni Anne.

"Hilig niyo na din pala mag-acting ha? By the way, highway, expressway, one way-"

"Tama na Sir. Baka po mabanggit niyo na lahat ng words na may way niyan." Napangiti naman si Anne sa sinabi ko. Susme naman kasi. Minsan corny mag-joke si Sir Troy e minsan naman havey din.

"Oh well, eto na nga sasabihin ko. You both know naman na may practice ngayon. Ang problema is kulang yung grade 9 ng dalawang babae. Can I ask you a favor? Pwede ba na mag substitute kayo dun sa dalawang absent?"

ANO? Substitute? AYOKO! For the information op all op the people in the whole wideworld, naka high heels po kami everytime na nagprapractice kami para daw masanay mga paa namin. Pero torture yun sa paa namin kasi pag break namin nagprapractice yung juniors. Ibig sabihin ba nito wala kaming break ni Anne? Hindi maaari!

Nagkatinginan kami ni Anne pero parang sa kanya okay lang. No way ako diyan! Naranasan ko na magsubstitute last year. Ayoko na maulit. Mapapagod ang precious feet ko. No! Kaya eto na sasalungat na ko kaso-

"Sure Sir. Substitute lang pala. Kayang kaya namin yan ni Chel. Diba Rachel?" Kumindat siya bigla sakin pagkatapos magsalita.

"Ah eh-" Nakakahiya tumanggi pero ayoko talaga.

"Ih Oh Uh ba yung balak mo sabihin Chel?" Ayy eto na nga sinasabi ko sa inyo na mga joke ni Sir Troy e. Di ko kinakaya minsan. I mean madalas pala. At etong bestfriend ko naman natatawa tawa nalang sa gilid.

"Uhmm hindi po Sir. Gusto ko po sabihin na... Maawa kayo sa precious feet namin ni Anne. Di ko po kakayanin yun Sir tsaka di ko po kaclose mga juniors. Don't want to." Pinag cross ko yung arms ko. Malay niyo naman umepekto kay Sir.

"Hala. Chel sige na. Mahirap kasi maghanap ng substitute. Kayo kasi ni Anne yung madaling makakuha ng steps sa sayaw. Kaya kayo pinili ko." Napatungo bigla si Sir Troy.

Hay nako naman. Wala akong magawa.

"Sige na nga po Sir Troy. Basta may break kami Sir ah?" Eto na pumayag na ko kaya biglang nag-apir si Sir Troy at Anne.

"Oo naman. Di naman ako masamang teacher para di kayo bigyan ng break. Mauna na kayo sa gym guys. Kukunin ko pa yung laptop. Buti nalang narinig ko boses niyo. Nag aacting lang pala kayo. Galing ba ng timing ko? Sige na. Byers!" At tuluyan na nga naglaho si Sir Troy... Joke lang. Tuluyan na siya naglakad para kunin laptop niya.

"Tara na Chel" Tumango nalang ako kay Anne at sabay na ulit kaming naglakad papunta sa gym.


JADEN CHUA

Late nga ako ngayong araw (as always). Nakapila na nga ang seniors and juniors pero napansin ko na wala yung partner ko. Absent? Di naman mahilig umabsent partner ko ah? Badtrip naman. Pano ako? Magsasayaw ako ng cotillion mag isa? Mukhang tang* ganon ba?

Dapat magawan ng paraan yan. Kumukulo talaga dugo ko. Aga aga e. Lapitan ko na nga lang si Chris para daldalin. Tutal magkasunod lang din naman kami sa pila.

"Oy Chris!" Hinigit ko siya para ramdam na ramdam niya.

"O andito ka pala. Akala ko aabsent ka e. Buti nalang pumasok ka. Yun nga lang late ka. Di na ko magtataka kung masuspend ka. Loko ka kasi e." Binatukan ba naman ako ng mokong.

"Atleast pumasok. Bakit mo ba ko sinesermonan? Tatay ba kita? Pagkakaalam ko kasi di ko kilala tatay ko e. Ikaw ba tatay ko?" Kung pagsabihan kasi ako kala mo kamag-anak di naman.

"Ewan ko sayo Jaden Chua. Konti nalang magsisimula na. Umayos ka na."

Oo nakaayos na nga ako, wala naman akong partner. Edi wala din. Magpalusot kaya ako na masakit ulo ko? O kaya masama pakiramdam ko? Ano ba naman klaseng babae yung partner ko. Aabsent absent pa kasi e. (A/N: Makapagsalita. Siya din naman mahilig umabsent)

Bahala na nga.


RACHEL TORRES

"Rachel and Anne! Come here." Tinawag na kami ni Sir Troy. Eto na nga simula na ng practice pero juniors daw muna.

"Anne partneran mo yung pangatlong boy. Si Romero. Kilala mo naman siya diba? Then ikaw Rachel...." Di ata maalala ni Sir kung sino yung isang absent.

"Grade 9! Sino yung isa pa na walang partner sa inyo?" Sumigaw si Sir Troy para malaman kung sino. Nakita ko naman na tumaas ng kamay si Chris Ocampo. Lumingon na ko ulit kasi alam ko naman na kung sino kapartner ko.

"O Rachel. Partner mo si Jaden Chua." Ha? Sino daw? Akala ko si Chris Ocampo partner ko.

"Ayy akala ko Sir si Chris po?"

"Tumaas lang siya ng kamay para ituro si Jaden." Ahh kaya naman pala. Hayaan na nga. Di ko din naman kaclose yung dalawa. Never ko pa nakakausap yun kaya hahayaan ko nalang. Awkward siguro pero saglit lang naman itong practice.

"Sige na Anne at Chel. Punta na kayo dun sa partner niyo. Start na tayo."

Eto na. Bahala na nga.


---------------------------------------------------------

Not so long update for today! Lame ba guys? Sorry. First time ko talaga eh. Pero I'll do my best! Thank you.

-Awtor-idad


My Unexpected Love Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα