Prom Preparation

52 4 0
                                    

JADEN CHUA

(FRIDAY)

Nandito ako sa bahay ngayon at naglalaro ng nba sa playstation. Ang boring kasi. Walang magawa. Tawagan ko kaya si Chris? Ha? Baduy naman nun. Wag na nga. Ayoko maghabol.

Teka nga. Kanina pala nakonsensya ako at hanggang ngayon nilalamon pa din ako ng konsensya ko. Bakit? Kasi yung bata kanina inagawan namin ng bola.

Mababaliw na ata ako dahil sa konsensya ko. Tawagan ko na nga lang si Chris.

After ng ilang ring, sumagot din naman siya.

"Yow Chua chihuahua, napatawag ka ata?"

Walangya to. Ano daw? Chihuahua? Sa gwapo kong to?

"Hoy loko ka. Ikaw Ocampo ha! Tigil tigilan mo ko. Baka gusto mong pumunta sayo ang kampo ng kadiliman?"

"Ayy joke lang pre. Ikaw naman di ka mabiro. May nakalimutan pala akong itanong sayo kanina."

Aba magaling din itong kupal na to no? Ano to? Quiz bee? Q and A portion? Sana di ko nalang siya tinawagan kung tatanungin niya lang pala ako ng kung ano ano.

"Hoy Ocampo. Alam mo naman na di ako matalino tapos sakin ka pa magtatanong."

"Shunga ka ba? Di mo naman kailangan ng brain sa tanong ko eh. Makinig ka nalang ng mabuti. May kapatid ka ba na babae?"

Putspa. Kala ko naman kung ano na. Pero ano daw? Kapatid na babae? Tagal ko na tong kaibigan at alam niya na wala akong kapatid na babae. Nagjojoke time ba siya o ano?

"Pwede ba Chris. Wag ngayon. Wala akong panahon para makipagbiruan sayo ngayon. Baka gusto mo na gawin kitang babae diyan? Tapos pag babae ka na, gagawin kitang kapatid para tapos usupan."

"Ganun ba? Sensya naman. Nakalimuts kasi ako pre. Hehe. So, bakit ka nga napatawag?"

Lalaki ako pero wala naman sigurong masama kung makonsensya ako hay. Sige na nga. Eto na.

"Pre nakokonsensya ako sa ginawa natin kanina."

"Woah there Jaden. May konsensya ka pala? Wow. Amazing."

Anong amazing dun? Tao din naman ako.

"Anong akala mo sakin? Hindi tao? Walang konsensya? Konti nalang talaga Ocampo. Konti nalang."

"Okay. Sorry. Pero Jaden, himala yan sayo ha? Nakain ka ng sistema ng konsensya for the first time."

"Oo pre. Buti nalang nandun sila Rachel no? Atleast nalayo yung bata satin. Kawawa pala. Ngayon ko lang narealize."

"Ha? Ano ulit? Sino ulit? Rachel? As in Rachel na nandun kanina? Rachel Torres?"

May sinabi ba ko na Rachel? Wtf. Baka kung ano ano na sinasabi ni Chris ha. Kinikilabutan ako sa kanya.

"Wala naman akong nabanggit na Rachel Torres ah? Kilabutan ka nga Ocampo."

"Hay nako Jaden Chua. Ewan ko sayo. Bigyan kita ng sampung piso bukas. Hanap ka kausap mo. Tatawagan ko pa girlfriend ko. Itulog mo nalang yung konsensya mo. Congrats pre. Finally!"

At binabaan na ko ng magaling na si Chris Ocampo. Itutulog ko na nga lang to. Wala naman kaming pasok bukas kahit Friday palang. Binigyan kami ng Friday and Saturday para magprepare for prom. Malapit na pala mag Sunday. And take note, Sunday is Feb. 14, 2016. Prom Day! Buti nalang nakabili na ko ng chocolates. Maglalaro lang ako at magpapahinga buong Friday at Saturday.


RACHEL TORRES

"Rachel! Get ready anak. We'll go to T-mall to get your gown."

My Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon