Need Help?

70 4 0
                                    

RACHEL TORRES

Last week na lang pala ng practice namin. Hindi ko na napapansin kasi sobrang busy. Syempre yung studies kailangan pa rin bigyan ng pansin. Nagrereview din pala ako kasi exams namin ngayon. Hirap naman. May subject pa na kailangan self-study kasi hindi na naturo. Kakalabas lang pala namin ng library ngayon ni Anne. Nagreview lang kami habang hindi pa nagsstart yung exams. Kapag may exams kasi binibigyan kami ng one hour na free time before magstart. So basically, lahat ng students nagrereview lang. Meron nga akong 6 books na dala. Grabe no? Hirap maging isang student. 

May 15 minutes pa na natitira pero nagdecide na kami na bumalik sa room.

"Rachel. I have something to tell you." Ano daw? May sasabihin siya sakin? Aba baka kung ano na to ah. Hindi pa ko pwedeng atakihin sa puso. May exams pa ko. Hindi, joke lang. OA ko ba? Minsan lang kasi magsabi ng ganyan si Anne sakin. May dalawang rason lang yan e. Isa may problema or yung isa may magandang nangyari.

"What? Tell me now. Dali. Nakaka-excite yan ha." 

"Kilala mo naman si Henry diba? Yung kasali sa varsity?" Oh that guy. I know him. Famous yun dito sa school. Magaling kasi magbasketball. 

"Ano meron sa kanya?" Syempre curious ako e. Bestfriend ko nagkwekwento. 

"Ang pogi niya kasi e." WHAT?! May gusto siya sa isang baskteball player? Hindi niya sinabi na may gusto siya dun pero yun na rin yun. Mahiyain kasi siya kapag ganun yung topic kaya ang nasasabi niya lang is ganyan. Di ko namalayan na nahulog na pala yung libro na dala ko dahil sa sobrang gulat. Hindi kasi yun yung tipo ng lalaki na bagay sa kanya. Matalino siya. Maganda. Mabait. Mahinhin. Tapos sa isang basketball player siya magkakagusto? WHAT EVEN.


JADEN CHUA

Naglalakad lang kami ni Chris sa corridor ng school. Magc-cr lang kami. Alam niyo na kailangan namin yun. Syempre salamin. Tingnan kung maayos buhok. Magpapapogi kahit di ko naman na kailangan kasi pogi na ko.

Pero nakita ko sa na naman si Torres kasama yung bestfriend niya.Pareho silang matalino pero hindi ko magets bakit sila naging magkaibigan. Maganda kasi si Anne kumpara sa kanya. Wala naman akong pakialam sa kanila. Gusto ko lang na i-compare silang dalawa. Teka. Daming niyang dalang libro ah? Pero dahil sa katangahan niya, ayun nabitawan niya, Ayy tanga.

"Pre basketball tayo mamaya bago umuwi. Tapos kain tayo. Magdidiwang tayo kasi tapos na exams." Niyaya ako ni Chris pero tumakbo na ko papunta kila Torres. Ewan ko ba. Bakit ako dinala ng mga paa ko dito. 

"Hoy! Chua! Gagawin kitang chihuahua diyan e! Walangya ka! Wag mo ko takbuhan!" Sinigawan ako ni Chris pero bahala na. Mamaya nalang siya. 

Tumayo muna ako ng mga isang metrong layo kila Rachel at Anne. May narinig kasi ako na di kaaya-aya sa pandinig ko.

"Anne. Bakit siya? Alam mo naman na playboy lahat ng basketball player dito sa school. Papaikutin ka lang niyan gaya ng pagpapaikot niya sa bola. Yun naman hilig nila e. Seryoso ka ba diyan? Pero andito lang ako susuportahan ka. Crush lang naman yan diba?" Oo. Tama kayo. Yan ang sinabi ni Rachel Torres.

ANONG SINASABI NIYA? Playboy? Mga basketball player? Loko tong babae na to ah. Wala nga akong hilig sa babae tapos nilahat niya lahat ng naglalaro ng basketball? Baliw pala to e. Sayang talino niya kung ganito ugali niya. Hay nako. Bahala na nga. Lalapitan ko nalang siya.

"Hi. Need help?" Nginitian ko siya ng todong todo para makita niya kapogian ko. Oo, tama ulit kayo. Tutulungan ko siya na kunin mga libro niya.

"Ah eh..." Yan na naman. Putol putol na naman magsalita itong si Gomex.

"Ano bes? Ih oh uh ba kasunod?" Corny din pala bestfriend niya? Pero tumawa nalang ako. Nagsimula na rin akong kunin yung mga libro niya.

"Hindi na kailangan. Ako na. Salamat nalang." Pinipigilan niya pa ko pero buhat buhat ko na. 

"No, it's okay. Don't worry. And you're too late. Dala dala ko na oh? Hatid ko na kayo sa classrom niyo." Gentleman ko ba? Well, ganun talaga. Pero bakit ko to ginagawa? Ewan ko. Bahala na ulit.

Naglakad lang kami ng tahimik. Hindi na kumontra yung magbestfriend. Buti naman. Ayoko ng maingay. Nakasalubong din pala namin si Chris. Na-guilty tuloy ako na iniwan ko siya. Yuck. Eww ano bang sinasabi ko. Pareho kaming lalaki. Corny ko naman. 

Nakarating na pala kami ng room nila ng di ko namamalayan.

"Salamat." What is that? Yun lang isasagot niya? Rachel Torres ganto ba talaga ugali mo? I'm disappointed. Well, di naman mataas expectations ko sa kanya. Kung maganda sana siya pwede pa.

Ano pa gagawin ko dito? Nakatunganga? Syempre hindi. Bumalik na ko ng room dahil ilang minutes nalang simula na ng exams. Sana pala umabsent nalang ako.


CHRIS OCAMPO

Hello there people! Akala ko forever na kong hindi bibigyan ni otor ng chance na sabihin POV ko e. Thank you otor! Walang labyu kasi magseselos girlfriend ko. 

Okay, ako nga pala ang pinaka loyal na lalaki sa mundo at pinakapoging kaibigan ni Jaden Chua na gusto kong gawin na chihuahua dahil iniwan ako kanina. Langya yun. Tatalunin ko siya sa basketball mamaya. Kaklase ko siya at syempre bestfriend. Sa lahat ng basketball players na kasali sa varsity at sa mga kaibigan ko, siya lang ang walang babae sa  buhay niya. Isa lang daw kasi ang love niya na babae. Yun ay ang nanay niya. Akalain mo nga naman yun.

Pero eto ha. May ikwekwento ako sa inyo. Nakaka-intriga e. Oh teka, hindi ako bakla ha. Di rin ako tsimoso. Baka kung ano isipin niyo diyan. Lalaking-lalaki to with muscles and abs pa. Bespren ko yun kaya naintriga ako.

Kanina tinakbuhan niya ko para lapitan sila Rachel. Putspa. Never niya na ginawa yun kahit napakasexy ng mga babaeng dumadaan samin at nagche-cheer samin pag naglalaro ng basketball. 

Isa pa. Pinagbuhat niya ng libro at hinatid pa sa room. Aba. Mga kaklase nga namin na babae hindi niya tinutulungan e. Kahit ako. Pag humingi ako ng tulong dun sasabihin niya lang "Ano ka bakla? Kaya mo na yan." 

Luluhod ka pa ata dun para tulungan ka. Pero ngayon tinulungan niya si Rachel? Hindi kaya magkapatid yung dalawa na yun tapos nililihim lang nila sa lahat? Ang pagkakaalam ko lalaki lahat ng kapatid niya. 

Baka step-sister niya? Pwede diba? Posible diba? Walang imposible. Grabe itong bespren ko. Ilang taon kaming magkaibigan pero di niya sinasabi sakin.

----------------------------------------------------------------------

Hello guys! Hindi ako nakapag update kahapon. I'm so sorry. Binawi ko nalang ngayon. Pero di Chris talaga e hay. Bad din talaga si Jaden. At ano? May nagugustuhan si Anne? Grabe na dis. 

-Awtor-idad

My Unexpected Love Where stories live. Discover now