GMP-Chapter 10(The Hunted Room)

525 77 24
                                    

Violet's POV

Inalis ko agad ang pintuan nang gumalaw ito at tumambad sakin ang tatlong mga bata na nakahiga. Siguro mga nasa around 8-10 years old sila.

Agad nagsipuntahan ang mga kasama ko sa mga bata habang itinabi naman ni Finn ang nasariang pintuan. Napatitig ako sandali sa mga batang umiiyak na kasalukuyang pinapatahan nina Summer at Sophia. Sinong matinong mga bata ang maglalaro sa isang bakanteng kwarto na nakapadlock pa? Saan kaya lumusot ang mga bata na'to? Tsk.

"Sshh. Tahan na. Wag ka ng umiyak. Okay na baby.." Summer

"Uwwaahh!"

Napailing na lang ako. I really hate kids. Mga pasaway at napakakulit pa. Sinabi na ngang tumigil na sa pag-iyak pero mas lalo pang umiyak. Ugh.

"Hey, don't cry kid. May masakit ba sayo? Huh? Saan ang yayay?" Sabi naman ni Sophia at hinahanap ang sugat nung batang mataba.

Yayay? Napakapanget pakinggan.

"D-Dito p-po oh..Y-yayay." At tinuro nga ng bata ang tuhod niya. Tsk. Parang nagasgasan lang eh. Akala mo mamamatay na. Anlayo naman sa bituka niyan. When I was on their ages, nasugatan na ako ng kutsilyo because of my training. I never had the chance to play games with other kids. The game they taught me was different from the normal game.

It is a kind of game that involves someone's life.

Nang hinuyupan ni Sophia ang sugat niya ay umiyak ito lalo. Damn. I also hate the way kid's cry. Nakakarindi kasi at masakit sa tenga.

"Oh? Ikaw? May sugat ka ba? May masakit ba sayo? ano? Napilayan ka ba?" Sunod sunod na tanong naman ni Summer sa isa pang bata. Mabuti pa ang isang ito dahil tahimik lang na naka-upo pero tinitingnan niya ako na parang.... natatakot?

Luh. Bakit siya natatakot? Wala nga akong ginagawa sa kanya eh. Pinalakihan ko siya ng mata dahil sa mga tingin na binibigay niya sakin kaya ayun, sumunod siya sa yapak ng batang mataba.

"Ansama mo besh! Tinatakot mo yung bata eh!" Summer.

"I don't care."

Inakbayan ako ni Adik pero agad ko ding inalis ang kamay niya ng marahas at tiningnan siya ng masama.

"Haha. Napaka-amazona mo talaga b- este Violet pala."Adik

Dinedma ko na lang siya. Pasimple kasi siyang gumalaw eh. Akala niya naman maiisahan niya ako. Tsk.

"Sinira mo nanaman yung pintuan Violet. Lagot tayo kay Mr. Paulo."Finn

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Finn at tinitingnan lang ng masama ang mga bata na hindi ata napapagod umiyak.

"Uwahh! Monster!"

Sabi nung mataba at tinuro pa ako. Tsk. Ako? Halimaw? Ehh kung litsunin kaya kitang mataba ka tingnan natin kung matatawag mo pa akong monster.

"Shut up pig."Ako

"Uwaahh!"Taba

"Hey! Stop crying like a pig!" Hindi ko na napigilang sigawan siya dahil napupuno na talaga ako.

"Then stop acting like a monster!"

"Gusto mo bang gawin kitang hapunan ko? I'm craving for meat pig today."Ako

"Uwahh!! I hate you!"Taba

"Same here pig."

Yumakap pa siya kay Summer kaya napasmirk ako. Ayan, tumago ka sa lungga mo.

Gangster Meets Playboy [[UNDER REVISION]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon