GMP-Chapter 14(Kulit)

498 83 20
                                    

(Finn at the multimedia)

Violet's POV

"I don't know what you food you like so I ordered all the dishes available here. " Napatingin na lang ako sa mga pagkaing nakahanda sa mesa. Sa sobrang dami pwede ko na ata mapakain ang buong barangay namin. Nagsasayang lang siya ng pera dahil napagdesisyunan kong hindi kumain dahil wala akong gana.

Napabored look na lang ako sa kanya but he still showed me his annoying smile.

I really salute him for the confidence he has. Hindi lahat ng babae ay mahuhulog sa pambobola niya and not all the girls would think na ang ginagawa niya ngayon sakin ay cool.

He's really hopeless.

Bilhin ba daw lahat ng pagkain? Tapos para sakin lang? He's really wasting his money, time, and effort for a girl like me. Randam ko din ang mga tingin sa amin ng mga estudyanteng kumakain rin sa cafeteria isali mo din ang mga crew.

Or should I say sa akin?

Pinagmamasdan nila ang bawat galaw ko at parang sinasabi ng kanilang mga mata na kapag gumawa ako ng maling hakbang, lagot ako sa kanila. Halatang halata namang may gusto ang mga babae na ito sa kanya.

I think they are jealous of me dahil nasa akin ang lahat ng atensyon ni Adik.

Sa inyo na. Saksak ko pa sa mga baga niyo. Tss.

Antahimik din ng buong cafeteria simula nang tumapak kami rito. It's like they are monitoring us secretly. "Kumain ka na Babe. You should not skip your meals no matter how busy you are. Here—" Hindi ko na siya pinatapos magsalita at malamig siyang tiningnan. I've told him thousands of time na wag akong tatawing babe but he just won't listen! Nakakairita.

"Enough. I'm not gonna be swayed by your fucking action so save it for the other girls. "

"I sincerely—"

"No you're not and you knew it yourself." Prangka kong sambit.

Napatahimik si Adik at parang nasaktan sa sinabi ko pero nanatili pa rin siyang nakangiti. Bakit ba parating siyang ngumingiti kahit na nasasaktan na siya? Bakit ba lagi siyang lumalapit sakin kahit na tinatarayan ko siya? What the the hell did he want from me?

Ano bang pwedeng gawin ko para tigilan na niya ako?

"Try me Violet. I'm serious about you." Napataas ang gilid ng labi ko. Oo naman, ramdam kong seryoso siya. He's serious about making me fall for him.

"Yeah. I can feel it." There, his sweet smile appeared again after what I've said. Inilapit niya sakin ang mga pagkaing binili niya.

"Kumain ka na. Take this as my apology for involving you that time." Is he ashamed of what he had done? Dapat lang.

"No thanks. I'm full."

"But you should—," napapikit ako ng mata at bumuga ng hangin. I don't like repeating my words damn it.

I stood up.

"I told you I'm full! I also told you I have money to buy my own food! Saan ba doon ang hindi mo naiintindihan?!" I shouted at the top of my lungs which made them to be shocked lalo na ang mga kaibigan ko. I rarely burst out and I always maintain to be calm whatever situation I am in pero napupuno na talaga ako sa lalaking ito.

Hindi siya nakapagsalita pa kaya naglakad na ako papalabas ng Cafeteria. While walking away, naririnig ko ko din ang mga bulungan ng mga babae and they are giving me death glares as well.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gangster Meets Playboy [[UNDER REVISION]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon