"Tulungan niyo si Dexter!" sigaw ko sa iba.

Tinulungan ni Ace si Dexter.

Naramdaman kong may pasugod sa likod ko kaya mabilis akong humarap dito.

Fucking shit! May baril siya.

Umilag ako ng pinaputukan niya ako kaya hindi ako tinamaan. Kung kailan ubos na ang bala ko saka kinailangan ang baril.

Wala akong nagawa kung 'di ang umilag at sigawan ang maaaring tamaan ng bala.

"Bella!" ani ng isang boses.

Tumingin ako kay Rex at hinagis niya ang isang baril papunta sa akin. Sasaluhin ko na sana kaya lang 'yong bwisit na lalaking matapang dahil sa baril ay pinaputok na naman ang baril niya sa direksyon ko kaya umilag ako.

Nalaglag sa sahig 'yong baril kaya naman gumawa ako ng paraan para makuha ito kaagad.

Ni-bend ko ang tuhod ko at diniretso ang isa kong paa para sipain ko ito papunta sa direksyon ko pero mabilis niya pinaputukan ang hita ko.

Ouch! Ang sakit!

Hindi ko nakuha ang baril at napadaing na lang sa sakit. Nakita kong palapit na si Kuya Zein para tulungan ako. Nakikita ko sa iba na gusto rin nila akong tulungan pero may kalaban din sila.

Binaril ni kuya ang nagtatapang-tapangan na kasamahan ni Emmiel.

Inalalayan ako ni kuya papunta sa isang sulok at binigyan ng isang baril. Pinabantayan niya rin ako kay Vom.

Nilalabanan ni Vom lahat ng lalapit sa amin at binabaril ko ang iba na sasaktan siya.

Marami na ang nagkalat na patay at dugo.

Pagkatapos nilang kalabanin ang mga ito ay may muling sumulpot.

"Hindi ba kayo mauubos?" mahina kong bulong kahit alam kong hindi ako maririnig ni Emmiel kasama ang sampu pa sa mga kasamahan niya.

"Akala niyo ba tapos na ang laban?" aniya.

"Tigilan mo na'to Emmiel. Ikaw lang ang magsisisi sa huli!" sigaw ni Dad.

"Wala akong pakialam! Ngayon na." utos niya sa mga ito at bigla sumugod ang sampu kasunod ng halos dalawampu pa sa likod nila!

Shit!

Nagsipaghandaan ang lahat. Panibagong kalaban, panibagong sakit.

May kaniya-kanyang labanan ang bawat isa. Tatlong tao ang lumapit sa gawi namin ni Vom. May dala rin silang baril.

Inabot ko kay Vom ang baril na hawak ko.

Tumango na lang siya at nakuha ang ibig kong ipahiwatig. Nahihirapan si Vom na talunin ang tatlo dahil pare-pareho silang may hawakna baril at pinipilit niya na hindi ako ang matamaan ng bala ng iba. Naiwas na lang ako sa tuwing may baril na nakatutok sa pwesto ko. Lahat naman ay nakatuon ang atensyon sa mga kalaban nila.

Wala akong maitulong. Sinubukan kong tumayo. Nakailang bagsak din ako bago makatayo ng tuluyan pero hirap sa paglalakad.

Pinagmasdan kong muli ang buong paligid.

Kalaban ni kuya si Emmiel. Magaling si Emmiel kaya kailangan kong tulungan si kuya. Palapit na ako kahit hirap na hirap sa paglalakad. Nakita kong mabilis na umalis si Emmiel sa harap ni kuya at pinalitan siya ng apat na tauhan.

Saan siya pupunta? 'Yong apat na ang kalaban ni kuya...

Sinundan ko ng tingin si Pa—Emmiel. Papunta siya sa direksyon ni Dad na may iba ring kalaban.

Holy Shit naglabas siya ng isang mahabang kutsilyo. Saan galing 'yon? Maaaring sa secret pocket na binigay niya katulad sa akin.

Masakit parin ang binti ko pero natakbo ako na hindi matatawag na takbo sa iba. Papilay pilay pa ako.

Mabilis na kumilos si Emmiel kaya binilisan ko na rin ang kilos ko.

Sorry. Bumagsak ang mga luha na dapat ay kanina pa lang ay tumulo na.

Hindi ko siya kayang saktan. 'Yon ang totoo. Kung ikaw, kaya mo bang saktan ang labing pitong taon mong kasama?

Pero...

Kung hindi ko siya papatayin si Dad ang mamatay.

Bago pa niya saksakin si Dad ay mabilis kong kinuha ang katana na itinago ko sa bulsa ko.

"Ito ang tama." I said sobbing.

He stop and hold his back were I stab him.

It's bleeding because of me.

"H-hija." nahihirapan niyang bigkas.

Bumagsak ang hawak niyang kutsilyo at kasabay ng pagluhod at pagbagsak niya.

Pinilit niyang abutin ang kamay ko kaya napaluhod ako.

"S-sorry, Pa-papa loves you. It's t-true." aniya at unti-unti ng pumikit ang mga mata.

Hindi ko mapigilan ang mga hikbi ko.

Sana ako nalang hindi sila. Marami ng nawala sa buhay ko. Dadagdagan niyo pa ba?

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon