Kabanata 17

4.5K 100 1
                                    

Kabanata 17
Suka

"Ano, takot ka na ba?" tanong ng matangkad sa akin.

"Sinong hindi matatakot sa mukha ninyo? Hindi pa araw ng mga patay ngayon," nakangisi kong sagot dito. Wala na rin naman akong magagawa kung hindi ang harapin sila.

"Ang kapal din ng mukha mo ano? Sa tingin mo ba hindi natatakot sa mukha mo si Rex?" the blonde hair girl asked.

"That's not true! Why would he be afraid when he just admitted he likes me?" pang-iinis ko pa. Namula sa galit ang mga mukha nila.

"You bitch! Ang kapal ng mukha mong mangarap. Nakita rin kitang nilalandi ang aming Rex kahapon! Wala ka ring karapatan na hawakan ang abs niya na para sa amin lang!" That's nonsense. What is she talking about? At bakit ko naman pag-iinteresan ang abs ni Rex? In his dreams.

"That's good for me. Edi ako ang first at kayo nalang ang second touch," panggagatong ko pa.

Tiningnan ko ang relo ko. Three minutes left and I'll be late.

"Binubwisit talaga tayo ng slut na iyan! Pahirapan siya!" utos ng matangkad sa mga alipors niya.

I am not afraid now. Kung kanina ay kabado, ngayong nakikita ko silang napipikon ay natutuwa pa yata ako.

Unang sumugod sa akin iyong matangkad na kung tawagin ay leader nila. Kakalmutin niya ang mukha ko kaya tinulak ko siya nang malakas.

Sumugod sa akin ang dalawa pa. They were about to pull my hair. Sa ilag ko ay sila ang nagkaumpugan. Weaklings.

"Ouch!" daing nila.

Sumugod pa sa akin iyong dalawa pa. This time the two succeeded. Sabu-sabunot na nila ang buhok ko. If they'll do it in their own way then I'll also do it in my way.

Sinikmuraan ko silang dalawa at agad silang napaluhod sa damuhan.

Sumugod pa ulit ang dalawang naunang sasabunot din sana sa akin,
para bawian ako sa ginawa ko sa kasamahan nila. 

Like what I've said they're weak. Sipa lang sa sikmura ay taob na.

Naiwan ang leader nila na galit na galit akong susuntukin pero pasugod palang ay natalapid na ito sa isang bato.

Binaba ko ang tingin sa kanila. How pathetic. Dahil kay Rex ay nagiging ganito sila. Muli kong binalingan ang relo at napasinghap nang mapagtantong late na late na talaga ako.

"Miss de Guzman, why are you late? " tanong ni Mrs. Block.

"May inayos lang po akong mga test paper. Pinaayos po kasi no'ng isang teacher. Kaya medyo natagalan lang po," isa na namang dagdag sa mga kasinungalingan ko.

"Okay... Sa susunod magsabi ka muna sa akin bago gumawa ng ibang bagay na hindi related sa subject ko, okay?" 

"Yes Ma'am." Mabuti at hindi nagalit. Karamihan pa naman ng guro rito ay nagsusungit.

Tumungo ako at umupo sa kalapit ni Denice.

"Hoy bessy... Nabalitaan ko na inutusan mo raw na maglinis ng bnayo sina Rex," aniya. Napairap ako, talagang ipinagkalat siguro ng mokong.

Sumilip ako sa likod at iyong apat lang ang nakita ko. Hindi pa ba 'yon magaling? Nang makita nilang nakatingin ako ay parang gusto nilang magtanong patungkol sa boss nila.

They still didn't know he's sick?

Binalik ko ang atensyon sa harapan. Nakinig nalang ako sa mahabang diskusyon ni Mrs. Block.

"Ma'am excuse po. Pumunta raw po kayo sa clinic dahil nagsusuka raw po ang pamangkin niyo, may sumikmura raw po." Isang babae ang sumulpot sa pintuan.

Mrs. Block's eyes widened.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon