Kabanata 51

3.7K 79 0
                                    

Kabanata 51 ~ Yuck

"Sige lumapit ka na." wika ko na alam kong maririnig niya dahil sa suot namin na something sa tainga.

Hindi ko alam tawag, e. Hiningi ko lang kasi 'to kay Dad no'ng nalaman ko kung paano gagamitin.

Nagkakausap kami dahil dito.

"Oo, lapitan mo na nga. Ayon oh... Naninigarilyo." sabi ko.

Nandoon na siya sa katapat ng gate na bukas at ayaw pang pumasok.

"Baka saktan ako nito." rinig kong Bulong niya.

"Hindi ka niyan sasaktan. Bilis susunod ako ng palihim." sabi ko.

Nakita kong umayos siya ng tayo bago pumasok. Nakasuot siya ng isang paseksing dress. Kita ang clevage ng kaunti at kita ang likod. Nakakatawa para sa iba kasi wala namang okasyon pero kailangan para maseduce at ma-fall 'yong si Hance.

Nakita kong nagulat si Hance ng makita siya.

"Galingan mo um-acting." sabi ko.

"Honey! Na-miss kita. Bakit hindi mo man lang ako dinalaw sa hospital?" ani Gabbie na nag-a-acting.

Galing ng marz ko.

"Oh, n-na miss din kita." anito at yumakap kay Gabbie.

Ano kayang naging reaksiyon niya?

Lumapit ako ng kaunti pa at siniguro na hindi ako makikita.

"Bakit hindi ka manlang nagpakita sa akin?" tanong ni Gabbie sa malambing na boses kasi kunwari nga ay wala siyang alam sakalokohan ni Hance at ang alam niya ay sila pa rin.

"Binisita naman kita. Pero tulog ka tuwing nabisita ako." ani Hance.

"Lier." sabi ko at nakita kong tumango si Gabbie bilang pagsang-ayon.

"Halika pasok tayo sa loob niyo. Gusto kong bisitahin sina Tita at tito." sabi niya at kita ang pagpa-panic ni Hance.

Buti nga.

Pumasok na sila sa loob dahil pinilit ni Gabbie si Hance.

"Gumawa ka ng bagay na makaka-fall sa kaniya at gawin mo ang mga kahinaan niya." ani ko.

Buti na lang at walang gwardiya o hardinero ditong nakakalat.

Pumasok ako sa loob ng bahay nila na super lawak pero tago pa rin ako ng tago sa iba't -ibang lugar.

Nakita kong pinaupo ni Hance si Gabbie sa bangkong nakapalibot sa isang pabilog na lamesa.

Sandali nga.

"Parang may hawig siya ni Harry. Lalo na sa side view." mahina kong bulalas.

"Yes." halos mapasigaw ako sa gulat dahil sa narinig.

Si Gabbie lang pala.

Umalis bigla si Hance dahil pupuntahan niya lang daw ang magulang niya.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon