Kabanata 46

3.9K 90 1
                                    

Kabanata 46 ~ R.A. or M.P.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na sina Gabbie at sina Rex sa amin. Nag-text na lang si Gabbie sa magulang niya na mapapagabi ang uwi niya.

"Kain lang kayo." sabi ko sa kanila.

Ang unti naman ng mga kinuha nila. Kung nandito si Denice malamang ubos na kaagad ang mga pagkain.

Marami-rami na ring tao dito sa garden dahil pati ang mga ka business man/women nila mama, kaibigan, iba pang kamag-anak ay nandito rin.

Pagkatapos ng kainan ay nagkaroon ng sayawan sa gitna na may disco ball sa taas. Ewan ko kung paano nila naisabit.

Pumunta si Gabbie sa gitna na hila-hila si Harry na nakabusangot ang mukha.

Naiwan kami ni Rex dito sa inuupuan namin.

"Kamusta?" tanong ko.

"Anong kamusta? Magkasama naman tayo kaya bakit ka pa nagtatanong?" ani Rex.

"Kamusta na kayo ni Nika?" pagkatanong ko no'n ay napatungo kaagad ako.

Wala naman siyang nakukwento sa kanilang dalawa. Ang alam ko sila parin.

"Wala na kami. Simula ng umamin ako, kinausap ko kaagad siya. Hindi ko pa siya nakikita." wika niya.

Napangiti ako bigla. Isa lang ang ibig sabihin no'n, na seryoso siya sa'kin.

"Tara sayaw tayo! Party! Party! " hinila ko siya sa gitna kasama ang mga kabarkada niya.

Sayaw lang ako ng sayaw habang siya ay parang tuod na hindi gumagalaw.

"Sumayaw ka kaya!" sigaw ko sa ingay ng tugtog.

"Are you trying to seduce me?" laglag panga ko sa sinabi niya.

"H-hindi, a!" pagtangi ko.

"The way you dance makes my coc—"

Naramdaman kong pumula ang mukha ko. Hindi ko na siya pinatapos.

"Whaa! Ang baluga mo!" sigaw ko at pinagpapalo siya.

He just chuckled.

Napakabaluga! Ayoko na nga sumayaw!

Padabog akong umupo sa upuan namin.

Lumapit naman siya sa akin.

"Sorry, I was just joking. But jokes are half meant." aniya.

"Che!"

Tinalikuran ko siya at hindi siya tumitigil hanggat hindi ko siya pinapansin.

"Good evening to all of you. We just want to say thank you for coming! I hope you enjoy the night." ani Kuya Zein na bumaba na rin kaagad.

Sumagot lang ang ibang tao na nag-enjoy daw sila.

Humarap na ako kay Rex dahil hindi na ako nainis sa kaniya.

"Ano titigil ka na?" tanong ko.

"Hindi ako titigil hanggat hindi kita napapasagot." nakangiti niyang sabi.

"I-I mean. Sa pagiging manyak mo?" nahihiya kong tanong. Nakakakilig kasi. Hoho.

"Yep, kausapin mo lang ako." aniya.

"Hi, you're Freyazia, right?" tanong ng isang gwapong lalaki na hindi ko kilala.

"Ah, yeah." sagot ko.

"I'm Mark Philip Shamberg. The son of the owner of Shamberg University." pagpapakilala niya at inabot ang kamay sa akin.

Uh sizzling hot pero kay Rex parin ako.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon