Kabanata 35

4.6K 106 1
                                    

Kabanata 35 ~ Demon

Magkakalapit kami rito sa simbahan. It's already 3:05 p.m. pero hindi parin nagsisimula.

Late 'ata 'yong pari.

Nagmasidmasid na lang ako kasi bawal daw ilabas ang cellphone sabi ng matino kong kuya.

"Mr. and Mrs. Caviezel!" ani nang isang babaeng hindi ko kilala na mga kasing age nina mama. Maputi siya, maganda, mukha pang mabait.

"Oh, nice to see you again Mrs. Fiona! Anyway, where's your husband and your sons?" nakangiting tanong ni Mama. Magkakilala sila?

"Padating na sila. Nauna lang ako kasi 'yong tatlo ay pumunta pa sa mall. May bibilin daw. Sabi ko sumunod na rito. Can we seat here?" tanong niya na tinuro ang bakante pang upuan.

"Of course my friend. Siya nga pala this is my daughter, Princess Freyazia."  mama.

"Oh my gosh. She is so gorgeous. I'm glad at nakita niyo na siya. But how?!" curious niyang tanong.

"It's because of my genius baby boy. Look we have the same color gray eyes." masayang ani Mama.

"Wow! It's cute. Sana naging ganiyan din ang naging kulay ng mata ng mga anak ko pero it's impossible because I have a brown eyes." natatawa niyang sabi at umupo na sa tabi ko. Ako kasi 'yong nasa dulo. Si Papa 'yong nasa kabilang side na may sandalan and then next si Mama, Kuya and ako tapos bakante na.

Maya-maya pa ay dumating na ang asawa ni Mrs. Fiona at 'yong isa niyang anak.

"Rey Andrew, say hi to them!" utos ni Mrs. Fiona.

Nag-hi siya sa amin at pinakilala nila ako sa kanila. Magkakakilala yata sila.

Iyong anak ni Mrs. Fiona ay nasa age 13 pero may kahawig ang batang ito. Ang gwapo! Parang artista.

"Anyway, where's my big boy?" ani Mrs. Fiona sa asawa niya na ngayon ay nakaupo na.

"May tumawag sa kaniya. Sabi niya susunod na lang daw siya." ani asawa nito na super sa gwapo.

I guess gwapo ang kuya nito. Sana Gwapo! Para may chance! Mahina akong napatawa.

"Hey!"

Halos mahimatay ako sa sobrang gulat.

'Grabe ang gwapo nga' sarcasm here.

Sino pa ba ang walang hiyang babaerong utu-utong si Rex Andrei na kapatid ni Rey Andrew at anak ni Mrs. Fiona.

Takte lang!

Nakita kong lumaki ang ngiti niya ng makita ako. Sigurado ako na ako na naman ang trip niyan.

"Mom can you please move. I want to seat there." sabi niya sa Mom niya na mabilis na umipod.

Talagang pinagtri-tripan ako nito. Bali pinaggigitnaan ako nina kuya Zein at Rex.

Tiningnan ko ng masama si Kuya. Maigi na 'yong alam niya na ayaw ko munang makipaglokohan. Huwag niya muna akong inisin ngayon.

Tahimik lang ako at hindi magawang mag-ingay. Nakakahiya naman sa mga kalapit ko.

Nakakahiya sa parents at kapatid ni Rex at hindi sa kaniya. Nagulat din ako ng malaman ko na may kapatid pala ang ugok na 'to.

Sa kalagitnaan ng misa ay bigla siyang nagsalita.

"Musta na kayo ng Babe mo?" tanong niya.

"Okay lang. Ikaw, kamusta kayo ni Nika?" tanong ko na sinakyan ang tanong niya.

"We're okay. Sa susunod ay huwag mo kaming susundan kung ayaw mong makapanood ng live porn." seryoso niyang sabi.

"Sa susunod, huwag kasi kayo pupunta sa lugar na maaaring may makakita sa inyo. Hindi mo ba alam na pinagchichismisan kayo ng high school students kaya ko nalaman?" tanong ko na nakataas ang kilay at nananatiling mahina ang boses.

"So no'ng nalaman mo ay pinuntahan mo kami para manuod?" nakangisi niyang tanong.

"No. As if naman gusto ko mapakinggan ang mga nakakarindi niyong tawag sa isa't-isa. Baka nga pinilit mo lang siya sa ganoong bagay." sabi ko.

"Hindi ko siya pinilit. Gusto niya rin 'yon dahil she likes the way I kiss her. I'm a good kisser you know." pagmamayabang niya.

Good kisser?! Ang kapal ng mukha niya. So sinasabi niyang nadala ng kiss niya si Nika?

"I think you're not. My Babe is better than you. He's a gentlemen. He will never put his hand to explore on my body if I don't like to. If we kiss it will just be a kiss. And another one, he respects women not like you. Kiss lang tapos nauwi sa iba." inis kong sabi.

"So, nagki-kiss pala kayo. I bet you're lame kissing that man. And Nika is better and sexy than you that's why every man wants to touch and explore her body. Not like your body." argh! Nakakainis! Bakit niya pa sinasabi sa akin 'yon?!

Gusto talaga niya ng inisan? Pwes ibibigay ko sa kaniya. Sinungaling na kung sinungaling sa mayabang ang ugok na to, e.

"Talaga lang ha? Well, alam mo ba na kapag tumitig ang Babe ko ay nakakadala? Feeling ko nga sine-seduce niya ako. Ikaw? Kiss muna bago ma-seduce?" pang-iinis ko pang muli.

"No,  hindi ko pa tinitingnan ang mga babae ay nase-seduce kaagad sila. Kusang lumalapit sa akin. Ikaw? Sino nang lumapit sayo? Sa pagkakaalam ko si Nika ay sikat sa school ninyo at maraming naghahabol na lalaki." Aniya.

Sa akin walang naghahabol?

Tama siya. Walang ngang nanliligaw. Baka torpe?

"Maraming kayang naghahabol sa akin ano!  Torpe lang sila.  Ikaw?  Baka mahal mo na ako at natotorpe  ka lang? Anyway alam mo ba na ang Babe ko ay may magandang pangangatawan, super hot na may abs pa. Ikaw tabs?"

Huhuhu sana matalo ko siya...

May abs siya kaya alam kong talo ako dito sa sinabi ko.

"May abs ako. Baka gusto mong hawakan? " sabi niya.

Hehehe, sige.

"Hoy, ang kapal ng mukha mo. Iyong sa babe ko 12 pack abs. E, sayo 6? Sayo kalahati ng kaniya" nakataas kilay kong sabi.

"Pfft..." sinamaan ko ng tingin si Rex at maya-maya pa ay nadagdagan ang nagpipigil ng tawa.

KUYA! BAKIT KAYA SIYA NATAWA?

"Princess, OA ka naman. Saang abs ba 'yong iba? Sa pagkakaalam ko ay hindi kaya ang 12 abs. Kung kaya man ay talagang pinaghirapan." ani kuya na mahinang tumatawa.

"May Babe ka pala Princess." dagdag pa ni kuya.

Don't tell me narinig niya lahat?

"KUYA!"

"Baby girl,  tumahimik ka nagmimisa." ani mama.

Nagpigil na naman ng tawa 'yong dalawa.  Papatayin ko talaga sila.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon