Kabanata 39

4.2K 91 0
                                    

Kabanata 39 ~ Like what

Pagkatapos namin bugbugin si Gio ay iniwan na lang namin siya sa isang tabi habang duguan.

"Hubby, kain muna tayo. Gutom na ako. " ani Nika kay Rex.

"Okay, come with us." Ani Rex na biglang lumingon sa pwesto ko.

Ako? Bakit naman ako sasama? Pero ang sinabi ay isang demand at hindi tanong.

Mmm... Makasama na nga. Tomguts na rin naman ako. Sarap kayang kumain.

Kung anu-ano ng sinasabi ko. Gutom lang nga 'to. Libre kaya nila?

Sumunod ako sa kanila at napagdesisyunan na sumakay na lang ng kotse ni Rex papunta roon sa restaurant na kakainan namin.

Maya-maya pa ay itinigil na ni Rex ang kotse sa isang Japanese Restaurant.

Hindi pa ako nakakain sa ganitong restaurant dahil kadalasan sa mga sikat na past food lang.

Ako ang unang bumaba sa kotse. Iniwan ko silang dalawa sa loob at hinintay na lumabas. Mamaya hindi sila lumabas at kung ano ng gawin.

Nakita kong padabog na bumukas ang pinto sa right side ng sasakyan at bumaba si Nika.

Bad mood? Bakit kaya?

Sunod lang ako ng sunod kung saan sila pumunta.

Nasa unahan ko sila at ngayon ay kapit na kapit si Nika kay Rex.

Umupo kami sa gilid kalapit ng salamin. Katapat ko sila dahil magkalapit 'yong dalawa.

Dumating iyong waiter at umorder na sila habang ako. Tahimik, ano bang mga pwedeng orderin dito?

"Anong order mo?" ani Nika.

"Katulad na lang no'ng sa inyo." wika ko.

"Gaya-gaya." rinig kong bulong niya.

"Okay." Sabi Rex at sinabi na inulit ang mga order namin.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nag-text kay kuya na naisipan kong kumain dito sa Japanese Restaurant.

Nag-reply kaagad siya na umuwi raw ako ng maaga at mag-ingat.

Tinabi ko na 'yong cellphone ko ng dumating na iyong mga in-order namin.

Masarap kaya 'to? Parang merong mga hindi luto na ni-serve sila.

Kinuha ko 'yong chopstick.

Half Japanese pero hindi ko alam kung paano ito gamitin.

Tinusok ko na lang 'yong pinakaalam ko na pagkain.

Ang Sushi!

Tinusok ko ng chopstick sa gitna.

Nakita ko nalang na ngumisi si Rex. Pakialam niya?

Sinawsaw ko sa toyo na nakalagay sa gilid ng plato ko.

Mmm...charap, charap.

Tinikman ko lahat ng makita kong nakahain.

Nakaka-enjoy din pa lang kumain sa ganitong klase ng Restaurant.

"Yuck. Ang takaw." rinig ko na namang bulong ni Nika.

Bakit kaya ang daming pakielamera sa mundong earth?

Tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay.

Bigla namang nag-fake cough si Rex.

Inisnaban ko silang dalawa at Nika just rolled her eyes.

Maldita.

Kinuha niya iyong chopstick at inikot-ikot sa parang pansit na may maanghang na sabaw.

Ramen ba 'yon?

Itinapat niya sa bibig ni Rex at sinabing.

"Hubby, say ah... Masarap 'to parang ako. "

Mas yuck!

Masarap daw katulad niya as if naman natik—oo nga pala natikman na 'ata siya sa bakanteng room.

Tinitigan ko lang si Rex kung nganga siya. Nakita kong nakatingin din siya sa akin.

Parang binibigyan niya ako ng

'Should I' look.

Aba bakit naman siya humihingi ng permiso kung kakainin niya? Girlfriend niya kaya iyon kaya malamang dapat lang na tanggapin pero sana 'wag.

Takte ano ba 'tong nasa isip ko?

Nakita kong unti-unti niyang binubuksan ang bibig niya. Hindi ko na lang pinansin at bumalik na lang sa pagkain.

Bahala sila maging sweet. Ano bang magagawa ko?

Nakaka-badtrip. Hindi ko alam kung bakit.

Nakita ko na namang ubos na ang mga pagkain kaya nagyaya na akong umuwi. Ihahatid na raw kami ni Rex. Mauuna niyang ihahatid si Nika at huli ako pero ayaw paawat ni Nika at gusto siya ang mahuli.

Edi siya masusunod.

Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan.

Akala ko libre iyong mga kinain ko kanina. Libre na sana ni Rex pero itong si Nika ay nag-aalboroto na naman at siya lang daw dapat ang ililibre.

Nagbayad na lang ako para walang kagulo.

Naramdaman kong patigil na ang kotse. Nandito na pala kami.

Lumabas na ako at hindi sila pinansin.

Biglang bumukas 'yong bintana sa side ni Rex.

"Bye." rinig kong sabi niya

"Sige, thanks for helping me." sabi ko at tumalikod na para maglakad.

"Bella!"

"Yeah?" nakakunot noo kong tanong at humarap ulit sa kotse.

"If you need my help just call me." ani Rex.

Rinig ko ang mga mura ni Nika at alam kong narinig din iyon ni Rex.

Hinawi niya si Rex sa bintana at humarap siya sa akin.

"Call us! NOT JUST REX OR MAS MAGANDA KUNG HUWAG KA NA LANG TUMAWAG SA BOYFRIEND KO. STOP FLIRTING HIM. STOP BEING A WHORE AND SLUT!" galit niyang sabi at mabilis na sinara ang bintana.

Wow! Ako pa talaga ang flirt.

Siya nga iyong laging nanlalandi sa kasintahan niya. Stop being a whore and slut?! Dapat sinabi niya ang mga 'yon sa sarili niya.

Pumasok na ako sa loob at nakitang nakasandal si kuya sa pintuan namin.

"Princess, kung nagseselos ka ay sabihin mo sa kaniya at huwag mong ipapakita sa iba na tinamaan ka na." bungad ni kuya.

"Kuya, I'm not. Okay? " sabi ko.

"Kung hindi, bakit ka naiinis sa kanila tuwing may landian session sila?" tanong ni kuya.

"Masiyado kasi silang PDA. Ayoko ng mga ganoong couple." paliwanag ko.

"Ayaw mo ng ganoong couple o ayaw mo sa kanila bilang couple?" ano nga ba?

"Both!" I said irritatingly.

"That's it Princess. You like him. " wika ni kuya.

"A big NO! Hindi ko sila gusto bilang couple dahil kawawa si  Nika kay Rex. HIS A GANGSTER. AT MALAY MO MARAMING MANG BULLY SA KANIYA DAHIL REX IS A FAMOUS GUY. " paliwanag kong muli.

"She's a ganster too at kaya niyang protektahan ang sarili niya." ani kuya.

"Sabi na nga ba at may magiging epekto ang pag-utos ko kay Rex." dagdag pa niya.

"No, I DONT LIKE REX. " madiin kong sabi.

"If you don't... Ano bang nararamdaman mo tuwing sweet sila? Jelous? Bad trip? Inis? Ayoko lang na nahihirapan ka sa nararamdaman mo. Isa pa nararamdaman ko na Rex also likes you."

Do I really like Rex? Naiinis ako pag sweet sila pero bakit?

Hindi ko na nabisita si Denice dahil naguguluhan talaga ako. May girlfriend na siya kaya bakit pa siya magkakagusto sa'kin. I think it's impossible for him to like me but is it impossible to like him too?

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon