Chapter 13: Meet the Family

543 62 11
                                    

Chapter 13

Meet the Family

 [ Khen's Pov ]

Naalimpungatan ako nang maramdamang may gumagalaw sa gilid ng kama. Idinilat ko ang isa kong mata at agad na ipinikit dahil sa sakit na naramdaman ko sa ulo ko. Nasapo ko ito at minasahe ang aking sentido. So this is what hangover feels like eh? Shit! Parang binibiyak ang ulo ko!

Sinubukan ko ulit na imulat ang mga mata ko. May nakita akong babae na nakayuko sa gilid ng kama. Nang marealize kung sino ito ay napaurong ako sa pinakasulok ng kama. Damn it! What am I doing here?!

Tahimik akong bumangon sa kama. Pilit kong inaalala kung ano ang nangyari sa'kin kagabi sa bar na pinagpalipasan ko ng oras pero lalo lamang sumasakit ang ulo ko kada susubukan kong isipin iyon.

Iginala ko ang mata ko sa kabuuan ng kwarto hanggang sa makita ko ang palanggana at bimpo malapit kay Angela.

Natigilan ako.

Huwag mong sabihin na s'ya ang nag-asikaso sa'kin kagabi?

Napatingin ako sa suot kong damit at napamura nang malamang iba na ang suot ko.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok at napabuntong hininga nalamang. Papalabas na sana ko ng kwarto nang lingunin ko si Angela. She's still sleeping. Nun ko napansin na hirap s'ya sa posisyon n'ya. I couldn't carry her though. Baka kasi magising ko lang s'ya. 

Lumapit ako sa kanya saka ipinatong ang kumot sa balikat n'ya.

"What did I do to deserve this kind of treatment from you?", bulong ko bago tuluyang lumabas ng silid.

- - -

"Ganyan ba magpasalamat ang isang Kenneth Fuertes?"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses na yun. That voice seems familiar to me. Kaya hinanap ko ang nagmamay-ari ng boses at natigilan nang makita kung sino ito.

Si Jeremy.

"Don't just stare there man. Go back inside at makipag-ayos ka kay Angela. Man up!", ani nya na ikinakunot ng noo ko. Magsasalita na sana ako para linawin yung sinabi n'ya nang may tumawag sa'min.

"Kuya! Kenneth!", tawag nya bago pumagitan sa'min.

That Girl is DifferentМесто, где живут истории. Откройте их для себя