FINALE

23.1K 1K 559
                                    

#JuliansGiftFinale

Salamat sa lahat ng sumuporta sa akin, simula nung My Marine Lover, The Martin Brothers, A Gay Cinderella Twisted Story at ngayon naman tong Julian's Gift...

Maraming Salamat po!

VOTE AND COMMENTS NA LAST NA EH :)

++++++++
JULIAN's POV

Di ko nakayanan yung sinabi ni Maddie kaya tumayo ako at umalis sandali. Hinabol naman ako ni Matteo at hinawakan sa mga kamay.

"Ju, wag kang maniwala. Mamaya hindi naman saken yung batang yun!" Inis na sabi ni Matteo pero alam kong naiiyak siya.

Pinigilan ko sarili ko na umiyak.

"Wag kang lumapit samen, titignan ko isip niya kung sa'yo nga yung bata!" Sabi ko pa.

Naghintay siya dun at binalikan ko si Maddie na nakaupo pa rin at mukhang problemado.

"Julian, wala na akong paki kung kayo ni Matteo. Wala akong balak manggulo sainyo maniwala ka, pero hindi ako nagsisinungaling. Hindi naman ako kaladkaring babae, Si Matteo lang naman yung lalaki sa buhay ko! Maniwala ka saken" paliwanag ni Maddie saken.

Hinawakan ko kamay niya para damayan siya at the same time, binabasa ko isip niya.

Ilang linggo na siyang di mapakali dahil delayed siya, tapos suka pa siya ng suka. Hindi rin alam sakanila na buntis siya, at totoo nga. Tinignan kong mabuti at wala siyang ibang lalaki.

Anak nga ni Matteo yun.

"Julian..." sabi niya habang umiiyak.

Yumakap ako sakanya para damayan siya.

"Shhh... wag kang mag alala. Magiging okay din ang lahat" sabi ko.

"Alam kong mahal na mahal mo si Matteo, at mahal ka rin niya.... pero ayokong lumaki na walang magulang yung magiging anak ko"

At sa mga oras na 'to, napaisip ako ng malalim.

What if yung nakita kong panaginip ko na buntis ako eh eto yun? Kaso sa panaginip ko, imbis na sarili ko ang nakikita ko eh si Maddie pala? What if story pala ni Maddie at Matteo yung nakita ko imbis na saken?

Isa lang masasabi ko, nagtagumpay talaga sila Gab na sirain yung future ko. Dahil dito, peo ayokong sisihin si Maddie. Ayoko siyang sisihin kasi wala siyang kasalanan. Biktima lang din siya rito.

Bigla naman lumapit si Matteo samen at hinila ako palayo... wala siyang sinasabi basta mabilis kaming naglalakad na dalawa palayo.

"Ano ba!" Sigaw ko sakanya. Wala masyadong tao dun sa may gilid ng school,

"Wag kang maniwala dun, hindi totoo yun!"

"Nakita ko Matteo!! Nakita kong sa'yo yun! Wala siyang ibang lalaki, ikaw lang!"

"Oh ano naman kung may anak ako sakanya?! Edi ipalaglag niya na lang!"

Di ko akalain na kaya niyang sabihin yun. Naalala ko bigla yung kapatid ko, nalaglag yun kay mama kaya hindi ko matanggap na sinabi ni Matteo yun.

Sabagay, hindi naman niya alam yung tungkol sa kapatid ko, kaya sinama ko siya papunta sa puntod ng kapatid ko.

+

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong niya saken.

"Tuwing bago mag Birthday mo diba palagi kaming wala sa bahay? Nandito kasi kami. Binibisita ko yung kapatid ko"

Di niya alam, hindi ko pa kasi sinasabi sakanya yung tungkol dito.

"Nalaglag siya sa sinapupunan ni mama. Kaya simula nun, hindi na sinubukan uli nila mama na magkaananak. Tapos sasabihin mo lang na ipalaglag niya yung bata?!"

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon