Part 54

14K 661 141
                                    

"Kuya Gab, diba time controller ka?" Sabi ni Sarah.

Natawa naman si Gab sa sinabi niya.

"Sorry, kailangan kong magsinungaling sa'yo about dun" sabi niya.

Naglalakad kaming tatlo papunta sa gitna, ewan ko, feeling ko di ako natatakot. Magkakasama kaming tatlo eh, top 3 na gift users.

"Ayy, bakit po kuya?" Tanong ni Sarah.

"Hehe, kaya ko lang gumawa ng Illusion na parang nakatigil lahat ng tao"

"So kuya...."

"Oo, ako yung Illusionist hehe"

Napaka pleasant ni Gab. Di ko talaga siya makitaan ng masamang balak.

Binasa ko naman isip niya at pinasok ng maigi.

Wala naman akong masamang makita, parang mabait talaga siya. Siguro, kailangan ko ng tanggalin sa isip ko na masama si Gab.

"Julian, ang lakas mo na pala no? Nung una kitang nakita, parang nagsisimula ka pa lang, pero ngayon.... kaya mo ng magkontrol ng bagay gamit isip mo"

"Hehe, salamat po sainyo hehe"

"Nako, ngayon ko lang po napansin, magkakasama pala tayong tatlo!" Sabi ni Sarah bigla.

"Hehe, kanina nga takot na takot ako maglakad eh, mamaya kung anong mangyari saken, pero nakita ko kayo. Wow. Medyo lumakas loob ko" sabi ni Gab.

Ang humble niya masyado, nakakatuwa.

Nagdetect muna ako kung merong taong malapit samen.

Pero wala naman.


"Nice, kaya mo rin mag track?" Tanong ni Gab.

Ngumiti lang ako.

"Kailangan ko palang mag ingat sainyong dalawa, masyado kayong malakas" sabi ni Gab.

"Nako, 5 mins mo nga lang akong tinalo sa laban natin" sabi ko.

"Meron kasi akong elementor nun, kung wala akong kasama tapos tayong dalawa lang, walang wala ako sa'yo"

Nahinto bigla si Sarah.

"May naririnig ba kayo" sabi niya.

Nung natahimik kami, may naririnig kaming parang lindol galing sa likuran namen.

Maya maya, lumakas bigla yung hangin.

Si Angelica kaya to?

Sa malakas na hangin, parang tinutulak kami palayo. Kaya tumakbo kaming tatlo kaagad ng mabilis para maiwasan yung hangin.

"Si Angelica siguro yun!!" Sabi ko.

"Kailangan natin siyang matalo para mawala na tong hangin!!" Sigaw din ni Sarah.

"Sa tingin ko hindi 'to wind element, kasi kung walang na detect si Julian kanina, ibig sabihin wala talagang tao sa paligid natin. Baka pinapapunta talaga tayong lahat sa gitna!!" Sigaw naman ni Gab.

Tama siya, nung dinetect ko yung lugar, walang tao. Hindi ako pwedeng magkamali.

Takbo kami ng takbong tatlo hanggang sa mawala na yung malakas na hangin.

Parang narating na namen yung gitna kasi nawala na yung maze at isang napakalaking bilog na nga yung nandito.

dito ko kinuha yung pearl kanina.

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon