Part 43

14.9K 657 108
                                    

Umagang Umaga, nakipagkita kaagad ako kina Sarah at Kennard. Gusto ko kasi ipahawak kay Kennard yung dice para may fire element akong power na pwedeng ibulsa.

Di ko na sinama yung dalawang dice dahil nahawakan na ni JayR yun at nung babae, pero ang pinagtataka ko, bakit hindi nag kulay itim yung dice kung normal na tao lang sila?

Yung sa babae, feeling ko meron siyang gift kasi nagulat siya nung nahawakan ko yung dice. Ang problema lang, di ko alam yung gift.

Pero si JayR, nung nahawakan niya, hindi naman nagkulay itim.

May gift kaya si jayR?

Imposible! Nababasa ko kasi nasa isip niya, kaya imposibleng may gift siya.

Pero paano?

Di ko na lang masyadong inisip yung about dun at pumunta na sa meeting place namen sa mall.

Una ko kaagad napansin si Kennard magisa.

Naka Black TShirt siya at shorts.

"Julian, sorry, di ko alam, pupunta daw si Lucas dito." Bungad saken ni Kennard.

"Lucas?"

"Oo, ewan ko ba dun, gusto talaga ng gulo eh. Pero kapag kami kami naman magkakasama, hindi naman yun ganun, ewan ko ba bakit ang init ng dugo sa'yo nun!"

"Hehe hayaan mo na"

"Ice pa naman gift niya tapos mainit dugo niya sa'yo hahaha okay ang korny ko"

Nakakatawa rin banat netong si Kennard eh.

Buti na lang si Kennard lang nandito, pagkakataon ko na para ipahawak sakanya yung dice.

"Kennard tignan mo nga to" sabi ko sakanya sabay abot ng dice.

Sakto, nahawakan niya saka niya tinignan ng maigi.

"Dice ba to?" Sabi niya.

"Oo."

"Anong meron dito?"

Nice. Buti na lang hindi niya alam yung about sa dice.

"Ahhh wala wala hehe, akin na uli" sabi ko.

Inabot niya saken at nung nahawakan ko na, naging kulay pula yung dice.

Buti di niya napansin yung pagpula.

"Para saan yun Julian?" Tanong niya.

"Ahh... wala, wala. Hehe"

"Ahh, nagiging weird ka na naman ah hehe. Nako, mamaya kapag nandito na si Lucas, aawatin ko kayo. Mamaya mag round 2 yung away niyong dalawa eh haha" sabi niya pa.

Nakaupo lang kami sa may bench sa loob ng mall habang hinihintay si Sarah.

"Sa tingin mo sa event ganun talaga mangyayari? Sa totoo lang nakakamatay yung laban natin nung isang gabi" sabi ko.

"Totoo, baka naman virtual world lang yung paglalabanan natin?"

"Hindi naman siguro, sabi saken ni TB, hindi daw ganun eh. Maglalaban laban talaga"

"Ahhh. Well, hintayin na lang natin, 2 weeks na lang naman, after new year, event na!"

"Oo nga! Excited ka na ba?" Tanong ko sakanya.

"Medyo, wala kasi akong idea kung anong mangyayari sa event eh."

"Parehas tayo, ayaw din naman magkwento ni TB"

"Ayaw din magkwento saken eh, hehe hayaan mo na nga" sabi niya pa.

Natahimik lang kami bigla.

Sa di kalayuan, napansin ko naman na palapit samen si Lucas.

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon