MATTEO's POV

18.6K 732 156
                                    

Ang sarap ng higa ko sa kama ko nun, kausap ko si Tricia sa phone ng bigla namang pumasok sa kwarto ko si Kuya, may hawak siyang libro na itim nun.

"Pwede kang makausap?" Medyo seryoso yung tono ni Kuya ngayon, kaya binaba ko muna yung phone ko.

"Ano po yun Kuya?"

"Halika, may bibigay ako sa'yo"

Inabot niya saken yung hawak niyang libro.

"Ano 'to Kuya?"

"Shield mo"

"Shield?"

"Basta, 'Wag ng maraming tanong! Hehe, pamana ko sa'yo yan. Promise, matutuwa ka rin diyan. Ipapaliwanag ko sa'yo kapag malapit mo ng magamit yan!"

Ang weird ni Kuya, pero 'di naman siya mukhang nagbibiro kaya kinuha ko yung libro. Pagkahawak ko ng libro niya, nakaramdam ako bigla ng pagka antok. Na parang may something sa libro na iyon kaya sinabi ko kay Kuya at nagpahinga na uli ako.

+

Lumipas yung buwan na nasaken yung libro pero di ko pa rin alam ibig sabihin ni Kuya hanggang sa umalis na siya at nag ibang bansa uli.

Buti na lang may kotse kami na pwede kong gamitin pagpasok sa school kahit na nakakabwisit sila mama at papa rito.

Pag dating ko ng school, bumunga saken si Tricia at gusto akong kausapin pero parang nawala yung gana ko sakanya ng makita ko siya. Bwisit, eto na naman ako eh. Ang bilis magsawa sa babae.

Buti na lang nandito ang bestfriend kong si Julian! Sinimulan niya ako nung sinabi niyang "Harry Potter makes you gay" pero in reality siya naman pala 'tong bakla hahaha. Pero okay na rin, maganda naman kasama eh at sa lahat ng taong kilala ko, siya lang yung gusto kong kasama. As in siya lang.

"Hi Matteo!" Bati ni Tricia saken.

"Ju, halika rito!" Sabi ko kay Julian at nagmadali siyang lumapit saken.

"Yes?" Ang inosente ng itsura ni Julian, parang walang kamuwang muwang.

"Diba sinamahan mo ko sa hospital kahapon? Ang sabi ng doctor may Herpes ako"

Mukhang nagulat naman si Julian sa sinabi ko at kinurot ko siya para makisakay siya.

"Ahhh oo oo" sagot niya.

Humarap naman ako kay Tricia.

"Diba nakakahawa yun? Ayoko sanang mahawaan ka Tricia eh. It's not you Tricia, It's me and my herpes."

Mukhang nandiri si Tricia sa sinabi ko kaya umalis na lang siya kaagad.

"Para saan naman yun?" Tanong ni Julian.

"Wag ka ng matanong diyan!"

"Sus tinamad ka lang eh"

"Tinamad, gusto ko kasi katulad mo Ju! Yung hindi maarte at kayang sabayan trip ko!"

Kapag inaasar ko si Julian ng ganito, palagi siyang natatahimik eh, di ko tuloy alam kung may gusto saken 'to eh.

Si Julian yung kasama ko palagi, siya pa yung gumagawa ng assignments ko minsan, nagpapakopya rin yan pero syempre ang kapalit, lilibre ko siya.

Simula talaga 'non, sakanya ko lang gusto sumama. Siya lang hinahanap ko palagi, minsan pinagkakamalan na kami pero okay lang din naman saken.

Isang araw, bigla na lang sinabi ni Juju na may crush siya kay Laurence. Yung nakalaban ko sa pageant.

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon