Part 34

16.2K 683 114
                                    

Araw na ng pag balik namen sa Manila, at kasabay namen si Laurence.

Si Matteo naman, nasa loob na kaagad ng bus at naka impake.

Pero bago ako umalis, nagpaalam muna ako kay Makmak na pansin kong umiiyak sa may bus.

Nilapitan ko siya.

"Wag ka ng umiyak Makmak, dadalaw na lang ako uli dito pagka may time ako, okay?" Sabi ko sakanya.

"Mamimiss po kita Kuya. Kayong dalawa ni Kuya Pogi." Niyakap niya naman ako ng mahigpit.

Si Matteo yung tinutukoy niyang Kuya Pogi.

"Babalik na lang kami dito uli ah? Pangako yan hehe"

"Pangako po ah?"

"Pangako. Kaya wag ka ng umiyak diyan" sabi ko pa.

Napansin ko naman na palapit si Laurence sameng dalawa.

"Oh, bakit mo naman pinaiyak babe?" Sabi niya.

"Loko, di ko pinaiyak."

"Hehe, may chocolate ako sa bag, gusto mo ba?" Sabi ni Laurence sa bata.

Napalitan ng ngiti yung labi ni Makmak na umoo sa chocolates.

"Sige, teka, kunin ko lang sa kotse ah" paalam niya.

"Ohhh basta wag kang pasaway ah? Magpakabait ka rito palagi" sabi ko pa.

"Opo Kuya Julian!"

Sobrang mamimiss ko tong batang to.

Maya maya, dumating na si Laurence na may dalang chocolate kay Makmak.

"Oh, share mo yan sa lahat ng friends mo ah?" Sabi ni Laurence, puro cadburry yung binigay niya siguro mga 10 piraso.

"Maraming salamat po Kuya!"

"Hehe. Pakabait ka rito ah?"

Natutuwa naman ako kay Laurence, mabait din pala siya sa mga bata.

Napansin ko rin si Matteo na nakadungaw sa bintana at nakatingin samen ni Laurence.

+++++

Sumabay ako sa sasakyan ni Laurence pauwi, pumayag kasi si ma'am, pero nakasunod lang kami sa bus kasi dapat sa school pa rin yung baba nameng lahat.

Pero nakatulala lang ako sa bus, gusto ko malaman yung ginagawa ni Matteo.

Galit kaya siya saken?

Nagtatampo?

Or, Umiiyak kaya?

Di ko alam. Gusto ko malaman talaga.

Pero naramdaman kong may humawak sa kamay ko bigla.

"Babe okay ka lang? Nakatulala ka na naman." Sabi ni Laurence.

"Ahhh eh.. oo"

"So, kanina pa kita tinatanong, kumusta yung pinuntahan niyo?"

"Okay naman babe, nakakapagod nga lang"

"Ahhh I see.... pero...." napatingin ako sakanya bigla. ".... bakit di mo sinabi saken na kasama pala si Matteo?"

Sabi ko na tatanungin niya ako neto eh. Pero di ko alam isasagot ko.

"Nakapagusap na ba kayong dalawa?" Pahabol niya pa.

"Ah... opo babe"

"Ahh. Good, so bati na kayong dalawa?"

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon