Part 42

16K 763 141
                                    

"So, anong gagawin mo sa Pampanga?" Tanong ni JayR, kakadaan lang namen ng drive tru sa McDo bago kami umalis ng tuluyan.

"May pupuntahan lang, medyo importante hehe"

"Medyo lang?"

"Hehe, osige, importante na hehe" sabi ko.

Natahimik kami pareho.

Weird sa iba na sumasama kaagad ako sa taong kakakilala ko lang, pero nababasa ko isip ni JayR at alam kong napakabait niyang tao.

"Bakit ka pala pumunta samen?" Tanong ko para may pag usapan kami.

"Ah, sabi ko sa'yo diba dadaan ako sainyo"

"Oo nga, pero bakit?"

"Wala lang, gusto lang kita makasama hehe. Ang cool mo kasi, galing mo makisama"

"Hala, nag shot lang ako nung Birthday mo, alam mo na kaagad na cool ako? Haha"

"Siguro ganun na nga hehe"

Natahimik uli ako, ang cute magdrive ni JayR, may pag galaw ng ulo siguro may kinakanta siya sa isip niya.

"Magkaaway ba kayo ni Matteo?" Tanong niya.

"Ha?"

"Narinig ko kasi sabi mo sa papa mo na 'wag ng isama si Matteo' ba yun? So.... akala ko magkaaway kayo"

"Ahh, hindi hindi." Pagsisinungaling ko.

"Akala ko nga nahawa na si Matteo eh haha," kwento niya pa.

"What do you mean nahawa?"

"Well akala ko kasi... kayong dalawa. Hehe" sabi niya.

Natahimik ako lalo sa sinabi niya.

"Na offend ba kita?" Tanong niya.

"Hindi, hindi. Okay lang hehe"

"Hehe, Well mali naman ako. I saw him hitting on Angelica kaya sabi ko imposible hehe"

Sht, eto na naman sa issue kay Angelica.

"Sobrang sweet, at mag ex pala sila no? Whatta small world para sakanila, siguro destiny!"

"Ah hehe. Wag na natin sila pag usapan" bigla kong sabi, di kasi ako komportable.

"Oh, sorry. Seems like you're irritated hehe, I'll stop na"

Feeling ko may nasabi kong masama sakanya kaya kailangan ko kaagad makaisip ng bagong topic.

"Paano pala kayo nagkakilala ni Matteo?" Tanong ko bigla para masira yung awkward silence.

"Ahh, taga Cavite kasi kami before, tropa kami dun. Buti nga nung lumipat kami rito, tropa pa rin kami eh"

"Pero akalain mo yun no? Ang liit ng mundo, tropa mo rin pala sila Kennard?"

"Hehe sobrang liit ng mundo, oh kaya malay mo pinagtagpo talaga tayo hehe"

"Hala,"

"Hehe joke lang Julian. Sorry kung ganito ako sa'yo ah"

Ayoko na magsalita mamaya kung saan pa mapunta yung usapan, change topic na lang ulit.

"Alam mo ba kung saan yung pupuntahan nating address?" Tanong ko sakanya.

"Pwede naman tayong magtanong eh, hayaan mo di naman tayo maliligaw. Pampanga lang yun, super lapit lang hehe"

At syempre, may kapangyarihan akong makabasa ng isip ng ibang tao, kaya talagang hindi kami maliligaw.

+++

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon