Part 7:

23.6K 814 116
                                    

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!

+++++++

"Anak, kumusta ni Laurence?" Tanong ni papa saken habang nag aalmusal kaming tatlo nila mama.

"Okay naman po, magkaibigan naman kami" sabi ko.

"Utut mo, nakita ko kayong magkahalikan sa kotse niya kagabi!"

Jusko, eto na naman si papa, umaatake pagiging baliw.

"Ma, ano ba to si papa! Wala akong privacy!" Sabi ko.

Tumawa lang si mama sameng mag ama.

"Privacy ka diyan, nasa tapat kayo ng bahay. Ohh, ano naman pakiramdam ng first kiss mo?"

"Ang sarap talagang asarin netong si Julian" sabi ni papa sa isip niya.

"Pa, di kami nagkiss kagabi!"

"We? Kita ko kaya!"

"Pauso ka pa, hindi kaya, hindi natuloy!"

"Nako, buti naman kung ganun, kung hindi baka hanap hanapin mo na yun! Tapos sa susunod iba na hahanapin mo, tapos makikita ko na lang marami ka ng bibilhin ng condom kasi hinahanap hanap mo na..."

"Pa!!!! Ano ba yang pinagsasasabi mo"

"Hahahahhaahhaa, hinahanda ko lang sarili ko sa mga possibilities" sabi ni papa.

"Baliw na naman ang mag ama!" Sabi ni mama sa isip niya.

"Ewan ko sayo pa!"

"Haha biro lang anak, ayoko lang ng nagtatago ka samen, share mo samen lahat, makikinig kami ng mama mo, diba honey?"

"Oo naman, excited na nga ako sa mga kwento niya eh" sabi ni mama.

Kahit baliw mga magulang ko, sobrang swerte ko sakanila at tanggap nila ako at saka nagmamahalan kaming lahat.

"Pinagbaunan kita ng pagkain ha?" Sabi ni mama.

"Salamat naman less gastos ako today!"

"Sus, ang konyo mo magsalita today, di bagay!" Singit ni papa.

Mababaliw na ako rito kay papa eh. Pati iniisip niya puro kalokohan.

Maya maya, may kumatok sa pinto namen na pinagbuksan naman ni mama.

Nagulat naman ako ng hawakan ni papa kamay ko tapos lumapit siya saken para bumulong.

"Anak, kung gusto mo maging lalaki, tutulungan kita, gusto mo punta tayo ng bar kung saan maraming nakahubad na babae"

"Papa! Nakakadiri to, hindi mo na naisip si mama"

"Hoy, ikaw lang papapasukin ko dun tapos hintayin kita sa labas hahaha, joke lang yun ah wag mo ko sumbong sa mama mo!"

Bago pa ako makasagot, narinig kong sinigaw ni mama pangalan ko.

"Julian anak, may naghahanap sayo" sabi ni mama.

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon