"Halika na!" sabay hatak sakanya.

"No, no, no!" halatang lasing na. Mahinahon nyang tinanggal yung pagkakapit ko sakanya at ngumiti sya na nakakaloko "The party is not yet over! Tsk! Papauwiin mo agad ako? Eh wala pa ngang nangyayari eh hahaha. Woohhhh!" sabi nya at ininom ng diretso yung kanina nya panghawak hawak na beer.

"Ahh gusto mo may mangyari?" tanong ko at bigla naman syang napangiti at tumango ng masigla "Paghindi ka na talaga umalis dito may mangyayaring masama! Kaya tara na!" sigaw ko kasi naman! Nakakabwiset yung tugtog! Ang ingay!

'Malamang asa bar ka kiel eh magulat ka nalang kung tahimik yan pero bar ang tawag'

Oo na!

"ANG KJ MUUUU HAHAHA! PARA KANG... BOYFRIEND BA KITA?" sabi nya sabay kupkup sa mukha ko napatingin naman ako sakanya .

Napahinga ako ng malalim bago magsalita "Hindi"

"MAS WALA KA PA PALA SA SARILI SAAKIN EH! WOHHHH OH ETO SHOT KA MUNA!" bakit parang mas maamo pa ata sya pag lasing pero mas wild? Hahaha.

"Vanessa" pero nakakainis rin kasi yung ngiti nya parang ngiti na baliw na may binabalak na masama na nangaakit.

"Don't like? Well more for me!" sabi nya at ininom ng deretso yung alak na hawak hawak nya sabay dighay "HA! WOHHH! REFRESHING! ISA PA!"

"Vanessa stop" sabi ko pero tinalasan nya lang ako ng tingin pero ngumiti ulit. Nagiging baliw nga sya. Wala akong magawa kundi kunin yung baso na yun, baka masobrahan eh.

"DON'T YOU DARE! That's mine, and what is mine is mine! Don't you dare to steal it!"

Hindi ko alam kung humugot ba sya o ano. Galit na galit eh. May pinagdadaanan ba toh?

"Vanessa halika--" Hinawakan ko na kamay nya kasi aalis nanaman papunta dun sa counter pero pumiglas sya.

"Who... Who you ba?!" tingnan nya ako mula paa hanggang mukha "AHHH! Hahahaha Sorry my boyfriend stickly prohibited to do not talk to strangers especially when it is a boy" sabi nya sabay ngiti.

"May bf ka na?" nagisip muna sya tapos uminom ng alak.

"I know he is my bf before but... The funny part is he don't know that he is my bf hahahaha" hala baliw tumatawa pero umiiyak na, napatulala naman sya pagkatapos nyang sabihin yun.

Kinuha ko unti unti yung beer nya at napatingin naman sya saakin ng nakakunot yung noo pero naluluha parin mga mata nya pero biglang yumuko at kumuha ulit ng panbagong beer.

Anak ng tipaklong! Saan ba nanggaling yang mga alak na pinagpupulot nya at hindi maubos ubos!

"You're just like them. Stealing things that....that will make me... happy. Then what? You'll gonna leave me *hik hik* alone... Just like that after you get what you want H-ha?? HUHUHUHUHUHU" bigla biglang kumunot yung noo nya at tumingin ng matalas saakin, "SABIHIN MO NGA SAAKIN LUCAS?! WALA BA AKONG KARAPATANG SUMAYA? Kahit saglit lang" 

Kinuha ko yung magkabilang pisngi niya gamit yung dalawa kong palad at pinunasan yung luha nya gamit ang mga thumbs ko, "Nilalayo ko lang sayo dahil alam kong makakasama ito sayo"

Ngumiti nalang sya at ako rin. Lasing nga sya, ang tinong kausap eh. Maya maya lang bigla syang na out balance.

"Uy!"

"Haha buti ka pa sinasalo ako sa tuwing nahuhulog ako. Good job! Eh yung isa? HAHAHAH nevermind nalang!" sabi nya ng wala sa sarili.Nagthumbs up pa! Ang creepy naman neto pag lasing na hahaha ang sarap pag tripan hehe de joke. Good boy ako noh ayokong itake advantage sya habang lasing pa.

She's my brat boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now